CHAPTER 1:

13K 219 5
                                    

AIESHA NICOLE's POV

Sunday ngayon at walang magawa dito sa bahay. Ako nga pala si Aiesha Nicole Chua pero kadalasan, Nicole lang ang tinatawag nila sakin. Second year college student at BS Accountancy ang kinukuha kong kurso.

Parang gusto kong pumunta sa mall. Naligo ako at nagbihis. Simple lang ang suot ko. Shorts na below the knee, fitted white t-shirt at doll shoes. Bumaba ako at nagpaalam kay mama.

"Ma! Punta lang po ako sa mall." Sabi ko.

"Nako! May tatagpuin ka lang yata dun eh." Pagbibiro nito.

"Wala ma! Mamamasyal lang po ako."

"Hahaha. Biro lang anak. Okay sige basta magiingat ka ha?"

"Opo ma. Alis na po ako."

Magcocommute lang ako. Sanay naman ako kasi pagpasok, nagcocommute lang ako minsan. Minsan kapag trip ko, sumasabay ako kay kuya pero ang totoo, may sarili akong kotse, tamad lang talaga akong magdrive. Tska mahal ang gasolina sa panahon ngayon.

Pagkarating ko sa mall, naglibot na muna ko. Window shopping ba. Trip kong mag'ice-cream dahil sobrang init kaya dumeretcho ako sa bilihan ng ice cream dito sa mall.

"Hi ate. Isang ice cream nga po."

"Hello. Ang cute mo naman. Anong flavor po?" Maliit na bagay ate. Char!

"Salamat po. Rocky road po sa ilalim tapos mango po sa ibabaw." Nahihiya ko pang sagot.

"Eto ma'am." Inabot niya at ice cream kasabay ng pagabot ko ng bayad.

"Thank you po."

Nginitian ko lang si ate tapos lumabas na ko. Naglakad-lakad lang ako hanggang sa mapatingin ako sa isang store. Bilihan siya ng mga teddy bears o kahit anung stuff tulad ng customized bracelets and necklace. Nandun pa rin yung teddy bear na sobrang gusto kong bilhin noon pa. Kaya ko siyang bilhin pero mas maganda sana kung ang magbibigay sakin nun eh yung future boyfriend ko. Hahaha. Arte ko no? Sa sobrang pagtitig ko sa teddy bear, may nabunggo ako at natapon sa kanya yung kinakain kong ice cream. Hala! Sayang yung ice cream. Hays. Nakayuko lang ako dahil sa hiya.

"K-kuya, s-sorry po." Kinakabahan ako dahil baka masungit to. Kuya kasi nakita kong panglalaki ang sapatos niya.

"What the hell! Tignan mong ginawa mo!" Hindi ako nagkamali, masungit nga. Tumingala ako kasi sinagawan niya ko. Kapal ng mukha neto.

"Sorry na nga diba?! Hindi ko naman--Yves?!" Nanlaki ang mata ko.

"Kilala mo ko?" Kunot-noo niyang tanong. Kitang-kita sa kanya ang pagtataka kung bakit ko siya kilala.

"A-ah. Eh ano kasi, schoolmates tayo. Sorry ulit. Hindi ko talaga sinasadya." Tapos tumakbo na ko palayo. Sayang talaga yung ice cream.

Sumakay na ulit ako para makauwi na. Hindi man lang ako nagtagal sa mall. Jusko. Nakakahiya kasi yung nangyare kanina.

By the way, yung nabangga ko kanina, siya si Yves. Yves Sohn ang buo niyang pangalan. Second year college din at BS Accountancy din siya pero magkaiba kami ng section. Siya section B tapos ako naman ay section A. Matalino yung lalaking yun, sobra pero nagpabaya sa pag-aaral kaya nasa section B siya ngayon.

Gwapo din siya. Oo, gwapo siya. Kaya ginagamit niya yung kagwapuhan niya para manloko at mahulog sa kanya ang mga babae. Playboy siya. Sa pagkakaalam ko, naging playboy siya simula ng iniwan siya ni Megan. Ex niya si Megan. Naging sila ng tatlong taon kaya napakahirap para kay Yves na iniwan lang siya ng ganun-ganun ni Megan. Bakit ko alam? Kasi simula 1st year, may crush na ko kay Yves pero hindi niya alam yun at ayoko ng malaman pa niya dahil panigurado, lolokohin lang din niya ko. Si kuya lang ng tanging nakakaalam nun. Pauwi na ko at nakasalubong ko si Kuya Tyrone. Palabas ng bahay.

Once a playboy, always a playboy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon