Valentines Day 2014. Another time of the year where people send love letters, make poems to touch the hearts of their crushes, giving chocolates and roses,... something like that.. People don't love this day... and some does. How should I know? Because I'm of them.
Wait, what? O.O
Yeah, ikukwento ko na lang para may thrill.
May competition kami ni Kuya George nung araw na yun.
YES, kaming dalawa lang. Magco-compete kami.So kami ang magkasama ng Friday.. papunta kami sa isang school.. Akala ko man lang magiging awkward kami pero nagulat ako nag-uusap na lang kami tungkol sa Brooklyn Nine-Nine, Sherlock, The Walking Dead, etc... basta puro tv series. Hindi man lang tungkol sa life... alam mo yun, settle yung last year and sht.
"Kuya," at nahihiya ako kahit na alam mo yun, matino kaming mag-usap...
"Ano yun?" tanong n'ya sa akin.
"Ummm..."
"Um?"
"Uhhh,"
"Nahihiya ka pa rin ba sa akin?" tanong ni kuya sa akin.
"Siguro po."
"Sus, ilang beses na tayong nagsamang nanood ng Brooklyn Nine-Nine at iba pa. Nakasama pa nga kita kumain sa coffee shop eh nung birthday ko tapos sa cosplay last year..."
"Umm... about that..."
"Yung sa cosplay last year?"
"Yah."
"Anong meron dun?"
"May uh.. nothing nothing."
"Sure ka?"
"Yep yep."
"Okay..."
"So siguro bummer ngayon noh na ako kasama mo sa Valentines Day? Siguro gusto mo makasama yung gusto mong makasama sa araw na ito."
"Sus, meron ba akong gusto kasama sa araw na ito?"
"Di ko alam. Mukha bang alam ko? Baka may bibigyan ka ba ng chocolate.. or roses.. or that kind of thing... yung mga tipong binibigay kapag may nililigawan."
"Bakit pa ba kailangan magbigay ng ganun kung pwede naman puro salita? Nagmumukhang materialistic ang mga babae ngayon eh."
"Action speaks louder than words. Baka ganun ang gusto ng babae. Ayaw nila magpaniwala sa mga salita lalo na kung puro kasinungalingan."
"So ganun ang gusto mo?"
"Well, kung ako, yeah. Yung ang gusto ko. Not necessarily na dapat magbigay ng flowers or something pero alam mo yun, dapat lagi kang nandyan para sa kanya."
"Note taken."Wag kang assumera, Kat. Please lang.... hay jusko. Goodluck na lang sa compet.
---------
(11 PM)
Walang tao sa canteen kasi nasa classroom na yung mga estudyante habang kami ni kuya George nasa canteen at bumili ng pang-recess.
"Gusto mo ng graham?" tanong ko kay kuya George.
"Ayoko. Gusto ko Kitkat."
"Bakit naman?"
"Pampatalino eh. Sarap rin naman."
"Tapos ayaw mo ng graham?"
"Di naman sa ganun... gusto silang dalawa.. na pinagsama." tapos ngumiti sa akin..
"Hay nako, nakita mo yung meme ko noh?"
"Yeah, nakita ko sa home page ko... tawa na lang ako ng tawa."
"Sus, di mo kinaya na galing ako sa mga yun."
"Ang galing naman kasi."
"Yeah yeah okayy."
"So kamusta naman Valentines Day mo so far?"
"So far, 'di ko pa rin nakakausap mga kaibigan ko... siguro sila may manliligaw na kaya di nila ako makamusta."
"Sus ang clingy mo masyado sa friends mo, makikita mo naman sila mamaya pagbalik natin sa school."
"At least sila, alam ko na lagi silang nandyan.. Yung mga manliligaw, 'di ko alam kung nagtatagal."
"Di mo pa siguro talaga nararanasan yung mga ganyan noh?"
"Siguro nga pero naranasan ko na ring umasa at masaktan."
"Lahat naman siguro, hindi lang ikaw."
"So ikaw rin ba pinaasa?"
"Syempre, akala ko understanding, yun pala... makati sa atensyon."
"Okay lang bang pag-usapan natin s'ya?"
"Si Cynthia? Di ko talaga naintindihan kung bakit ko s'ya niligawan. Nagpaka-tanga talaga akong humabol dun. Akala ko man lang..."
"Marami kasi tayong akala na kapag nangyari ay hindi yung inaasahan nating mangyari."
"So 'wag kang assume? Yun lang yun."
"Exactly. Walang nararating ang paga-assume na yan. Masasaktan ka lang sa realidad. Anyways, kamusta naman Valentines Day mo?"
"Ito nasa ibang school kasama yung babaeng kaparehas ng ginagawa ko."
"Paki-describe nga yung babae."
"Aysus, naghahanap ng compliment. Ayun, na-describe ko na."
"Ang sama mo talaga sa akin."
"Nasanay na ako sayo eh. Masasanay ka rin naman siguro sa akin."
"Nagsisimula pa lang.. pero tanong ko lang kuya,"
"Oh? Ano yun?"
"May gusto ka bang ligawan ngayon?"
"Ewan ko nga eh.. May babae na.. 'di ko talaga alam kung gusto ko or whatsoever. Never ko pa s'yang niligawan pero sikat ako na nililink sa kanya. Di ko nga alam kung papaano ligawan yun eh... basta ang alam ko, dapat may kailangan akong gawin dun pero natatakot ako na baka masaktan ko s'ya. "
BINABASA MO ANG
More or less, I don't know.
RomanceMoving on? 'Di yan uso sa'kin nung una hanggang sa napadpad akong Baguio. Grabe, nakita ko nga s'ya.. ang problema, mga ilang buwan na lang natitira sa school year kasi ga-graduate na s'ya Balikan ko man mga alala sa nakaraan, 'di pa rin titigil ang...