YVES's POV
Nandito na kami sa bus. Bahala na kami sa pwesto at kung sino ang gusto naming makatabi. Katabi ko si Megan syempre. Sa tabi siya ng bintana. Sa tapat namin, wala pang nakaupo. Napatingin ako sa ibang estudyante. Bakit kaya wala pa si Sha? Baka kaya sa ibang bus siya sumakay? O baka hindi siya sasama? Hays. Nakakamiss yung babaeng yun. Maya-maya, dumating na si Sha. May kasamang lalaki. Yung palagi niyang kasama. Nalaman ko na nililigawan pala nun si Sha. Sa tapat namin sila umupo. Si Sha, sa tabi din ng bintana. Kumpleto na kaya umandar na yung bus. Palagi akong napapatingin sa kanila, hindi ko mapigilan na hindi mapatingin eh. Habang nasa byahe, nakatulog lahat maliban samin nila Sha at nung katabi niya.
"Inaantok ka ba Nic?" Tanong nung lalaki kay Sha.
"Medyo po." Tapos nag'smile siya sa lalaki. Ang tamis ng ngiti niya.
"Tara dito." Sinandal nung lalaki yung ulo ni Sha sa balikat niya.
"Matulog ka na po." Tapos hinalikan niya sa ulo. Shit! Bakit ganito! Pakiramdam ko naiinis ako. Tss. Sa sobrang inis, natulog na lang din ako.
AIESHA NICOLE's POV
Ang init naman. Pag'mulat ko ng mga mata ko, sakin pala nakatapat yung sinag ng araw kaya sinara ko yung kurtina. Napatingin ako kay Hideaki, tulog pa din siya. Napasilip ako sa katapat namin na sila Yves, namimiss ko na siya. Tulog din siya pati ang girlfriend niya. Hays. Kumuha na lang ako ng pagkain sa bag tska kumain. Ang tagal ng byahe.
"Okay class, malapit na tayo sa tutuluyan natin kaya gumising na kayo." Sabi ng prof. namin kaya gumising naman ang lahat. Nang makarating na kami sa tutuluyan namin, bumaba na ang lahat at ginrupo na kami ni ma'am para sa mga mag'shashare ng kwarto.
"3 accountancy at 3 engineering students ang maghahati-hati sa mga kwarto. May 3 bed na kasya ang dalawang tao sa isang kwarto. Eto ang groupings." Nagsimula na siyang magbanggit ng mga pangalan.
"Sa room 208, sila Mica, Aiesha, Jane, Mariz, Thea at Megan. And last, sa room 209, sila Kevin, Mark, Hideaki, Renzo, Joshua at Yves. Okay na class, pumunta na kayo sa room niyo."
What?! Si Megan kasama namin sa kwarto? The hell! Kung mamalasin ka nga naman. Buti nandun si bes. Tapos sila Hideaki at Yves naman, magkasama din. Pumasok na kami ni bes sa kwarto tapos nakita ko si Megan na nakasimangot sakin. Kasalanan ko ba yun? Na dito siya napunta? Tss. Arte niya.
"Bes! Tabi tayo! Dun tayo sa gitna." Sabi ni bes sakin.
"Sure bes! Hahaha." Tapos nahiga kami ni bes.
Sosyal yung tutulugan namin. May aircon. Hahaha. Si Megan, umirap samin tapos lumabas na ng kwarto. Ay, bahala nga siya. Habang nakahiga, iniisip ko si Yves. Magkasama na kaya sila ngayon ni Megan? Siguro masaya sila. Haaay. Nakakamiss din pala yung lalaking yun. Sobrang miss ko na siya.
YVES's POV
Shit naman! Bakit naman kasama ko pa tong lalaking to sa kwarto. Kabadtrip! Lumabas lahat ng kasama ko sa kwarto maliban kay Renzo, yung kaibigan ko sa section B.
"Bro, bakit parang ang sama ng tingin mo dun sa Hideaki?" Tanong ni Renzo sakin.
"Ewan ko ba bro. Simula nung palagi na siyang kasama ni Sha, uminit na dugo ko sa kanya."
"Selos ang tawag diyan pare."
"Selos? Bakit naman ako magseselos? Eh may girlfriend ako."
"Bro, hindi porket may girlfriend ka, hindi ka na pwedeng magkagusto sa iba. Naturingan ka pa namang playboy. Hahaha. Tska bro, sigurado ka bang si Megan pa rin ang mahal mo?" Natahimik ako sa tanong niya.
BINABASA MO ANG
Once a playboy, always a playboy?
RomanceLove is accepting people for who they are, no matter what. He's a playboy, will you still accept him?