CHAPTER 15:

4.6K 130 2
                                    

MEGAN's POV

Ilang buwan na rin kaming hindi nagkikita ni Yves. Miss ko na yun. Mahal ko pa naman siya eh. Ang kaso lang mahal ko din si Jacen nung mga panahong yun. Pero ngayon wala na si Jacen, magiistay na siya sa states. So, pwede na ulit kami ni Yves. Si Aiesha na lang ang problema ko.

"Dad?" Kumatok ako sa kwarto niya.

"Yes anak? Pasok ka." Sagot ni dad.

"Pwedeng magtanong dad?"

"Sure anak."

"What if, ipaarrange marriage mo ako kay Yves? Malaking company ang hawak nila. Hindi ba sila ang pinakamalaking company dito? At sumunod lang yung satin? Paano kapag naging kami na diba? Makikipagpartnership satin ang company nila. And dad, alam kong boto sakin ang dad ni Yves kaya sandali lang at papayag sila dito."

"Oo nga no? Bakit hindi ko agad naisip yan? Osige anak. Kapag nakatapos na kayo ng 4th year college tska natin paplanuhin ang lahat."

"Dad, mahal ko siya at hindi ko kayang mawala pa siya sakin. Gusto ko siyang bumalik."

"May naisip ako. Bakit hindi ka magpanggap na may cancer? Alam kong babalik siya kapag ginawa mo yun."

"Susubukan ko yan dad. Sige dad." Lumabas na ko at pumunta sa kwarto ko. Mapapasakin ka rin Yves. Maghintay ka lang. Tinext ko naman siya. Miss ko na eh.

To: Babe Yves
   Hi. Pwede ba tayong magkita ngayon sa may park dito samin? Kahit saglit lang. Please?

Hindi siya nagreply pero pumunta pa din ako sa park. Magbabakasakaling puntahan niya ko. 9:30 na ng gabi pero wala pa rin siya. Aalis na sana ko.

"Megan." Si Yves pala.

"Yves." Sabay yakap ko sa kanya at umupo kami sa bench.

"Bakit?"

"Yves, bumalik ka na sakin oh? Please? Ngayon sisiguraduhin kong ikaw lang talaga promise."

"Pero Megan tapos na tayo. Kami na ni Aiesha--"

"Yves may cancer ako! At sayo na lang ako kumukuha ng lakas." At umiyak na ko.

"M-may cancer ka?"

"Oo. Tinago ko sayo to dahil baka iwan mo ko pero iniwan mo pa rin ako. Ngayon sinasabi ko to dahil gusto kong balikan mo ko dahil ikaw ang lakas ko. Please Yves. Kahit itago lang natin yung relasyon natin." Niyakap ko siya.

"Pero Megan ano kasi--"

"Parang awa mo na. Wala lang ba ko sayo?"

"S-sige Megan pero sana walang makaalam nito ha? Lalong-lalo na si Aiesha." Tumango lang ako at hinalikan siya sa labi.

Pagkatapos namin magusap ni Yves. Umuwi na kami. Ano ka ngayon Aiesha? Hahaha. Kami na ulit. Tinext ko si Yves.

To: Babe Yves
   Babe, ingat pauwi ha? I love you po.

From: Babe Yves
   Opo. I love you too.

Nag'i love you too siya. Sabi na eh. Mahal pa rin ako ng lalaking to. Grabe. Buti na lang sakin na siya ulit. Di ko na siya hahayaang mawala at maagaw pa ulit ng iba. At ikaw Aiesha, iiyak ka rin sa huli. Kaya sulitin mo na ang bawat araw na kasama mo siya.


YVES's POV

Bakit ako pumayag sa gusto ni Megan? Hindi ko rin alam. Naawa ako dahil may cancer pala siya at ako ang lakas niya. Kailangan niya ko. Tska matagal din ang pinagsamahan naming dalawa at sobra ko siyang minahal. Oo, aaminin ko, mahal ko pa rin siya pero hindi na tulad ng dati. Di naman siya ganun kadaling kalimutan eh.

Once a playboy, always a playboy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon