CHAPTER 6:

5.4K 152 2
                                    

AIESHA NICOLE's POV

Sa totoo lang, nabadtrip ako dun sa babae na humalik kay Yves. Lumabas na ko tska pumunta sa CR. Kabadtrip. Ang aga-aga, lumalandi kagad. Wala na bang ibang lalaki sa school na to? Naubusan na ba si ate girl? At teka nga, bakit nga ba ko nababadtrip? Nawawala na ata ako sa katinuan. Palabas na sana ko ng CR ng biglang may humatak sakin papasok ulit sa CR. Ayos din ang trip ng isang to ha? Pagtingin ko, si Megan pala. Nagulat pa kong makita siya.

"Megan?" Sabi ko.

"Ako nga. Alam mo? Wala ka pa sa kalingkingan ko. Hahaha." What the?! Anong pinagsasasabi ng bruhang to? Kapal din eh.

"Kapal naman ng mukha mo." Nakakunot noo kong sabi.

"Baka ikaw? Alam mo, pinaglalaruan ka lang ni Yves. Hindi ka niya type kasi ang mga type niya, katulad ko. Eh ikaw, mukha ka lang namang katulong ni Yves. Kaya kung ako sayo, tigilan mo na ang kahibangan mo. Tigilan mo na ang kakaasa na isang araw, magugustuhan ka rin niya kasi hindi mangyayare yun." Hindi naman ako umaasa.

*PAK*

Nasampal ko siya ng sobrang lakas. Hindi ko sinasadya pero napuno na kasi ko. Hindi tama na pagsalitaan niya ko ng ganon. Ni hindi ko siya inaano tapos gaganunin niya ko?

*PAK* *PAK*

Sinampal niya din ako pero mas malakas sa sampal ko sa kanya at dalawang sampal pa ang ginawa niya. Napahawak ako sa pisngi ko. Pakiramdam ko ay namanhid ang pisngi ko sa ginawa niya. Pagkatapos nun, umalis na siya. Naiyak ako bigla. Hindi sa sampal pero sa mga sinabi niya. Pinakalma ko ang sarili ko. Umalis na din ako at bumalik sa classroom. Pero pagbalik ko, wala siya, si Yves.


YVES's POV

Nasa room lang ako at hinihintay bumalik si Sha. Ang tagal niya sa CR. Saan pa ba siya pumunta? Dumukdok na lang ako. Maya-maya, bumukas yung pinto, akala ko si Sha. Hindi pala.

"Y-yves." Sabi ni Megan habang umiiyak. Napatayo naman ako.

"Megan, bakit ka umiiyak? Bakit namumula yung pisngi mo? Anong nangyare?!" Tanong ko kay Megan. Galit ako kasi ayokong nasasaktan siya. Ayokong may nananakit sa kanya.

"Sa terrace tayo magusap." Pumunta kami sa terrace tska siya nagsimulang magsalita.

"Yves, kanina sa CR, sinampal ako ng girlfriend mo. Wala naman akong ginagawa sa kanya." Naiyak na naman siya. Si Sha? Kasalanan niya to?! Imposible pero bakit parang naniniwala ako.

"Diyan ka lang, may kakausapin lang ako." Niyakap ko siya at paalis na sana ko ng hawakan niya ang kamay ko.

"Yves, tayo na lang ulit please? Ako na lang ulit." Umiiyak pa rin siya.

"Mahal na mahal kita Megan. Babalikan kita. Dito ka lang." Tapos umalis na ko.


AIESHA NICOLE's POV

Nakaupo lang ako sa room. Medyo madami na ring tao dito sa room pero wala pa rin ang professor namin. Ngayon lang yata siya nalate. Nagulat kami ng may sumipa sa pinto ng room. Pagtingin ko, si Yves at mukha siyang galit. Nilapitan niya ko at hinatak ako sa braso para mapatayo ako. Pahigpit ng pahigpit ang hawak niya.

"Anong ginawa mo kay Megan?! Ang usapan natin, pababalikin lang natin siya pero hindi mo siya sasaktan!" Sigaw niya sakin. Nagbulungan na ang mga kaklase namin.

"Y-yves, k-kasi ano--" Umiiyak na ko.

