Okayyy same day.... Dalawang damit pa. Ay jusko. Hirap naman ng buhay na aattend ka pa ng Recognition mo sa umaga tas Graduation sa hapon. Para kang maninirahan sa school n'yan eh, kulang na lang.. maliligo ka na dun. Hayyy
So siguro naman.... Kapag mahaba ang chapter ngayon eh, alam na ang rason 'di ba? Okay.
PART 1: Recognition
Nagmamadali pa naman ako papunta sa school kasi 9 AM yung mismong event. Pagdating sa school, nagmakeup na at lahat-lahat. Tinitry ko talagang hindi mapawisan para di naman ako mapahiya pagdating dun. Amoy na amoy. Langhap sarap pa siguro pero ehh... pero wag naman pls.
SO skip skip tayo ng 9 AM. Walang George na nagpakita. Oh. Ganun na talaga s'ya. Hay nako sige lang. Hayyyy pero wag mo s'yang problemahin. May graduation speech s'yang kailangang ayusin... Kung hindi pumunta, e di hindi. Wala namang perfect boyfriend... ay hindi, manliligaw pala.
Opening Prayer. Opening Ceremony. Opening Remarks. Ilang portions ng program na ang nakalipas, pero wala pa rin s'ya. Hahayaan ko pa? Bakit ako ganito? Yung tipong nagagalit ako agad pero... alam mo yun... Hindi naman ako ganito. Bakit naman? Dahil ba alam kong sasagutin ko na s'ya at magiging boyfriend ko? Dahil ba ayaw kong ganito yung buhay namin kapag s'ya na bpyfriend ko? Gash, I never realized that I would have this type of issues. Oh my nightmare turned into a fcking reality. I became that fcking nightmare. I'm really that fcked up.
As usual sa mga recognition na inaattendan ko every year, nagsimula sa first years... ay oo nga pala, grade 7 na... tas seco-grade 8... tapos huli kaming tatawagin, mga third year (not grade 9, pls lang. wew)
Tapos ayan na... Awarding Ceremony na ng third year... at wala pa rin. Wag ka na ngang magalit. Hindi naman kayo gaga, sampal you want? Takte ka, Kat. Kalma. Tatawagin ka na oh.
"Katherine Graham. One of the Top 10 Students. Best in Computer." sabi ni Ms. Bonnie... at tumingin sa akin. Ngumiti s'ya na parang s'ya yung nanay ko.. Well, tama naman. Tapos si papa ang naglagay ng mga medal sa akin. Tuwang-tuwa ako nun... lalo na't nandun sina Alex, Hector, Jane, Landon at Neal na nagch-cheer sayo sa audience. Kitang-kita kaya... lalo na kapag may tarpaulin silang tinataas. Yung tipong picture ko... at picture nina Lily at Colin yung nandun. 3 in 1. Kapeng-kape. Ay jusko. Ang saya ko talaga nun... Pagbaba namin ni papa sa stage, nagpaalam ako kay papa kung pwede ko sila puntahan.. pumayag naman s'ya. Pagkatapos nun, pinuntahan ko sila agad at niyakap ko sila isa-isa.
"Uy grabe ka, parang naman mamamatay ka naman sa ginagawa mo." sabi ni Neal.
"Uy Neal ano ba! Tuwang-tuwa yung tao eh. Wag mo naman tanggalin." sabi ni Jane.
"Neal, uso ang knock on wood. Gawin mo." sabi naman ni Landon.
"Okay whatevs, saan ang wood?" tanong ni Neal at bigla pa naman kinatok n'ya si Hector.
"Uy lul, di ako wood gaga." sabi ni Hector at binatukan n'yang malakas. Napatawa na lang kaming lahat... well except sina Lily, na kasunod ko... since Hestia s'ya..., at Colin kasi nasa Mandaluyong pa s'ya.. Well, I mean... Yung surname n'ya. Mandaluyong. Hay jusko.
"Congrats abnormal. Wala pa yung prince charming slash valedictorian mo ah." sabi ni Alex.
"Uy grabe ka, di porket wala s'ya ngayon... di na s'ya magpapakita." sabi ni Jane.
"Late yang si kuya.... or may surprise lang yan sayo. Masasanay ka rin siguro." sabi ni Landon.
"Err- fangirl oh." sabi ni Neal.
"Mas malala pa sa akin." sabi ni Alex.
"Abnormal kasi eh." sabi ni Hector.
"Luh, kasalanan bang alam ko?" depensa ni Landon.
"HIndi naman sa kasalanan s'ya, kundi yung tipong alam mo na late s'ya. Goodluck defensing on that one. " sabi ni Neal.
"Hula lang yun, mga bangag. Case closed. Malay mo lang."
"Yan yung James na boyfriend ko eh. Palaban." sabi ni Jane.
"Speaking of boyfriend, magkakaroon na yan ng boyfriend. Matutuloy na rin sa wakas yung Katherine of Hamil." sabi ni Caleb sa likod.Nagulat akong nandun s'ya at syempre, niyakap ko s'ya... at pinalo ko pagkatapos. Tinignan ko kaagad si papa, nakatingin s'ya sa akin... at tumingin na lang sa stage, konting ngiti.
"Ay sus, yung dad mo pala agree eh." sabi ni Caleb sa'kin.
"Gaga ka talaga, oh bakit ka naparito, ha?" tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
More or less, I don't know.
RomanceMoving on? 'Di yan uso sa'kin nung una hanggang sa napadpad akong Baguio. Grabe, nakita ko nga s'ya.. ang problema, mga ilang buwan na lang natitira sa school year kasi ga-graduate na s'ya Balikan ko man mga alala sa nakaraan, 'di pa rin titigil ang...