AIESHA NICOLE's POV
Nakauwi na ko. Hinatid ako ni Yves. 4th monthsary na namin bukas. Ano kayang pwedeng ipangsurprise sa kanya? Alam ko na!
Kumuha ako ng puting cartolina sa drawer tapos sticky note na color red. Nagsulat ako sa sticky note ng "Happy 4th monthsary" at "I love you" puro ganun. Nang matapos ako, dinikit ko yun sa cartolina. Hinugis puso ko. Ang cute ng kinalabasan.
From: Paola
Guys, pinapasabi po ni Sir. Clemente na wala pong pasok bukas dahil may meeting daw po ang mga prof. Paspread. Thank you. :)Nagtext si Paola, secretary sa room namin. Yes! Walang pasok. Buti na lang. Umaga pa lang pupunta na ko kila Yves. Syempre isasakto kong wala na siya sa kanila. May practice kasi sila bukas. Makatulog na nga.
Kinabukasan, Maaga akong nagising. 7 pa lang. Naligo na ko at nag'ayos. 7 pupuntang school si Yves eh. Tinignan ko yung phone ko. Bakit kaya hindi nagtetext si Yves? Nakakapagtaka. Tuwing monthsary namin umaga pa lang babatiin na ko nun eh. Yaan na nga. Nag grocery muna ko tapos pumunta na ko sa kanila. Dala ko yung cartolina na ginawa ko kagabi. Kumatok ako tapos lumabas si Kuya Xavier.
"Hi kuya." Bati ko.
"Hello. Nakaalis na si Yves eh."
"Ay. Okay lang po. Kuya, balak ko kasi siyang ipagluto. Monthsary po kasi namin. Pwede po ba kong mag'stay dito? Hihintayin ko po sana siyang makauwi."
"Happy monthsary sa inyo. Sure. Para mo na rin tong bahay. Ikaw na munang bahala dito ha? Papasok ako. May kailangan akong gawin eh."
"Sure kuya. Ingat po." Nag'smile lang siya tapos umalis na. Pumasok na ko sa loob tapos inayos ko na yung mga pinamili ko. Medyo naglinis din ako. Tapos kumain na ng tanghalian. Pagkatapos, humiga muna ko sa sofa.
Hmm. Nakatulog pala ko. Napatingin ako sa orasan. 4pm na pala. Pumunta na ko sa kusina at nagsimula ng magluto.
"Aray!" Natalsikan ako. Kumuha ako ng band aid tska nilagyan yung daliri ko. Pinagpatuloy ko ang pagluluto.
"Yan! Tapos na!" Tapos na ko magluto. Ang niluto ko? Carbonara, shanghai, chicken, menudo, fish fillet at kare-kare. Odiba? Akala mo may fiesta. Hahaha. Inayos ko na yung mesa. Idinikit ko yung cartolina sa pinto sa kusina. Para pagpasok niya sa kusina, makikita niya kagad.
"Ayan. Perfect!" Siya na lang ang kulang. Pumunta muna ko sa sala tska nanuod.
8:00 p.m.
9:00 p.m.
10:00 p.m.
10 na pero wala pa rin siya. Ang alam ko hanggang 8 lang sila. Inaantok na ko. Nasaan kaya yun. Baka naman may surprise sakin. Intay pa ng konti Aiesha. Darating din yun. Ang tagal naman niya. Napagod ako kaya dinadalaw na ko ng antok.
YVES's POV
"Sige na. Pwede na kayong umuwi." Sabi ni coach. Tumingin ako sa phone ko, 9:30 na pala. Hindi ata nagtetext si Sha sakin. Hays. Nagpalit na ko. Si coach kasi, nagextend ng 1 1/2 hrs. Dapat hanggang 8 lang kami eh. Nagtext si kuya, makikisleepover daw siya sa kaklase niya dahil may thesis sila. Umuwi na ko samin. Pagpasok ko sa garahe, bukas yung TV. Eh? Bakit may tao, akala ko ba wala si kuya? Pumasok na ko sa loob.
"Sha?" Nakita ko si Sha na nakahiga sa sala. Bakit nandito to? Nauuhaw ako kaya dumeretcho ako sa kusina.
"Shit?!" Nakalimutan kong monthsary namin ngayon. Nakita ko yung mga pagkain sa mesa. Ang dami. Tapos yung cartolina na may hugis heart na nakadikit sa pinto ng kusina. Ang effort. Wala kang kwenta Yves! Kingina! Binalikan ko si Sha sa sala.
BINABASA MO ANG
Once a playboy, always a playboy?
RomanceLove is accepting people for who they are, no matter what. He's a playboy, will you still accept him?