(March 29, 2014: Graduation)
"Sige ah."
"Wow ha, like parang aalis na ako. Magkikita pa naman tayo."
"Magkikita pa ba tayo?"
"Oo, mahaba pa naman ang buhay. 'Di pa naman end of the world kapag grumaduate ka eh. Simula pa lang yan ng panibagong kabanata ng buhay natin."
"Ang drama mo."
"Hayaan mo na, grad ko na eh."
"Sige kulang na lang, umiyak ka na."
"Tas sabay walling noh? Baka ikaw gumawa nun."
"Ang kapal mo ah. Magdadrama ako dahil sayo? Olofung. 'Wag nga masyadong umere baka 'di na makabalik sa lupa."
"Sinabi ko ba na dahil sa akin kung bakit ka magdadrama? Boom. Basag."
Then we looked at each other's eyes. It was a moment of silence actually. Suddenly, he smiled. My heart is racing and I don't know what to respond in this kind of situation because...
BASAG NA AKO SA SINABI N'YA KANINA EH >.<
hahaha, panira ng moment talaga pag english tapos tagalog sa dulo. HAHHA =)))
-----
Pero grabe... Bakit ko ikukwento ang kasalukuyan kung 'di pa alam ang nakaraan? Alam kong ayaw mong alamin... pero sorry, kailangan mong malaman e. Sorry ah. Joke. Ganito talaga. Dapat malaman yan para maintindihan kung ano ang interaksyon namin and kung paano nag-umpisa ang lahat ng ito. Trust me, kung ikunuwento ko sa inyo ito, ano kaagad masasabi mo?
"Kat, kailan ba?" tinanong n'ya.
"Kailan ba ano?" sabi ko sa kanya.
"Kailan mo ba ako sasagutin?"
BOOM! Charot kayo noh? 'Wag kayong umasang magkakatuluyan 'yan... kasi ang kwento ko'y isang trahedya. Tandaan n'yo po iyan. Kung naloka na kayo sa mga nasabi namin, patikim pa lang yan. Kaya't kailangan alamin yung umpisa kasi 'di maiintindihan kapag 'di mo sinimulan. Magulat ka na lang, hindi pala ganun ang implication na pinapahiwatig ng mga salitang yan sa tinutukoy namin.
Balik na nga ako sa kwento... Masyado akong natuwang mag-explain ng mga bagay-bagay na... Lalayo nanaman ako. Sige.
---
Nagsimula ang lahat sa isang babaeng nagngangalang Katherine Graham (ako yan! Ganda ng pangalan noh? Joke lang xD). Siya'y isang simpleng tao na may prinsipyo sa buhay. Tanging prinsipyo n'ya lang ay.... Maging masaya ka sa buhay mo dahil minsan lang magpakita ang kasiyahan, at kung magpakita man ito... mawawala rin kaagad parang isang bula. Sulitin mo kung ano man ang maibubuga ng buhay dahil kung hindi, ano ang iyong mararating sa buhay at paano mo ito maibibigyang halaga? Kaya 'wag kang magtaka kung ang ingay n'ya 'pag kasama n'ya sina Lily, Alexandria at Hector. Kapag nagsama itong apat na ito, maghanda ka sa malakas na hampas ng palo sa isa't isa, lutong na murahan, matinding hagikgikan pagdating sa panibagong kabalbalan at sigawan kapag kunwari si Alexandria'y kinikilig sa pagmamahal ng mga bubuyog o ano pa mang insektong lumilipad o si Lily na may ipinaglalaban na punto kapag kunwari may test o homework man na pinagawa.. To think, lahat ng tao tingin sa'kin ay isang malambing at tahimik na babae.. akala mo si Maria Clara na ng modernong panahon. Hindi noh! Sino nagsabi nyan? Wow ha. Sino ang Ibarra ng buhay ko? Wala. Wala ring Padre Salvi... o Padre Damaso... o Kapitan Tiago. 'Di bale, hindi gawa ni Jose Rizal ang aking bibigyang diin.
Pero, nagtaka ba kayo kung bakit ito yung prinsipyo n'ya? 'Di dahil happy-go-lucky, masaya na sa buhay. Minsan, ang pinakamasayang tao sa mundo ay ang may matinding hugot o/at galit na tinatago sa lahat ng bagay-bagay.
BINABASA MO ANG
More or less, I don't know.
RomanceMoving on? 'Di yan uso sa'kin nung una hanggang sa napadpad akong Baguio. Grabe, nakita ko nga s'ya.. ang problema, mga ilang buwan na lang natitira sa school year kasi ga-graduate na s'ya Balikan ko man mga alala sa nakaraan, 'di pa rin titigil ang...