AIESHA NICOLE's POV
Nagising ako sa sinag ng araw. Pagmulat ng mata ko, wala na si Yves sa tabi ko. Panaginip lang ba lahat? Imposible. Hindi ko naman to kwarto. Sabado ngayon kaya walang pasok. Nag ayos muna ko tska bumaba. Nakita ko siyang nagluluto.
"Goodmorning Sha." Ngumiti siya tapos nilapitan ako.
"Goodmorning din po." Hinila niya ko papunta sa upuan.
"Upo ka na. Ihahain ko na yung niluto ko. Para sayo lahat to."
"Pinapataba mo naman ako. Hahaha." Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa pisngi.
"Kahit tumaba ka, ikaw lang ang pinakamaganda para sakin."
"Kinilig naman ako dun. Hahaha. Paano si Megan?"
"Tss. Ano namang pake ko don? Kain na tayo." Tumabi siya sakin at nilagyan ng pagkain ang pinggan ko.
"Thanks. Hmm, pagkakain, uwi muna ko ha?"
"Mamayang hapon. Ihahatid kita. Pinagpaalam na kita. Dito ka muna." Hinawakan niya ang kamay ko.
"Oo na po. Kain na tayo." Tapos kumain na kami. Pagkatapos, ako ang nagligpit.
Nakakahiya naman kasi siya na ang nagluto. Pinipigilan niya ko pero tinakot ko. Sabi ko uuwi ako pag di siya pumayag, ayun pumayag. Habang naghuhugas ako ng pinagkainan namin, binack hug niya ko.
Humarap ako tapos hinalikan niya ko saglit sa labi na ikinagulat ko. Hinalikan niya ko? Myghad?! Dati, iniimagine ko lang to, ngayon, nangyayare na. Pero nahalikan naman na niya ko dati nung nagpapanggap kaming mag'jowa pero syempre iba na to. Iba na yung pakiramdam kapag hinalikan ka ng taong umaming gusto ka niya at gusto mo rin siya.
Pagkatapos kong maghugas, pumunta kami sa sala tapos nanuod ng tv. Ang pwesto namin, nakaback hug siya sakin tapos ako naman nakasandal sa kanya.
"Alam mo Sha, akala ko si Megan lang ang makakapagpabago sakin. Pero nagkamali ako. Ikaw pala talaga."
"Sus. Baka nambababae ka pa rin eh."
"Hindi na po. Siguro kapag nawala ka, baka gawin ko ulit."
"Wag ka na ngang maging babaero. Nakakasakit ka, alam mo ba yun?"
"Opo kaso wala eh, nasanay na ko. Sorry. Pero pipilitin kong wag ng maulit."
"Hoy! Ano yan ! Hahaha." Nagulat ako sa pagbaba ni Kuya Xavier. Napaayos tuloy ako ng upo.
"Kuya naman!" Sigaw ni Yves
"Ang sweet niyo ah. Hahaha. Sige na. May pagkain pa ba?"
"Meron. Sa kusina."
"Salamat at tiniran niyo ko. Sige na. Maglabing labing na kayo. Hahaha." Tapos umalis na si kuya. Balik pwesto kami. Mabilis ang oras, hapon na at kailangan ko ng umuwi. Lagot ako kay kuya neto. Kinuha ni Yves yung motor niya at binigyan ako ng helmet.
"Sakay na." Sabi niya. Sasakay na ako sa likod ng bigla siyang nagsalita.
"Dito ka sa harap."
"Bakit sa harap?"
"Para alam kong ligtas ka. Dali na." Sumakay na ko at sinuot yung helmet. Ganun din siya. Tapos pinaandar na niya yung motor. Nakarating na kami sa bahay.
"Thank you sa paghatid." Sabi ko.
"Wala yun. Pahinga ka na ha?"
"Opo. Ikaw din." Bumaba siya tapos niyakap ako at hinalikan ako sa tip ng nose ko.
"I love you." Tama ba tong narinig ko? Napangiti naman ako.
"I love you too."
"I love you three." Paglingon namin, si Kuya Tyrone pala.
BINABASA MO ANG
Once a playboy, always a playboy?
RomanceLove is accepting people for who they are, no matter what. He's a playboy, will you still accept him?