YVES's POV
Shit! Ang aga-aga, ang daming nagtetext! Kanina pa vibrate ng vibrate ang phone ko. Nakakainis na. Pagtingin ko sa phone, what the heck?! 50 text messages? Binuksan ko isa-isa. Puro lang naman sa mga babae ko galing. Tss.
"Honey, I miss you."
"Nasaan ka na? Dito na ko sa terrace."
"Baby, I love you."
"Sweetheart, text mo ko."
"Hi darling."
"Babe, sunduin mo ko today."
Argh! P*ta! Kairita naman! Puro ganyan ang text at ang alam ko, yung iba sa kanila, mga ex ko na lang. Pero panay pa rin ang text. Akala naman nila seryoso ako sa kanila. Asa pa sila. Bumangon na ko tska naligo at nagayos ng sarili. Bumaba ako at naabutan si kuya na nagluluto.
"Morning kuya." Bati ko.
"Morning din. Bakit mukha kang badtrip?" Bati naman niya.
"Yung mga babae, nagtext lahat sabay-sabay. Sabog inbox ko. Badtrip. Pota!"
"Hahaha! Nakakasawa na ba? Tigilan na kasi."
"Hindi kuya. Hangga't hindi bumabalik si Megan sakin, hindi ako titigil." Napatingin sakin si kuya tska napatitig.
"Bakit kuya?"
"Bakit parang ayos na ayos ka ngayon? May pinopormahan ka na naman ba?"
"Ha? Wala kuya." Anong pinagsasasabi nitong si kuya? Biglang nagvibrate yung phone ko.
From: Sha
Hi Yves! Goodmorning! Sana good ang morning mo. Bawal ang badtrip. Maaga pa masyado para mabadtrip. Kita-kits sa school. :)To: Sha
Goodmorning din Sha! Opo. Di ako badtrip. Good nga morning ko eh. Ingat pagpasok! :)"Ayooon. Ngayon naman, ngiting-ngiti ka. Yung totoo Yves? Sino yan? O baliw ka na?" Biglang sabi ni kuya.
"H-ha? Wala! Siraulo ka kuya!" Napailing na lang si kuya habang nakangiti. Kumain na kami tska pumasok sa school.
Habang naglalakad ako, nakita ko siya. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Siya nga ba yun? Tinitigan kong mabuti. Oo, siya nga. May kasama siyang ibang lalaki. Hindi ko alam kung sino yung lalaki. Mukha silang masaya pareho. Pero bakit siya nandito? Dito na siya nagaaral? Bakit hindi ko alam? Nilapitan ko na lang sila para makasigurado ako.
"M-megan?" Namiss ko siya. Gusto ko siyang yakapin pero bumalik lahat ng sakit.
"Yves!" Tapos niyakap niya ko.
"Kamusta pala? Bakit nandito ka?" Tanong ko kaya napabitaw siya sakin.
"Ayos naman. Ayaw mo ba? Oo nga pala, Yves si Jacen, boyfriend ko." Ang sakit pa rin. May bago na pala siya habang ako, eto, hindi pa rin makaahon sa ginawa niyang pangiiwan.
"Ganon ba? Hindi ako interesado. Pano, una na ko ha?" Ngumiti na lang ako. Tapos dumeretcho sa terrace ng building namin. Pagbukas ko ng pinto, nandon siya.
"S-sha." Napaharap siya sakin tapos nilapitan ako.
"Bakit Yves? Anong nangyare?" Inabutan niya ko ng panyo. Kinuha ko naman.
"S-sha, nandito siya. Pero mukhang, may iba na siyang mahal." Patuloy pa rin ako sa pagiyak. Nakakabakla man. Nabigla ako sa ginawa niya. Niyakap niya ko.
"Shh. Tahan ka na. Lalaki ka diba? Dapat lakasan mo ang loob mo. Wag kang magpapatalo. Kaya mo yan. Ako nakaya ko, paano ka pa diba? Wag ka ngang umiyak Yves." Napayakap na din ako sa kanya. Tama siya. Hindi ako pwedeng maging mahina sa harap niya. Ayokong magmukhang kawawa.
BINABASA MO ANG
Once a playboy, always a playboy?
RomanceLove is accepting people for who they are, no matter what. He's a playboy, will you still accept him?