CHAPTER 24:

4.7K 129 6
                                    

AIESHA NICOLE's POV

4pm na pala. Nakatulog ako. Ang dami ng text at tawag ni Yves sakin. Pero galit pa rin ako sa kanya. Bahala siya. Hmp! Kalimutan daw ba naman ang monthsary namin. Kaasar kaya. Sabagay, sino bang matutuwa don diba? Excited ako sa tuwing nagmomonthsary kami tapos kakalimutan niya lang. Nandito ako sa park ngayon. Mag isa lang ako. Nakaupo sa swing.

"Hi." May lalaking nakatayo sa harapan ko. Tumingala ako para makita kung sino. Nanlaki ang mga mata ko dahil kilala ko siya.

"J-jace?" Aalis na sana ko ng bigla niya kong hawakan sa braso.

"Nics, magusap muna tayo oh?" Hindi na ko sumagot. Umupo na lang ulit ako sa swing.

"Nics, namiss kita. Alam mo ba nung ginawa nila mama yun, nung sinabi nila sayo na patay na ko, pinigilan ko sila nun. Pero wala akong nagawa. Maniwala ka Nics, sa mga panahong naging tayo, minahal kita ng totoo at seryoso. Yung sinabi ko sayong hindi na kita mahal nung nasa Baguio tayo, hindi totoo yun. Mahal pa rin kita Nics pero hindi na tayo pwede."

"J-jace, hinintay kita. Alam mo ba yun?"

"Alam ko Nics. Dahil nakita ko kung paano mo ko iniyakan noon. Kung paano ka maglakad habang nakatulala at bigla na lang may tutulong luha mula sa mata mo. Nakita ko ang lahat ng paghihirap mo. At nasabi kong, ang swerte ko sa babaeng to."

"Pero mas pinili mo kong saktan. Jace, kung mahal mo talaga ko, hindi mo gagawin sakin yun."

"Hindi ko sinadya Nics. Ayoko mang gawin pero kailangan eh. Hindi ako karapat-dapat para sayo. Sana naiintindihan mo."

"Naiintindihan ko naman Jace. Siguro kasi may nakita ka ng iba kaya mo nagawa yun." Naiiyak na naman ako.

"Oo Nics, nakakita ako ng bago. Minahal ko siya at mahal din kita pero naisip ko na hindi naman pwedeng dalawa kayo."

"Kaya ba mas pinili mo siya at iniwan mo ko?"

"May dahilan ako kaya ko nagawa yun, Nics. I'm sorry."

"Kung may dahilan man, sana man lang sinabi mo sakin."

"Mas pinili ko siya kasi..."

"Sha!" Napatingin ako sa tumawag sakin.

"Y-yves."

"Nandito ka lang pala. Tara na." Hinila na niya ko patayo at palayo kay Jace. Pero nagpumiglas ako. Akala ba niya ay nakalimutan ko na ang nangyare.

"Teka, ano bang problema mo ha?!"

"Sumakay ka na!" Natahimik ako dahil sa sigaw niya. Sumakay na lang ako sa motor niya. Hindi ako humawak sa kanya. Ang bilis niyang magpatakbo.

"Aray!" Bigla siyang pumreno kaya muntik na kong mahulog buti na lang naitapak ko yung paa ko kaya ayun, nakaladkad.

"Baby." Dali-dali naman siyang bumaba para icheck ako.

"Iuwi mo na ko."

"Baby, nasaktan ka ba? Ano? Sorry."

"Uwi na tayo. Okay lang ako." Napabuntong hininga siya kasi ang cold ko kausap. Sumakay na siya tska ulit pinaandar yung motor.

"Teka, sabi ko iuwi mo na ko eh."

"Dito ka muna matulog." Binuhat niya ko. Yung buhat ng bagong kasal tska niya ko dinala sa kwarto niya at lumabas siya. Humiga ako. Magtulug-tulugan kaya ako? May narinig akong pumasok kaya pumikit ako.

"Sorry baby. Ilang beses na kita nasaktan. Hays. Wala talaga kong kwenta." Tinanggal niya yung sandals ko tska hinilot yung paa kong nakaladkad kanina. Hindi ko siya sinasagot. Bahala ka diyan.

"Pagod ka siguro no? Kaya nakatulog ka kagad. Nung nakita ko kayo ni Jace na magkasama kanina, gusto ko siyang suntukin. Kaso..." Natahimik siya at tinuloy yung paghilot sa paa ko. Narinig ko ang mabigat niyang buntong-hininga.

"Kaso nakita kitang umiiyak. Iniisip ko tuloy, mahal mo pa kaya yung lalaking yun." Humiga siya sa tabi ko tska ko niyakap. Feeling ko umiiyak siya. Dumilat ako. Umiiyak nga.

"B-baby. Gising ka pa pala. Matulog ka na." Sabay pahid ng luha niya.

"I love you."

"I love you more."

"Ikaw lang ang mahal ko. Kaya wag kang magisip ng kung anu-ano, okay?"

"Pero hindi maiwasan eh."

"Basta ikaw lang ang mahal ko. Mahal na mahal kita." Niyakap ko siya.

"Mas mahal kita baby."


YVES's POV

Nandito ako ngayon kila Megan. Gusto daw akong makausap ni Tito Miguel, daddy ni Megan. Ewan ko kung bakit. Hindi na ko nakapagpaalam kay Sha. Tulog pa kasi siya.

"Hi babe." Sabay halik sakin ni Megan.

"Hello." Tapos nginitian ko siya. Umupo lang kami sa sofa habang nanunuod at nakayakap si Megan sakin kaya yumakap na din ako.

"Oh, hi Yves iho. Andiyan ka na pala." Sabi ni Tito Miguel habang pababa ng hagdan. Napatayo naman kami.

"Ay. Hello po tito. Gusto niyo daw po akong makausap?"

"Yes iho. Sa kwarto tayo. Pahiram muna si Yves, anak."

"Sure dad. Basta ibalik niyo sakin ha?" Sabay tawa ni Megan. Umakyat na kami at pumunta sa kwarto ni tito.

"Alam mo na siguro ang kalagayan ng anak ko diba?" Sabi niya.

"May cancer po siya? Opo."

"Iho, ito lang ang gusto ko. Sana wag mo siyang pabayaan. Ikaw ang lakas niya. At may isa pa kong gustong mangyare." Kinabahan ako bigla.

"A-ano po yun?"

"Hiwalayan mo yung Aiesha."

"P-po?"

"Tama ang narinig mo. Gusto kong hiwalayan mo siya."

"Pero tito, m-mahal ko po siya. Hindi ko po magagawa yun."

"Pwes gawin mo. Kung ayaw mong masaktan siya."

Pagtapos naming magusap, umalis na ko at umuwi sa bahay. Inalala ko yung paguusap namin ni Tito Miguel. Hindi ko magagawang iwan si Sha. Mahal ko siya.

Calling: Baby Sha ♥

"Hello?"

(Hi baby. I miss you!)

"I miss you more baby."

(Ang tamlay mo yata baby? Laro niyo na next monday ha. Sino kalaban niyo?)

"Oo nga pala. Yung Meteor Academy."

(Galingan mo ha! I love you!)

"Oo naman po. Manunuod ka ba? I love you more."

(Opo. Susuportahan kita syempre.)

"Naks. Kumain ka na ba ng lunch baby?"

(Hindi pa po eh. Walang tao dito.)

"Punta tayong mall. Dun na lang tayo kumain. Sunduin kita diyan ngayon."

(Sige baby. Magaayos na po ako. Ingat ha? I love you.)

"I love you more."

Binaba ko na yung tawag at nagayos na. Excited na kong makita ulit siya. Pagkatapos ko, sinundo ko na siya sa kanila.

Once a playboy, always a playboy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon