Iba talaga 'pag s'ya e. Iba ang tindig. Iba ang dating...
'Di mo talaga alam gagawin kung kailan nandyan s'ya eh.. Alam mo yun.. Kapag kakausapin n'ya ako, bigla na lang ako mapapa-"OMG, bkit n'ya ako kakausapin? OMG OMG. GAAAH. Ano meron? Bahala na ngaaa.... 'di ko mahayaan e, maayos ba buhok ko? Ayusin ko nga sarili ko. 'Wag kang kabahan. Si George lang yan. Ay takte, nakakalimutan ko lagi ang kuya. Si Kuya George lang yan. Kaya yan.." . I don't know. Minsan talaga, 'di ko maintindihan sarili ko eh kung dapat ko pa nga ba ituloy itong nararamdaman ko kasi... paalis na s'ya. Alam kong 'di ko na s'ya makikita muli. Magagawan pa ba ito ng paraan? Pag-ibig nga naman oh... Kung gaano ka kasaya nang makasama mo s'ya pero ganon rin kung gaano kalala ang sakit 'pag nawawala ang tinatawag nilang, "moment".
'Di bale, sulitin na lang ang mga huling sandaling kasama s'ya. Aminin ko man o hindi, alam kong iyon ang magpapasaya sa'kin. Ang cheezy ko noh? Hindi naman talaga ako ganito e. Sadyang ayoko lang sayangin ang oras ko sa mga bagay na 'di magpapasaya sa'kin. Nuksss, gumaganon pa ako. Kalandian mo talaga, Kat.. hayyy. - March 29, 2014
BINABASA MO ANG
More or less, I don't know.
RomanceMoving on? 'Di yan uso sa'kin nung una hanggang sa napadpad akong Baguio. Grabe, nakita ko nga s'ya.. ang problema, mga ilang buwan na lang natitira sa school year kasi ga-graduate na s'ya Balikan ko man mga alala sa nakaraan, 'di pa rin titigil ang...