AIESHA NICOLE's POV
Hindi kami nagpapansinan ni Yves. Nasaktan ako kasi feeling ko, napahiya ako sa mga kaklase namin nun. Nasaktan din ako kasi, feeling ko sa apat na buwan na naging kami, nahulog na ko sa kanya. Kahit pa pagppretend lang ang lahat. Kaya masyado kong nasaktan nung sinabi niyang, hindi niya ko seseryosohin at hindi na niya ko kailangan. Napabuntong hininga ko. Bakit ba kasi hindi ko napigilan ang sarili ko na mahulog ng tuluyan sa kanya. Nagvibrate ang phone ko.
From: Yves
Hi Sha. Miss na kita. Sana bumalik na yung dating closeness natin. Yung magshashare ako tapos magshashare ka. Sana maging magkaibigan ulit tayo.Kaibigan? Oo, kaibigan mo nga lang pala ko. At hanggang dun na lang yun. Hays. Bakit ba kasi nahulog pa ko sayo? Dapat hindi to nangyare. Para hindi ako nasasaktan.
"Nic, may bisita ka." Sabi ng kuya ko.
"Ha? Sino?"
"Basta. Bumaba ka na lang." Tapos lumabas na si kuya. Nagayos lang ako ng konti tapos bumaba na.
"Bakit ka nandito?" Tanong ko kay Yves.
"Hindi ka kasi nagrereply eh."
"Ah, wala kong load eh."
"Pwede ba kitang yayain sa park?"
"Oo naman sige. Tara." Tapos naglakad na kami papunta sa park. Tahimik lang kami habang naglalakad. Ano pa bang gusto niyang pagusapan. Naupo kami sa damuhan.
"Bakit? May kailangan ka ba?" Deretsong tanong ko.
"Sha, gusto ko lang sanang mag sorry sayo. Pagkatapos mo kong tulungan, yun ang iginanti ko sayo. Napakalaki ng kasalanan ko sayo."
"Ayos lang. Ano ka ba. Ang tagal na nun."
"Pwede bang, friends na ulit tayo?"
"Oo naman. Kaibigan naman talaga kita." Pagkatapos nun, niyakap niya ko pero humiwalay din siya kagad. Kaibigan. Kaibigan lang niya ko. Hindi dapat ako umasa sa kanya. Tama. Hanggang dito lang ako. Walang malisya ang yakap niyang yun.
"Kamusta pala kayo ni Megan?" Tanong ko.
"Okay naman kami. Ayun, mahal na mahal ko pa rin." Aray. Bakit ba kasi natanong ko pa yun. Pero masaya ko para sa kanya. Pero may halong bitterness yon. Pagkatapos naming magkwentuhan, hinatid na niya ko sa bahay tapos umuwi na din siya. May date daw kasi sila ni Megan. Hays. Bakit ba kasi ikaw pa. Kasalanan ko kung bakit ako nasasaktan ng ganito. Minahal ko yung taong dapat kaibigan lang.
"Beees!" Sigaw ni Mariah.
"Oy! Naligaw ka dito. Hahaha."
"Eh kasi alam kong malungkot ka. Kamusta na ba kayo ni Yves?"
"Ayun, friends kami. At hanggang dun na lang yun."
"Ha? Bakit mo nasabi?"
"Malabo namang seryosohin ako nun. Si Megan ang mahal nun kaya imposible." Nagkwentuhan lang kami hanggang sa nakatulog kami pareho. Kinaumagahan, nagtataka si Mariah kung bakit siya dun nakatulog. Tawa lang ako ng tawa. Tutal sabado ngayon, gagala kami ni bes. Niyaya ko siyang mag'SM. Game na game naman siya. Palibhasa yun ang gustong-gusto niya. Ang gumala at magshopping.
"Bes! Punta tayo sa timezone ah!" Sabi niya.
"Oo ba! Basta libre mo. Hahaha."
"Ikaw maraming pera diyan eh."
"Hahaha. Oo na po. Ako na. Daya mo!"
Naglakad lakad muna kami sa SM hanggang sa mapadpad kami dun sa bilihan ng mga teddy bears. Hilig ko talaga ang mangolekta ng teddy bears.
"Bes! Sila Yves oh." Tapos tinuro niya sila Yves na papalapit samin. Gusto kong umiwas pero walang simpleng paraan para makaiwas.
"Hi Sha. Hi Mariah." Bati ni Yves.
"Hello." Bati ko naman.
"Oh, yung katulong mo babe, bakit nandito? Inutusan mo?" Sabi ni Megan.
"Ha? Katulong?" Tanong ni Yves.
"Ayan oh! Yung ex mo. Hahaha. Mukhang katulong." Napakunot ang noo ko. Ayoko ng away, please lang.
"Megan! Pwede ba?!" Sigaw ni Yves.
"Sige. Mauna na kami." Sabi ni bes.
Naglakad na kami ni bes. Palayo sa kanila. Gusto ko sanang sampalin si Megan pero aawayin na naman ako ni Yves. Panigurado. Sino ba ko para awayin ang gf niya? Kaibigan lang naman ako. Kahit pa sabihin kong mahal ko siya, walang-wala ako kay Megan.
YVES's POV
"Class, may educational trip kayo next week. Sa Baguio tayo pupunta at 3 days tayo dun. Required sumama lahat." Sabi ng prof. namin.
Simula ng sinabihan si Sha ng katulong ni Megan sa SM nun, iniwasan na naman niya ulit ako. Hindi ko alam kung bakit. At napapansin ko, palagi ng may kasamang lalaki si Sha. Pero hindi talaga namin siya kaklase. Umalis na ang prof. at si Sha, tulog. Gisingin ko nga.
*POKE* *POKE* *POKE*
"Hmm."
"Sha, gising na. Tapos na ang klase."
"Ah. Ganun ba?" Bumangon na siya at nagayos na siya ng gamit niya.
"Sasama ka ba sa educational trip?" Nagkibit balikat siya.
"Hindi ko pa alam eh."
"Sumama ka na. Bakit nga pala iniiwasan mo ko? Sorry pala sa sinabi ni Megan nun."
"Dumidistansya lang ako. Ayoko lang ng gulo."
"Bakit magkakagulo?"
"Wala yon. Sige. Una na ko ah?" Tapos lumabas na siya. Ano kaya ang ibig niyang sabihin. Bakit ba parang ayaw ko na nilalayuan niya ko. Namimiss ko siya sa totoo lang.
"Hi babe." Si Megan, dumating.
"Tapos na klase niyo?"
"Yes po. Last subject na pagkatapos ng break."
"Ganun ba?"
"Bakit ka cold babe?"
"Hindi naman eh. Tara na." Niyaya ko na siyang pumunta sa canteen. Pero hindi mawala sa isip ko si Sha.
AIESHA NICOLE's POV
Bakit ko nga ba siya iniiwasan? Wala naman siyang ginagawa sakin. Nasasaktan lang ako sa tuwing makikita ko silang magkasama. Nakakaselos. Pero wala naman akong karapatang magselos diba? Kailangan ko lang talagang dumistansya. Para alam ko kung saan ako lulugar kung sakali. Next week na pala yung educational trip. Sasama kaya si Hideaki? Matext nga.
To: Hideaki :)
Hoy! Yaki! Sasama ka ba sa educational trip next week? Hahaha. Reply ka ha!From: Hideaki :)
Oo, kung sasama ka. Hindi, kung hindi ka sasama. Hahaha.To: Hideaki :)
So, ako may hawak ng decision mo?From: Hideaki ;)
Oo naman. Hahaha. Sleep na ko ah? Ikaw din. :*Oo nga pala, si Hideaki, manliligaw slash kaibigan ko. Alam niyang may mahal akong iba pero okay lang daw sa kanya. Liligawan pa din daw niya ko pero wag daw akong mailang. Gusto niya lang daw sumubok at baka bigla daw magiba ang hangin at mahulog ako sa kanya. Malabo pero ayaw naman daw niyang magsisi sa huli na hindi siya sumubok. Mabait yun tska gwapo. Madalas ko siyang makasama. Engineering ang course niya. Kaso, si ano pa rin talaga ang laman ng puso ko.
*FAST FORWARD*
Bukas na yung educational trip. Sa educational trip kasi, magkasama ang Accountancy at Engineering na course. Kaya makakasama namin sina Hideaki at Megan kasi Engineering ang course nila. Nag'impake na ko. Medyo naexcite naman ako kasi puro gala for 3 days. At sa Baguio pa. Masaya sana kung siya ang kasama ko. Kaso hindi eh. Panigurado, si Megan ang sasamahan nun buong tatlong araw. Ay. Ano ba tong naiisip ko. Hindi ko na dapat siya iniisip. Kailangan ko na siyang tigilan pero hindi ko alam kung paano sisimulan. Hindi naman naging seryoso ang relasyon namin pero bakit ba ako nagkakaganito? Napabuntong hininga ko. Gusto ko ng bumalik sa normal ang isip at puso ko.
BINABASA MO ANG
Once a playboy, always a playboy?
RomansLove is accepting people for who they are, no matter what. He's a playboy, will you still accept him?