"Uy, Kat.. hi!" bati ni Kuya George sa'kin at ngumiti sa'kin.
"Hi kuya." sabi ko at ngumiti sa kanya.
"Hiiii!" sabi ng lahat.
"Okay lang bang magpa-pic kami kasama ka?" sabi ni Lily
HAY. KAHIYA. TAE.
"Oh sige lang. Ano bang occasion?" tanong ni kuya.
"Ay birthday po ni Kat ngayon." sabi ni Neal.
"Ay birthday mo baa? Happy Birthday ha, Kat! Kaya pala nanonood kasama ng barkada ng Thor. Ahhh." sabi ni kuya sa akin.
"Hala, 'di ko birthday ngayon. Mga assumera talaga itong mga walang hiyang ito. Wala talaga, 'di ko talaga ibibigay yung mga pasalubong n'yo asdf." sabi ko.
"Papicture nga po, kuya. Okay lang?" sabi ni Landon.
"Oh sige." sabi nung kuya na nagbabantay sa Cinema 5
"Tabi." sabi sa akin ni Landon. Ay charot. Nagpapic si Landon at Kuya George. Takte yan. HAHAHAHA. Picture kasama si idol. Parang artista peg dito ni kuya ah. Aba, uki ah.
"Anong pangalan mo?" tanong ni kuya sa kanya.
"Landon Ward po."
"Oh sige, Landon. Magpakabait ka. Good luck sa studies. Good luck sa life at.. yung love life mo." at tumingin s'ya kay Jane.
"With the whole barkada naman! 6 shots kuya ha." sabi ni Jane.
"Sige lang.. Basta manonood kayo pagkatapos nito ha."
"Sige lang po kuya!" sabi nilang lahat.
Habang inaayos nila mga sarili nila sa picture, "Shemas, nakakahiya mga kasama ko." sabi ko kay kuya George.
"Hindi naman ah. Sadyang ganyan talaga ang kabataan ngayon." sabi ni kuya sa'kin.
Nagtabi silang lahat. Ang arrangement ay Hector, Alex, Lily, Colin, Kat, Kuya George, Landon, Jane at Neal. Wow. Nananadya lang ah. Asdf. Click. Click. Click. Click. Click. Click. Tapos na.
"Thank you kuya ah." sabi ni Jane sa'kin.
"Uy Hector nandito ka pala." sabi ni Kuya George.
"Magkakilala kayo?" sabi ni Alex kay Hector.
"Ay malamang, pinsan ko yan." sabi ni Hector sa'min.
"HA?!?!?!??" sabi ko.
"Pinsan ko s'ya." sabi ni kuya sa'kin.
"Oh, wow. Wonderful. Amazing." with a poker face.
"Guyys! Pasok na tayo... baka 'di natin maumpisahan." sabi ni Colin.
So pumasok na kaming lahat. Tanong ko kay kuya,
"May kasama ka kanina, kuya ah. Saan na po sila?"
"Ay sina George at Kurt? Umuwi na sila. Pinapauwi na sila eh."
"Ahhh. Sure kang okay lang ito sayo na kasama mo kami mga third year? Baka, awkward lang po sa inyo."
"Hala, hindi. Una, nandyan ka at si Hector. Pangalawa, kakilala ko naman si Lily at Neal. Pangatlo, para nga akong artista eh. Sulitin ko yun. Parang feel mo talaga yung pag-iidolo."
"Lol, ang kapal rin talaga ng mukha mo eh."
"Uy, tahimik na... mag-uumpisa na guys." sabi sa'min ni Landon.
"Eh guys, wala pa nga tayo upuan eh."sabi ni Lily.
"E 'di sa harap."sabi ni Neal.
Nagmadali kaming naghanap ng mga upuan. Sa second to the last at yung huling row yung mga napili kasi tigli-lima bawat row. Sa second to the last row, nandun sina Neal, Colin, Hector, Alex at Lily habang kaming apat nina Jane, Landon at Kuya George ang nasa huling row.
BINABASA MO ANG
More or less, I don't know.
عاطفيةMoving on? 'Di yan uso sa'kin nung una hanggang sa napadpad akong Baguio. Grabe, nakita ko nga s'ya.. ang problema, mga ilang buwan na lang natitira sa school year kasi ga-graduate na s'ya Balikan ko man mga alala sa nakaraan, 'di pa rin titigil ang...