When violet eyes get brighter and heavy wings grow lighter, I'll taste the sky and feel alive again. And I'll forget the world that I knew but I swear I won't forget you, Oh if my voice could reach back through the past, I'd whisper in you ear.. Oh darling I wish you were here.
Missing him so badly right now.. ilang oras lang naman nakalipas, miss kaagad. 12 na, tulog ka na, Kat. Walang mararating yan... - March 29, 2014
-------
(December 4, 2013)
FB Conversation
"Happy Birthday kuya =)))))" - Kat
"Uy Kat! Thanks :)" - Kuya George
"Bakit po kayo 'di pumasok kanina? Birthday na birthday n'yo, walang libre :(("
"Eh, may lagnat ako e :( mild lng nmn."
"Ohhh. Nakita nyo na po ba yung flashdrive?"
"Yup yup :)"
"Walang virus 'di ba?"
"wala :)"
"Ohh, wala po ba kayong nakita d'yan na iba?"
"Wala naman, bkit?"
"Wala lng. Sige, pagaling ka nlng :)"
"Thanks Kat! :)"
Wow, 'di n'ya nakita effort ko. :(
Grabe, isipin mo....
Ngayong araw, kami ang naka-assign sa Wednesday assembly namin sa umaga. First time ko pa naman magperform sa public. Binigkas ko ng buong puso yung Panunumpa ng Katapatan sa Watawat at nakisama sa pagkanta ng Lupang Hinirang, Opening Prayer at San Antonio Hymn. Nung Saturday, bumili ako ng cute na teddy bear para may maibigay lang ako na gift. Tinatanong ko pa nun sina Jane at Landon since sila kasama kong bumibili... and they prefer white over brown. Tapos, nung Tuesday naman, binigay ko yung bagong Papa Bear sa kanya... with a note named as READ BEFORE YOU GET EPS. ;)
"Hi kuyaaa =))) Ipapalabas bukas yung midseason finale ng B99... at alam kong kasabay s'ya sa BIRTHDAY MO :P (yes, alam ko kung kailan birthday mo). Okay. Kung kailangan mo pa ng ibang kopya ng mga tv series, ito meron ako ng: The Walking Dead, BBC Sherlock, Community, Hannibal, Sleepy Hollow, The Legend of Korra at The Vampire Diaries. Anyways, wish ko lang sana maging close pa tayo na hindi lang sa chat tayo nag-uusap kundi pati rin sa real life. Sigee :) - K."
Wow. Tapos wala s'yang nakita. Waw. Galing ah. Sige lang. Sayang paghihirap ko dun. :/
(December 5, 2013)
Recess time, nasa table kaming lima ni Jane, Landon, Colin at Neal.
"Wow, 'di s'ya pumasok kahapon ah. Kamusta naman sa feeling?" tanong ni Colin
"Nangto-troll ka ba? Eh syempre, malungkot kasi nasayang efforts ko.. pero worth it naman siguro. Nakausap ko s'ya kagabi eh." sabi ko.
"Nakausap mo pa?" tanong ni Jane.
"Yeah, may lagnat daw kasi s'ya."
"Aw, sabihin mo magpagaling s'ya galing sa akin ah." sabi ni Landon.
"Grabe Landon, tandaan mo nga na may gf ka na. 'Di ka na yung fangirl ni Hamilton. Daig mo pa ang babae na mag-alala sa idol nila." sabi ni Neal kay Landon.
"Bakit ba? At least kasabay ko s'yang umuwi at nakakasama ko everyday." bawi ni Landon.
"Buti nga kayo eh, ako never kong mararamdaman yan.. kasi imposible naman yan magkacrush sa akin eh. Masyado siguro mataas standards nun." sabi ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
More or less, I don't know.
RomanceMoving on? 'Di yan uso sa'kin nung una hanggang sa napadpad akong Baguio. Grabe, nakita ko nga s'ya.. ang problema, mga ilang buwan na lang natitira sa school year kasi ga-graduate na s'ya Balikan ko man mga alala sa nakaraan, 'di pa rin titigil ang...