C21 - A Night Where Sparks Fly

12 0 0
                                    

Ito yung tipong araw na kung saan magma-maganda ka sa school.. naglalagay ng makeup and that. Yung tipong... mahaba-haba ang isusulat mo at ikukwento mo kaya maghanda ka na aabot ito ng more than 5 pages and shizzz.

Yung tipong susuot ka ng cocktail dress na bongga... sabi kong black na suotin ko pero pinili pa rin ang pink kasi ako pa rin ang barbie girl, hay nako mama. >.<

Yung tipong maglalakad ka ng isang dangkal na heels... Yung tipong kwentuhan lang kasama mga kaibigan ng buong gabi kung walang gustong sumayaw sayo. 

So technically, ikukwento ko yung prom night.... Masaya ba talaga ang prom? Yes. Masarap ulitin ang prom. Masarap balikan ang mga alala lalo na kung yung taong gusto mo sinayaw ka... either first or last dance... o kahit ano pang dance. Masarap yung pakinggan na yung lalaki na humihingi ang kakaunting oras para makasayaw ka. Masarap din pakinggan yung mga tugtugin.. party man o slow dance ang peg. Masarap din ang mga pagkain dun, malamang. Asdf... Akala ko yun lang ang habol ko sa prom.. Pagkain.. Tapos magsuot lang ng magandang dress...

Pero yung mga memories ay sadyang hindi mo talaga makakalimutan... ~

"Hi guysss!" sabi ni Lily.
"Uyy! Yan ba yung kinosplay mo nung December?" tanong ni Alex
"Gaga! Prom dress ko ito. Makasabi kang kinosplay ko ito, ikaw rin naman... pero seryoso, bakit ganun? Naka-heels na nga ako, ang tangkad nyo pa rin." 
"Malamang, naka-heels din kami noh. Ineexpect mo teh? Naka-flats sa ganitong event?" sabi ko.
"Grabe talaga kayo guys." sabi ni Lily.
"Ganun talaga. May Neal ka naman eh." sabi ni Alex.
"Oo nga, Neal. Yieee." sabi ko.
"Tumahimik ka nga. Walang mangyayari sa amin dun noh."
"Hindi mo basta-basta nile-let it go yan noh. Sana man lang nag-First Time in Forever ka man lang." sabi ko. 
"Ang korni mo talaga, Kat. Punta ka na nga kay kuya George." sabi ni Alex.
"Asa namang pupunta yun dito noh. Punta ka na rin kay Han Solo. Baka may marating ka pa."
"Ulul mu Kat."
"Wag nga tayong ganyan, prom ngayon. Magpaka-prinsesa ka naman."
"Ako? Ano yun? Iiwanan ko yung glass slipper ko sa stairs? Kakain ng mansanas? Matutulog na lang? Ayy, magandang option yung matutulog na lang."
"Tapos hahalikan ka ni Hector? Aba, uki ah." sabi ni Lily.
"Baka ikaw tinuturuan mong magbasa si Neal.. bibigyan ka ng rose tapos ayun, sayawan na." sabi ko.
"Ay bagay ah! Beast si Neal" sabi ni Alex tapos nagtawanan kaming tatlo. 
"Pero seryoso, sa tingin ko nagkakagusto s'ya uli... sayo nga lang." sabi ko.
"Hindi na raw sya magpapa-apekto sa babae di ba? Kulit n'yo ah." sabi ni Lily.
"Hindi naman ibig sabihin nun. hindi na s'ya iibig muli. Nasaktan s'ya pero hindi ibig sabihin naman nun na hindi na ulit s'ya susubok, di ba?" sabi ni Alex.
"Ayokong umasa. Pagkatapos nung kay George Velasco?"
"Hay nako, ibang-iba si Neal kay George. Tunay yang magmahal... Kita mo nga kay Tif eh." sabi ko.
"Basta alam ko... may something sa inyong dalawa." sabi ni Alex
"At alam kong nagseselos ka kay Grace." sabi naman ni Lily.
"Kay Grace? Ha?"
"Kay Grace. Yes."
"Paano naman ako nagseselos dun?"
"Kasi kasama na n'ya lagi si Hector.. you got to admit na nami-miss mo na s'yang kasama."
"Baka kasi 'di na tayo magkakasama uli na Mga Bangag eh ano?"
"Uyyy hiii!" bati ni Jane.
"Hiiiii!" bati naming tatlo sa kanya.

Tapos nagyakapan kami. 

"Di ba si Alex nagseselos kay Grace?" tanong ni Lily kay Jane.
"Oo, pansin nga eh." sagot ni Jane.
"Seryoso ako, mga abno kayo, 'di ako nagseselos dun." tanggol ni Alex.
"Halata sa mukha mo, teh. Pwede bang for once magpaka-prinsesa ka kay Hector?" sabi ni Lily.
"Pwede ba for once na tumahimik kayo sa mga Hex shipping na yan at hayaan n'yo na akong sumayaw mag-isa sa dancefloor mamayang gabi?" tanong ni Alex.
"Hindi namin hahayaan yun. Nandito kaming Mga Bangag para sayo noh." sabi ko.
"Basta. Hayaan mo na nga... Bahala na mamaya." sabi ni Lily.

So pumunta kami sa mga position namin for entrance. So skip skip ski-oh no no no. Wag i-skip ang moment na ito kasi nakakaloka lang ang nangyari. Sabi kasi sa amin na kung sino man matapat sayo sa entrance, ay magiging kasama mo sa buong gabi.. yung tipong ihahatid ka n'ya sa CR o lavatory.. basta yung magiging gentleman.. eh sa konti na nga ng mga lalaking magiging kapartner ko, si Neal pa. Dalawa pa kaming partner ni Neal... ako at si Lily. Shizz. So parang s'ya kasama ko... Two lovebirds.. Ayoko naman mangcockblock sa moment nila.

More or less, I don't know.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon