CHAPTER 3:

6.4K 157 4
                                    

AIESHA NICOLE's POV

"May quiz tayo bukas, kaya kung pwede, makinig kang mabuti." Paalala ko sa kanya bago kami magsimula.

Inexplain ko ng inexplain sa kanya yung mga kailangan niyang matutunan. Nagtatanong naman siya kapag hindi niya maintindihan. Kaya walang naging problema. Naintindihan naman niya kagad. Naninibago nga ako dahil hindi niya ko binubwisit at talagang nakikinig siya.

"Sige, pahinga na muna. Kumain ka kung gusto mong kumain. Yuyuko lang ako. Kanina pa kasi masakit ang ulo ko." Tumango lang siya. Ilang minuto ang nakalipas ng magsalita siya.

"Sha, naranasan mo na bang iwan ka ng taong mahal mo?" Tanong ni Yves. Sha? San niya naman napulot yon. Tumingin ako sa kanya at napakunot ng noo.

"Ako bang kausap mo?" Tanong ko.

"Ay hindi. Yung katabi mo. Malamang! Eh tayo lang ang nandito."

"Eh kasi sabi mo Sha."

"Oo nga. Sha. Kinuha ko sa pangalan mong Aiesha. Sagutin mo na lang tanong ko."

"Oo nga no. Sorry ha?! Hmm, oo naman. Maraming beses na. Sabi nga ng iba, people come and go."

"May dahilan din naman ako kung bakit ako naging ganito." Lumungkot yung mukha niya pero umiwas siya ng tingin sakin. Naawa naman ako bigla sa kanya kahit minsan nakakairita talaga siya.

"Gusto mong magkwento? Makikinig ako." Ngumiti ako at ganon din siya.

"Si Megan kasi. Alam ko kilala mo siya dahil nabalita yun dito sa school. Si Megan ang first crush, first love, first girlfriend at first ex ko. 3 years and 2 months din ang itinagal ng relasyon namin. Akala ko, siya na ang para sakin. Seryoso. Akala ko lang pala yun. Kasi isang araw, bigla na lang siyang nakipagbreak sakin na walang sapat na dahilan. Ang sabi niya lang, hindi na niya ko mahal. Sobrang sakit non. Iniwan niya ko basta basta. First ex ibig sabihin, first time ko din masaktan. Di ko alam na ganun pala kasakit ang maiwan." Nakikinig lang ako sa kanya tapos nakita kong may pumatak na luha sa mukha niya. Pucha?! Seriously? Umiiyak siya?

"Panyo oh." Inabot ko sa kanya at kinuha naman niya tska pinunasan ang mga luha niya.

"Thank you sa pakikinig. Friends?" Inabot niya yung kamay niya sakin at inabot ko din yun.

"Friends." Nangiti na lang kami pareho.

Nagreview pa kami ng konti bago kami tuluyang umuwi. Umaambon sa labas. Nako naman! Wala akong dalang payong. Paano ako magcocommute neto. Napalingon ako, nakita ko si Yves na may kasama na namang ibang babae at nakayakap yung babae sa kanya. Bakit kanina naaawa ako sa kanya pero ngayon, naiirita na naman ako. Ilan bang babae ang meron to? Mukhang hindi nauubusan ah.

"Oy Sha!" Tawag sakin ni Yves.

"Oh." Sagot ko.

"Si Jen nga pala, girlfriend ko." Bilis makakuha ng girlfriend neto. Takte.

"Ah. Hi? Pano, mauna na ko." Tska ko naglakad palayo kahit umuulan, naglakad pa rin ako.

Pagdating ko sa bahay, basang-basa ako. Lumakas kasi ng sobra yung ulan. Naligo ako tska nagbihis. Tapos nahiga ako sa kama. Parang uminit pakiramdam ko tska sumakit lalo ang ulo ko. Nakatulog ako. Pag gising ko, nahihilo naman ako.

"Ma!" Tawag ko kay mama.

"Oh, nak bakit?"

"Ma, nahihilo ako tska masama ang pakiramdam ko."

"Ayan! Nagpaulan ka kasi eh!"

"Hindi ako makakapasok bukas ma."

"Hayaan mo. Ipapadala ko sa kuya mo yung excuse letter mo."

Once a playboy, always a playboy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon