CHAPTER 17:

4.4K 135 0
                                    

YVES's POV

Habang naglalakad, wala pa rin siyang kibo. Kahit pa hawak ko ang kamay niya. Hindi ko alam kung ano bang tumatakbo sa isip niya. Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung paano siya kakausapin.

"San mo ba gustong kumain?" Panimulang tanong ko.

"Kahit saan baby. Ikaw ba?"

"Gusto mo sa Jollibee?"

"Sige baby."

"Eh bati na muna tayo."

"Oo na po. Bati na."

"Kiss muna."

"Hoy Yves ah! Kaninang umaga ka pa." Tapos hinalikan niya ako sa pisngi. Napangiti naman ako. Lumabas kami ng campus at pumunta sa Jollibee. Humanap kami ng pwesto.

"Ako na ang oorder." Sabi ko.

"Sama ako baby."

"Sige. Tara." Tapos hinawakan ko ang kamay niya. Nakapila na kami. Nakaakbay ako sa kanya.

"Ano ba sayo?"

"Hmm. Yung rice with chicken na lang tapos ice cream tska fries."

"Ang takaw mo ha! Hahaha. Yun lang? Tapos coke float?"

"Eh bakit ba! Hahaha. Opo baby."

"2 rice with chicken, 2 ice cream, 2 fries na large tapos 2 coke float."

"Yun lang sir?" Tanong nung nasa cashier.

"Opo."

"395 pesos po sir." Nagbayad na ko tapos kinuha na yung pagkain tska bumalik sa pwesto namin kanina.

"Gaya-gaya ka ng order! Tapos sasabihan mo ako ng matakaw eh ikaw din pala!" Sabi ni Sha.

"Hahaha. Eh bakit? Masama?" Natawa naman siya. Hindi ko alam pero mas lalo akong naiinlove sa ngiti at tawa niya. Simple lang siyang babae pero malakas ang dating niya.

"Hindi naman po." Tapos kumain na kami.

"Galing sina Renzo at Axel sa room kanina nung tinotopak ka. Ano, may kulang daw na isang member sa basketball. Tinanong nila kung gusto ko daw bang sumali. Sabi ko papaalam muna ako sayo."

"Gusto mo bang sumali?"

"Gusto po. Pero depende pa rin sayo baby."

"Eh di sumali ka. Gusto mo pala eh."

"Hindi ka galit?"

"Bakit naman po ako magagalit baby. Gusto mo eh. Syempre susuportahan kita. Tandaan mo na nandito lang ako para suportahan ka sa mga bagay na gusto mo." Matamis ang ngiti niya.

"Kaya mahal na mahal kita eh." Hinawakan ko siya sa kamay niya.

"Weh? Hahaha. Mas mahal po kita." Itetext ko kagad si Renzo.

To: Renzo
   Uy tol, sasali ako. Pinayagan na ko ni Sha eh. Kailan ba ko magsisimula?

From: Renzo

   Buti naman tol. Nasabi ko na kay coach kanina. Tanggap ka na daw kapag pumayag ka. Next monday, kasali ka na sa practice.

To: Renzo
Sige. Salamat tol.

"Baby, tanggap na daw ako." Masaya kong sabi kay Sha. Tipid naman itong ngumiti.

"Talaga baby? Kailan ka magstart?"

"Next monday baby."

"Baka naman mawalan ka ng oras sakin niyan." Medyo lumungkot yung itsura niya pero nagawa pa rin niyang ngumiti.

"Baby ano, kung gusto mo hindi na ko sasali." Seryoso kong sabi. Ayoko naman na maging dahilan pa ng pagaaway namin yung pagsali ko dun. Pero alam ko naman sa sarili ko na hindi ako mawawalan ng oras sa kanya. Syempre mahal na mahal ko kaya siya.

"Biro lang baby. Tanggap ka na eh. Sayang naman. Tara na sa room." Tapos tumayo na siya.

"Galit ka ba baby?" Tanong ko.

"Hindi po. Tara na." Hinawakan niya ko sa kamay. Bumalik na kami sa room. Medyo tahimik ngayon si Sha.

"Baby, sa bahay ka muna mamaya." Sabi niya sakin.

"Sige baby." Dumating na yung prof. namin tska nagdiscuss.


AIESHA NICOLE's POV

Uwian na. Pinagbigyan ako ni Yves sa gusto ko. Nandito kami ngayon sa parking lot. Inabot sakin ni Yves yung helmet ko. Sinuot ko na tska sumakay sa may harapan niya. Nang makarating kami sa bahay namin, nakalock yung gate. Ibig sabihin wala si kuya. Buti na lang at may susi ako.

"Tara baby. Ipasok mo muna yung motor mo sa garahe." Pinasok naman niya tska kami pumasok sa loob ng bahay. Binuksan ko yung TV. Umakyat ako para magpalit ng damit at bumaba rin agad. Ayoko namang paghintayin ng matagal ang baby ko.

"Diyan ka muna. Magluluto lang ako ng merienda natin." Sabi ko.

"Sige baby. I love you po."

"I love you more." Tapos pumunta na ko sa kusina.

Ano bang pwedeng lutuin? Hmm. Carbonara na lang siguro. Sinimulan ko ng magluto. Tapos inayos ko na yung mesa. Malapit na rin naman kasing maluto. Nagulat ako ng biglang may yumakap sakin sa likod.

"Oh baby. Sabi ko sa sala ka muna eh."

"Eh miss kagad kita. Kainip dun." Ipinatong niya ang baba niya sa may balikat ko habang nakayakap pa rin sakin.

"Ikaw talaga. Upo ka na diyan. Maghahain na ko."

"Yes boss." Umupo na siya tska ko naghain. Nagsimula na din kaming kumain. Nakangiti siya habang kumakain. Natuwa naman akong makita ang reaksyon niya.

"Ang sarap naman neto baby."

"Syempre. Ako pa ba? Hahaha."

"Pwede ka ng mag asawa."

"Baliw ka baby. Kumain ka na nga lang diyan." Nagkwentuhan lang kami ng kung anu-ano. Pagkatapos namin, naghugas na ko ng pinagkainan tapos bumalik na kami sa sala.

"Baby, may assignment nga pala sa Math of Investment. Paturo ako." Sabi ko sa kanya. Alam naman nating matalino ang isang to. Kaya nga ang swerte ko at boyfriend ko siya. May instant tutor ako.

"Sige baby. Kunin mo yung book mo." Kinuha ko yung book ko tska inabot sa kanya.

"Ganito kasi yan. Hanapin mo kung ano yung nawawala. Halimbawa ang nawawala eh time, gamitin mo yung formula ng time. Ganun din sa iba. Tulad ng discount. Lahat naman may formula. Eto, sasagutan ko."

Nagsagot siya at pinakita sakin kung paano. Pagkatapos niyang iexplain, tinulungan niya kong mag'sagot ng assignment. Nasagutan ko naman lahat ng tama. Tapos na din ako sa assignment. Sa wakas!

"Thank you baby!" Sabay yakap sa kanya.

"Nagets mo na ba?"

"Opo. Galing ng tutor ko eh!"

"Nambola pa ang baby ko. Hahaha."

"Totoo naman po kasi. Thank you talaga. I love you."

"Wala yun. Basta ikaw. I love you more."

Wala pa rin si kuya. Nagpaalam na si Yves. Uuwi na siya. Inabot siya ng 10 pm dito sa bahay kakahintay kay kuya. Ayaw pa nga niyang umalis dahil wala daw akong kasama pero may pasok bukas kaya pinilit ko siyang umuwi na.

Once a playboy, always a playboy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon