CHAPTER 9:

4.8K 129 1
                                    

YVES's POV

"Kahit sabihin ko, hindi mo rin ako paniniwalaan."

"Kahit sabihin ko, hindi mo rin ako paniniwalaan."

"Kahit sabihin ko, hindi mo rin ako paniniwalaan."

Kanina pa nagrerepeat na utak ko yung huli niyang sinabi. Para bang sirang plaka at paulit-ulit na lang. Ano ba kasi yung ibig niyang sabihin. Bakit naman hindi ko siya paniniwalaan? Tss. Nakita ko si Mariah. Baka alam niya kung sinong may gawa kay Sha nun.

"Mariah!" Humarap siya sakin.

"Bakit?"

"Alam mo ba kung saan nang galing yung pasa sa mukha ni Sha?"

"Hindi mo alam kung sinong may gawa nun? Malamang yung magaling mong girlfriend."

"Si Megan? Hindi niya magagawa yun."

"Eh bakit nagtanong ka pa? Di ka rin pala maniniwala. Sige. Alis na ko." At umalis na siya.

Malabong gawin ni Megan yun. Baka nagkakamali lang siya. Teka, bakit ba ko masyadong nag aalala? Grabe naman ako magalala sa pasa ni Sha. Mawawala rin siguro agad yun.


AIESHA NICOLE's POV

Last day na namin dito sa Baguio. At ang araw na to ay araw ng pag gala. Hahaha. Kahit saan kami pumunta, ayos lang. Kaya eto, nagaayos na kami para sa gala.

"Bes, hindi kita masasamahan. Nagtext kasi si Justine, nandito daw siya sa Baguio. Date daw kami." Sabi ni Mariah sakin. Si Justine, boyfriend niya yun.

"Buti naman at nasaktong nandito rin tayo. Okay lang bes. Kaya ko ang sarili ko." At nag'thumbs-up ako sa kanya. Nauna na kong umalis sa kwarto namin. Nagsimula na kong maglakad palabas ng hotel.

"Sha!" Lumingon ako at nakita ko si Yves. Ngumiti ako, ngumiti din siya.

"Oy bakit? Hindi ba kayo gagala ni Megan?" Tanong ko.

"Ako gagala. Si Megan, maagang umalis. May pupuntahan daw."

"Ganun. Pareho tayong loner. Hahaha."

"Bakit naman? Pwede naman tayong magsama sa pag gala."

"Sabagay. Tara?" Sumakay na kami ng taxi papuntang SM.

Tapos nag gala lang kami sa SM tapos kumain. May nadaanan kaming bilihan ng teddy bears at nakakita ako nung teddy bear na gustong-gusto kong bilin. Yung sa mall.

"Cute nung teddy bear. Mahilig ka sa teddy bear?" Tanong ni Yves sakin.

"Yes. Simula bata, nagiipon na ko ng teddy bear."

Tapos nagpatuloy lang kami sa paglalakad habang nagkwekwentuhan. Namiss ko ang mga kwento ni Yves. Napadpad kami sa isang park. Wala masyadong tao dahil tago ang park na to. Hindi ko nga alam kung bakit kami napadpad dito. Ang makikita lang dito ay mga mag'jowa na PDA. As in PDA na akala mo eh nasa private room sila. Wala ba silang pang rent ng kwarto at dito sila nagmimilagro sa labas? Nilibot namin yung park. May napansin akong malaking dahon na may maliit na butas. Yung butas na sakto lang para makita mong may tao sa likod ng dahon. Napatitig ako sa taong nasa likod ng butas. Siya nga. Kinalabit ko si Yves at tumingin naman siya sakin.

"Yves, si Megan yun diba?" Sabi ko. Napakunot ang noo ko.

"Ha? Nasaan?"

"Ayun oh! Sa likod ng dahon."

"Oo nga no. Tara, lapitan natin." Lumapit kami ng konti at sumilip. Nakita namin na naghahalikan si Megan at yung kasama niyang lalaki. Ibang klase. Sa public na lugar pa talaga. Hindi nakapagpigil si Yves at sinugod na sila samantalang ako, nanatili sa pwesto ko. Ayokong makigulo sa kanila. Nakita ko na pinagsusuntok ni Yves yung lalaki.

"Gago ka! P*ta!" Sigaw ni Yves. Sobrang galit talaga siya.

"Y-yves! T-tama na!" Sigaw ni Megan.

"Siya yung ex mo diba?! Siya yung boyfriend mo bago tayo magkabalikan diba?! Hindi ka ba nakipagbreak sa kanya?! Akala ko ba umalis na ang gagong yan?!" Sunud-sunod na tanong ni Yves at talagang nanggigigil na siya.

"B-babe, let me explain."

"Explain?! Para saan pa?! Para gaguhin mo ulit ako?! Tangina!" Sinuntok niya ulit yung lalaki ng sobrang lakas.

"Tama na! Nasasaktan na si Jacen!" Sigaw ulit ni Megan. Teka, Jacen? Napakunot ang noo ko. Tumigil si Yves sa pagsuntok at tumayo yung lalaki. Tinignan ko siyang mabuti. Siya nga. Pumunta ko kung nasaan sila.

"J-jace." Tumulo bigla yung luha ko. Tumingin silang tatlo sakin at nakita kong nagulat si Jace.

"N-nics." Siya lang ang tumatawag sakin ng Nics. Ibig sabihin, siya nga si Jace. Buhay siya.

"A-akala ko, p-patay ka na."

"N-nics, m-mageexplain ako."

"E-explain?! Para saan Jace?! Para mapaniwala mo ulit ako sa kasinungalingan mo?! Jace! Hinintay kita! Kahit alam kong patay ka na, hinintay pa rin kita! Nangulila ako sa pagkawala mo! Pero ano?! Eto ka sa harap ko! Kausap ka at buhay na buhay! Bakit mo nagawa sakin to! Nagmukha akong tanga Jace! Minahal naman kita pero sinayang mo! Pati yung halos magtatatlong taon, binalewala mo! Nung nalaman kong naaksidente ka, halos gusto ko na ding magpakamatay. Paano mo nagawa sakin to?!" Di ko na napigilan ang sarili ko sa sobrang galit at umiiyak na ko. Nasasaktan ako. Mas nasaktan ako ng malaman kong buhay siya.

"N-nics, ayaw na kasi sayo nila mama tska hindi na din kita mahal kaya ko yun nagawa. I'm sorry."

"Sorry?! Ano pang magagawa ng sorry mo?! Kung kaya lang sanang alisin ng sorry mo ang sakit. Sana sinabi mo! Sana dineretcho mo ko! Pinagmukha mo lang akong tanga! Sana hindi ka na nagsinungaling pa! Pinagkatiwalaan kita Jace. Sinungaling ka! I hate you!" Umiiyak na ko ng sobra. Ayoko na. Tumalikod na ko at nagsimula ng maglakad palayo. Hindi ko na kayang makita pa siya.

"Nics!" Sigaw ni Jace pero hindi ko na pinansin. Tumakbo na ko at sumakay sa taxi pauwi. Dumeretcho ako sa kwarto namin. Wala pa yung iba dahil maaga pa masyado. Hindi ko man lang naenjoy ng sobra ang araw na to.


YVES's POV

Nakita ko kung paano magalit si Sha. Unang beses kong nakita na ganon siya. At alam kong nasasaktan siya ng sobra. Sinuntok ko ng sobrang lakas si Jace/Jacen.

"Para yan sa pananakit mo kay Sha." Sabi ko. Aalis na sana ko pero hinawakan ako sa kamay ni Megan.

"Yves, magpapaliwanag ako."

"Hindi na kailangan Megan. Ayoko na. Tapos na tayo. Break na tayo."

"Tapos ano?! Ipagpapalit mo ko sa Aiesha na yun?!"

"Ano naman sayo? Anong pakialam mo? Magsama kayo ng lalaki mo. Sinira mo na ang tiwala ko sayo. Palagi na lang. Mga sinungaling!" At umalis na ko. Dun sila magaling, sa panloloko at pagsisinungaling. Napailing naman ako sa sarili kong naisip. Wala naman akong ipinagkaiba sa kanila.

Once a playboy, always a playboy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon