(8 AM)
"So welcome to Theatre Workshop. I am... " and all that he said was just a blur.
After this, may commission meeting. Makikita ko nanaman yung... gah, nakakalimutan ko lagi yung pangalan n'ya. Bahala na nga.
Nagvibrate phone ko. Text nanaman ni Neal ito. Gaah, ayoko na pakinggan ito. Sarap matulog. So.. skip skip skip :D
......
(10 AM)
Commission Meeting. Since si Paris may competition kahapon, 'di n'ya alam commission nya.. Kaya sumama s'ya sa commission ko. "Hi! I'm Paris from this school, yeah?"
"Oh, I'm Kat from that school! Oh my gosh, hiiii. Nice to meet you."
Tapos nagtawanan lang kami.
"Uy Paris!" sabi ng isang lalaki.. yung grade eight.
"Uy Jay Emmett! Same kayo ng commission ni Kat?"
"Ha? Lol, hindi. Magsasama lang commission natin. Hehe."
"Ay weh?"
Sige, sila na nag-uusap. Text ko na nga lang si Neal.
"Katext mo ba si Neal?" tanong sa'kin ni Jay.
"Oo, bakit?" sabi ko.
"Ibibigay ko pa ba yung pinapabigay n'ya sa akin?"
"Ha? What?"
"Yung ano...?"
"Ano yun, J?" tanong ni Paris.
"Wala." parehas namin nasabi.
"Woah, okay okay.. Chilll." sabi ni Paris sa'min.
Tapos nagtawanan kami... Habang may kausap si Paris, nag-usap kami ni Jay.
"Wala akong load na i-text si Neal eh. Tanungin mo kung ibibigay ko na bago pa huli ang lahat." sabi ni Jay.
"Oh. Sige sige."
"Kasi alam mo naman, dumadamoves na si Kuya David kay Tifanny."
"Ano bang meron sa dalawang yun?"
"Syempre, pag-ibig nanaman. Ang tanging dahilan kung bakit nasasaktan ang mga tao."
"Not really necessary na yun yung dahilan eh. Maraming dahilan kung bakit nasasaktan eh. Kung naaksidente ka ba nang 'di sinasadya, dahil ba sa pag-ibig?"
"Well, lol. Oo nga naman. Haha, ang tindi mo naman magsalita. Chill, pre. Chill."
Excuse me, close ba tayo?.. Magiging. HAHAH =))
Lumapit si Paris sa'min at may dala s'yang tao. Hala grabe Paris, kagabi si Kuya George.. ngayon, sino naman?
"Guys, si Gab Parker nga pala." pinakilala ni Paris sa'min ni Jay.
Ayuuuun. Yun ang pangalan nun. Sana naman 'di na mawala sa isip ko. Oh, shemas, Paris... Kuya George? Gab? Bakit trip mo mga trip ko? Walang hiya. Hayyy.
"Hii. Katherine." sabi ko.
"And I'm Jay."
"Nice to meet you." at tumingin sa'kin si Gab. Wew, bakit ka titingin sa'kin? Ginawa ko sayo, teh? May kasalanan na ba ako sayo? Tapos, umalis si Gab.
"Teh, may crush sayo yun." sabi ni Paris sa'kin.
"Ha? Crush?"
"Oo, tinanong n'ya sa akin kung kakilala daw kita. Yiiee, Kat ah."
BINABASA MO ANG
More or less, I don't know.
RomanceMoving on? 'Di yan uso sa'kin nung una hanggang sa napadpad akong Baguio. Grabe, nakita ko nga s'ya.. ang problema, mga ilang buwan na lang natitira sa school year kasi ga-graduate na s'ya Balikan ko man mga alala sa nakaraan, 'di pa rin titigil ang...