"Kasi ano?! Kasi gusto mo na ko?! Nung una pa lang, sinabi ko na sayo na wag kang mahuhulog at aasa sakin dahil masasaktan ka lang! Hindi kita seseryosohin! Kaya pwede ba?! Itigil na natin to! Tutal babalik na siya sakin. Maghiwalay na tayo!" Hindi man lang niya ako hiningan ng paliwanag at nag'conclude na kagad siya. Napabuntong hininga ako.

"Sige. Kung yan ang gusto mo." Tapos umalis na ko habang umiiyak pa rin. Sumakay na ko pauwi. Hindi na muna ko aattend ng klase, nakakawalang gana.

Nakauwi na ko sa bahay. Ayos ah. Ngayong monthsary namin, ngayon din kami nagbreak dahil sa kasinungalingan ni Megan. Hays. Okay na din yun kasi tapos na ang plano namin na pabalikin si Megan sa kanya. Ganon lang pala kadali yon. Hindi na niya ko kailangan.


YVES's POV

Dalawang buwan na ang nakalipas simula ng masigawan ko si Sha sa harap ng mga kaklase namin. Hanggang ngayon, iniiwasan pa rin niya ko at hindi pinapansin. Kami na ulit ni Megan. Pagkatapos kong sigawan si Sha nun, binalikan ko si Megan sa terrace at nakipagbalikan siya sakin. Nandito na ko sa room. Nakadukdok lang.

"Goodmorning bes Nicole!" Bati ni Mariah kay Sha. Tumingin ako sa kanila at nagkasalubong yung tingin namin. Simula nung hindi kami nagpansinan, lumipat na siya ng pwesto sa upuan.

"Goodmorning din bes." Namiss ko siya. Yung boses niya. Hays. Dumating na yung prof. tapos nagsimula na magturo. Pagkatapos magturo, nagalisan na yung mga kaklase namin. Ako naman, nagaayos pa ng mga gamit ko.

"Bes, tara na sa canteen." Aya ni Mariah kay Sha.

"Mauna ka na bes, mag'CR lang ako saglit." Sagot ni Sha habang nagaayos din ng gamit. Lumabas na si Mariah. Aalis na sana si Sha pero pinigilan ko siya. Hinawakan ko siya sa braso.

"S-sha, ano kasi." Sabi ko sa kanya. Hindi ko masabi ang dapat sabihin.

"May kailangan ka ba?" Ngumiti siya at kalmado magsalita.

"Ah. Wala naman. Gusto ko lang sanang magsorry sa nangyare noon."

"Wala yun. Tapos na yun. Una na ko ha? Naghihintay si Mariah sakin eh." Tapos umalis na siya. Pagkaalis niya, dumating naman si Megan.

"Babeee! I miss you!" Sabi ni Megan.

"I miss you too babe." Hinalikan ko siya sa noo.

"Tara. Kain na tayo." Aya niya sakin.

Pumunta kami sa canteen tapos nakita ko sila Sha at Mariah. Pareho silang may katabing lalaki. Sino kaya yung katabi ni Sha? Di naman namin siya kaklase. Ano kaya niya si Sha? Ano ba tong iniisip ko. Bakit ko ba iniisip yun? Tss.

"Babe, anong sayo?" Tanong ni Megan sakin.

"Hmm, spaghetti na lang babe."

"Sige babe." Nung nakabili na kami ng pagkain, umupo na kami sa isang table. Di ko pa rin maiwasang di mapatingin sa table nila Sha.

"Babe, say ahhh." Sabi ni Megan.

"Ahhhh."

"Hahaha. Cute ng babe ko."

"Ikaw naman maganda babe."

"Bolero! Hahaha."

"Babe, nasaan na nga pala yung Jacen?"

"Hmm. Nasa ibang bansa na. Umuwi na siya dun kasi sabi ko, tigilan na niya ko kasi tayo na ulit." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Wala ng manggugulo samin. Sana nga ay hindi na bumalik ang gagong yun para matahimik na ang buhay namin ni Megan.

"I love you babe."

"I love you too babe." Tapos hinalikan ko siya sa tip ng nose niya. Pagtingin ko ulit sa table nila Sha, nakatingin siya samin. Tapos umiwas siya ng tingin sakin. Bakit kaya? Ano kayang iniisip niya?

Once a playboy, always a playboy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon