YVES's POV
Nandito na kami ngayon sa mall. Pumunta muna kami sa Mcdo. Gusto daw ng fries eh. Umorder na ko.
"Eh baby! Bakit may kanin? Sabi ko fries at float lang eh." Sabi ni Sha sakin.
"Hindi pwedeng hindi ka kakain ng kanin baby. Kumain ka muna ng kanin bago fries. Lunch ngayon hindi meryenda."
"Oo na po. Nanermon pa eh." Umupo na ko tska kami nagsimulang kumain. Pagkatapos namin, lumabas na kami at namasyal.
"Baby! Laro tayo sa timezone." Sabi niya. Inisin ko nga. Hahaha.
"Ayoko. Ikaw na lang."
"Dali na! Ako magbabayad. Please?" Sabay kapit sa braso ko.
"Ayoko nga kasi."
"Ganun ba? Sige po. Wag na lang." Sabay lakad palayo sakin. Hinabol ko naman.
"Uy baby! Joke lang. Tara na. Laro na tayo." Tapos hinawakan ko yung kamay niya pero tinggal din niya.
"Wag na po. Tinamad na ko." Naglalakad pa rin siya.
"Sorry na baby. Tara na kasi."
"Uwi na lang tayo."
"Kakarating lang natin, uuwi kagad?"
"Tinatamad na ko eh." Tapos dire-diretcho siya hanggang sa makalabas kami ng mall. Seryoso nga siya na uuwi na kami. Malay ko bang totopakin siya ng ganon. Hays. Nagdrive na ko pauwi samin. Dun muna siya samin.
"Ihatid mo na ko samin." Sabi niya. Halatang badtrip pa din siya.
"Baby, dito ka muna samin."
"Masama ang pakiramdam ko." Ano ba yan. Kasalanan ko to. Hinatid ko na siya sa kanila. Hindi naman siya ganyan dati. Mangungulit pa yan hangga't hindi nakukuha ang gusto niya pero ngayon, sumusuko na kagad siya. Lumabas siya sa kotse ko ng hindi man lang nagpapaalam sakin. Umalis na din ako kagad.
AIESHA NICOLE's POV
Pagkapasok ko sa bahay, tumakbo kagad ako sa kwarto ko. Nahihirapan akong huminga. Habang kinukulit ko si Yves kanina, naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko. Kaya nagyaya na kong umuwi at nagpahatid na ko samin. Napahiga ako sa sahig. Nanghihina ako.
"Ku-kuya!" Sigaw ko pero mahina na ang boses ko. Sana marinig ako ni kuya.
"Tu-tulong!" Wala na kong boses. Paano na to.
"Hoy Aiesha! Saan ka--AIESHA!" Tumakbo si kuya papunta sakin at binuhat ako tapos nawalan ako ng malay.
TYRONE's POV
Saan kaya galing yung batang yun. Pumasok ako sa kwarto niya ng walang katok-katok.
"Hoy Aiesha! Saan ka--AIESHA!" Nakita ko siyang nakahandusay sa sahig. Kaya binuhat ko kagad siya at sinakay sa kotse ko. Nagmadali akong magdrive. Pagdating namin sa ospital, dinala kagad siya sa ER habang ako nakaupo lang.
"Kamag-anak ka ba ng pasyente?" Tanong ng doktor sakin kaya napatayo ako.
"O-opo. Doc, ano pong nangyare sa kapatid ko?"
"Sa loob tayo magusap." Pumasok kami sa opisina niya.
"May sakit sa puso ang kapatid mo. At delikado to para sa kanya. Bawal siyang mapagod, uminom, manigarilyo o masaktan emotionally dahil baka lalong lumala ang sakit niya. Iiwas niyo siya sa mga bagay na makakasama sa kanya. At kailangan niyo ng makahanap ng heart donor sa lalong madaling panahon." Nabigla ako sa nalaman ko. Naiyak ako bigla. Paano nangyare to? Bakit siya nagkasakit ng ganito. Bakit ang kapatid ko pa?!
BINABASA MO ANG
Once a playboy, always a playboy?
Roman d'amourLove is accepting people for who they are, no matter what. He's a playboy, will you still accept him?