AIESHA NICOLE's POV
Nakakatamad namang pumasok. Bumangon na ko tapos naligo tska nagbihis. Nag'tirintas ako na pasupil kaya ang tagal ko. Hanggang ngayon hindi pa rin ako tapos sa pagaayos.
"Aiesha Nicole! Yung sundo mo, nandito na!" Sigaw ni kuya sa baba.
"Bababa na! Saglit lang!" Nagmadali na ko tapos bumaba na ko.
"Tagal naman ni Aiesha ko." Lumapit sakin si Yves at hinalikan ako sa noo.
"Sorry po. Nag'ipit pa ko eh."
"Ayos lang. Gumanda ka lalo."
"Mambola ka pa Yves. Hahaha."
"Seryoso ko. Tara na?"
"Opo sige. Kuya, alis na kami."
"Sige. PDA kayo eh. Hala! Layas!" Natawa na lang kami ni Yves. Lintek yung kuya kong yun. Ayaw na ayaw kaming nakikitang magkasama ni Yves kasi PDA daw kami kahit hindi naman. Kung nagtataka kayo kung nasaan na ang mga magulang namin, pumunta sila sa ibang bansa kasi dun na sila nagtatrabaho. May business kami dun. Pagdating sa school, tumambay muna kami sa may bench. Maaga pa kasi. Nakaakbay siya sakin.
"Mag'CR muna ko." Sabi ko kay Yves.
"Sige. Bilisan mo ha?"
"Opo." Tapos umalis na ko. Nagayos lang naman ako kasi magttime na. Hindi rin ako gaanong nag tagal. Lumabas na ko. Babalik na sana ko sa park pero nakita ko si Yves at Megan na naguusap. Hawak pa ni Megan yung kamay ni Yves. Hinayaan ko lang sila. Pero masyado na silang matagal sa paguusap kaya lumapit na ko.
"Hi baby. Oh? Hi Megan." Tipid akong ngumiti at hinalikan ko pa sa labi si Yves.
"Kayo na?" Tanong ni Megan.
"Oo. Bakit? May problema ba dun?"
"Tss. Hindi kayo bagay."
"At sa tingin mo, kayo ang bagay? Sakin na siya. Back off, bitch. Tara na baby. Magttime na." Tapos hinila ko na palayo si Yves. Ang aga-aga, nakakabadtrip. Iniwan na namin si Megan dun. Kulang siya sa pansin.
YVES's POV
Nag'CR si Sha. Tapos nagulat ako ng puntahan ako ni Megan. Tumayo ako.
"Magusap tayo Yves."
"Naguusap na tayo ha?"
"Bumalik ka na sakin." Hinawakan niya ko sa kamay.
"Tigilan mo na ko Megan."
"Mapapasakin ka rin. Tignan mo."
"Malabong mangyare yan. Kasi si Sha na ang mahal ko."
"Hindi ako naniniwala sayo. Alam kong ako pa rin ang mahal mo."
"Eh di wag kang maniwala. Ano naman sakin?"
"Mahal na mahal kita Yves. Gagawin ko ang lahat para bumalik ka sakin."
"Hindi na ko babalik sayo Megan."
"Hi baby. Oh? Hi Megan." Sabi ni Sha sabay halik sakin sa labi.
"Kayo na?" Tanong ni Megan.
"Oo. Bakit? May problema ba dun?"
"Tss. Di kayo bagay."
"At sa tingin mo, kayo ang bagay? Sakin na siya. Back off, bitch. Tara na baby. Magttime na." Hinila ako ni Sha palayo kay Megan. Simula ng makaalis kami sa park, hindi pa rin niya ko kinikibo. Galit siguro siya. Huminto ako sa paglalakad. Napahinto rin siya dahil hawak niya ko.
BINABASA MO ANG
Once a playboy, always a playboy?
RomanceLove is accepting people for who they are, no matter what. He's a playboy, will you still accept him?