AIESHA NICOLE's POV
"Kuya! Samahan mo ako sa mall. Magpapagupit lang ako tapos bibili ng damit na isusuot ko para sa reunion mamaya."
"Tinatamad ako. Pagod ako eh."
"Kuya naman eh! Kainis to!"
"Oo na. Oo na. Sasamahan ka na. Magbibihis lang ako."
Nagbihis na si kuya. Ganun rin ako. Pagkatapos pumunta na kami sa mall. Humanap muna ako ng dress na susuotin ko mamaya.
"Kuya, bagay naman sakin diba?" Sinukat ko lahat ng dress na napili ko pero ito talaga ang pinaka nagustuhan ko. Color red siya na sleeveless tapos may belt sa bewang. Yung belt niya, kumikinang. Tapos maganda yung design ng dress.
"Oo. Bagay sayo. Ang laki din pala ng binago ng itsura mo." Totoo yun. Nagbago ang itsura ko. Sunod naman, heels. Ang binili kong heels, color black na simple lang ang design. Tapos nagpagupit na ko ng buhok. Pina'layer ko lang yung buhok ko tska nag'palagay ng see through bangs.
"Mas lalo kang gumanda." Sabi ni kuya. Kung si Yves ang nagsabi nun, baka kinilig pa ko. Stop it Aiesha!
"Thanks kuya." Umuwi na din kami dahil alam kong pagod talaga si kuya. Hindi niya lang talaga ko matiis.
YVES's POV
6 pm daw ang start ng party. Yung reunion namin, ginawa nilang party. 5 pm na kaya nagayos na ko. Nang matapos ako, pumunta na ko sa Pavilion. Dito ginanap yung college night namin noon. Naaalala ko pa, kami yung nanalong Mr. and Ms. Perfect Couple ni Aiesha. Sana nga perfect couple talaga kami.
"Hoy! Ang lalim ng iniisip mo diyan!" Sabi ni Renzo. Kasama niya sina Axel at Jake.
"Hoy! Tagal niyong hindi nagpakita ah!" Bati ko sa kanila.
"Pasensya na pare. Naging busy eh." Sa ibang bansa kasi sila nagtatrabaho. Nagkwentuhan lang kaming apat. Parami na rin ng parami ang mga tao.
"Hi guys." Bati ni Mariah samin. Nag'hello lang kami tapos nilapitan na siya ni Renzo.
"May surprise ako sa inyo mamaya." Dagdag pa ni Mariah. Isa siya sa nagplano ng reunion na to. Ano naman kaya yun? Umiingay na sa Pavilion. Pero ako, eto, bored na bored. Tagal kasing magstart eh.
"Bro, wag mo namang ipahalatang nabobored ka. Hahaha." Pangiinis ni Axel.
"Gago. Eh boring naman kasi talaga. Anong magagawa ko?"
"Manchix ka. Dami kayang chix oh." Sabi naman ni Jake.
"Hindi pwede. Taken na ko."
"Hahaha. Taken pero ikaw lang ang nakakaalam." Sagot ni Axel. Binatukan ko nga.
"Goodevening guys. Thank you kasi pumunta kayo. So eto na nga, magsstart na tayo. Pero bago ang lahat. May surprise ako sa inyo. Paniguradong magugulat kayo. At alam kong namiss niyo siya. Handa na ba kayo?" Bigla naman akong kinabahan. Sumagot sila ng, "Handa na!" Bakit kaya ako kinabahan bigla.
"Please welcome, Ms. Aiesha Nicole Chua!" Nagpalakpakan ang lahat at inaabangan ang paglabas niya mula sa likod ng stage. Paglabas niya, ibang-iba na siya. Ang laki ng nagbago sa itsura niya. At mas lalo siyang gumanda.
"Namiss ko kayo! Sana kilala niyo pa ko. Hahaha. Enjoy guys!" Sabi ni Aiesha at nagpalakpakan na naman ang lahat.
"Oy pare. Baka matunaw." Bulong sakin ni Renzo. Di ko maiwasang hindi siya titigan. Yung babaeng hinintay ko ng tatlong taon at higit pa, eto na sa harapan ko. Nakikita ko na. Ibig sabihin, nakasurvive siya sa operasyon. Masaya ko para sa kanya.
BINABASA MO ANG
Once a playboy, always a playboy?
RomanceLove is accepting people for who they are, no matter what. He's a playboy, will you still accept him?