CHAPTER 12:

4.7K 134 6
                                    

AIESHA NICOLE's POV

Nasa kwarto ako ngayon. Pagkatapos kumain, nilock ko yung pinto. Gusto kong mapagisa. Ayoko ng istorbo o ng kausap. Bakit niya kaya ginawa sakin yun? Hays. May pasok pa bukas. Makatulog na nga.

"Sha! Magusap naman tayo oh!" Teka, si Yves ba yun? Sinubukan niyang buksan yung pinto, pero nilock ko nga yung pinto. Kumatok din siya pero hindi ako sumasagot.

"Hihintayin kitang lumabas. Sorry Sha. Sorry talaga." Ay ewan ko sayo! Hindi ko siya pinansin at natulog na ko.

Kinabukasan, bumangon na ko tapos naligo tska nagayos. Pagkatapos ko, bumaba na ko para kumain.

"Goodmorning Sha." Pag tingin ko, si Yves. Nakangiti siya. Napakunot ang noo ko. Bakit siya nandito at nakabihis na siya. Kala mo walang kasalanan sakin kung makaasta. Tss.

"Kuya, may pagkain na ba?" Hindi ko siya pinansin.

"Meron. Dala ni Yves."

"Ah. Hindi pala ko gutom. Kuya! Papasok na ko!"

"Teka, hindi ka kakain?" Hinawakan ako ni Yves at tinanong ako.

"Hindi."

"Niluto ko pa naman yun para sayo."

"Ganun ba? Salamat." At lumakad na ko.

"Teka naman Sha. Mageexplain ako."

"Kung si Jace nga hindi ko pinagexplain diba? Sige na. Bye." Tapos nagdire-diretcho na ko ng lakad. Hanggang sa sumakay na ko papuntang school. Nung makarating na ko sa school, dumeretcho na ko sa room at dumukdok. Inaantok pa kasi ako eh. Maya-maya, may kumalabit sakin. Tinignan ko kung sino.

"Sha, sorry." Tapos inaabutan niya ko ng toblerone. Akala niya madadaan niya ko sa mga ganon niya. Hindi ko siya pinansin at dumukdok ulit. Narinig ko pa siyang nag'buntong-hininga.

"Sorry na kasi Sha. Ayoko ng ganito. Namimiss na kita. Gala tayo mamaya please?" Tinignan ko siya.

"Magaaral ako mamaya."

"Kahit saglit lang sige na?"

"Hindi ako pwede."

"Hays, eh bukas?"

"Bawal pa rin ako."

"Kailan ka pwede? Libre kita."

"Wag na." Tapos balik ako sa pagdukdok. Miss ko siya pero naiinis pa rin ako sa kanya. Kaya bahala siya. Nung ako ang nag'aya sa kanya, pumayag ba siya? Hindi diba? Di ko namalayan, nakatulog pala ko.

"Sha, gising na. Walang prof. Break na." Ginising ako ni Yves.

"Tara sa canteen, libre kita." Dagdag pa niya.

"Di ako gutom. Dito na lang ako."

"Pero, hindi ka nag almusal kanina."

"Ano bang pakialam mo sakin?!" Tapos tumayo na ko at umalis. Hindi naman niya kailangang ipakita na concern siya. Wag naman sana niyang ipakita na para bang sobrang halaga ko sa kanya kasi baka hindi ko mapigilan at umasa na naman ako. Marupok akong tao. Pumunta ko sa terrace ng building namin. Bakit ba ganon siya?

"S-sha." Ayan na naman siya.

"Sorry na kasi oh. Hayaan mo kong magexplain." Di ko pa rin siya pinapansin. Biglang umulan ng malakas, wala pa namang bubong tong terrace.

"Umuulan! Tara na!" Hinila niya ko papasok ng building namin. Basang-basa kami.

"Shit! Teka. May dala ka bang pamalit sa bag mo? Magpalit ka na dalian mo." Sabi niya.

Once a playboy, always a playboy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon