Chapter 2:Meeting Him

190 16 2
                                    


"Hey bitch!"

Dahil sa sigaw na iyon ay nagising ako. Marahan ko pang iminulat ang mata ko na di parin maayos dahil sa iyak ko kagabi.

"Cook my breakfast." Sabi nito sa akin. Tinitigan ako ngunit wala akong makita ni isang emosyon sa mata nito.

"Ah.. Oo su-susunod ako mag aayos lang ako."

"Tss don't waste my time. I'm in a hurry."

Kaya wala na akong nagawa. Tumayo na ako sa pagkakahiga at bumaba papuntang kusina. Dahil sa wala akong ganang magluto ay fried egg, bacon, at sandwich nalang ang hinanda ko sa kanya.

Di na ako nag abala pang gawan ang sarili ko ng sakin. Alam ko namang uubusin niya lang yun at isa pa ayaw niya ring kumakain ako pag nandito siya sa bahay o kaya'y nakikita niya ako.

Kaya mas mabuti nang mamaya na ako kumain 'yung wala na siya. Pababa na siya ng hagdan habang inaayos niya ang necktie niya.

Tinitigan ko siya habang inaayos niya iyon. 'Ang gwapo mo talaga. Kahit saang anggulo tingnan ang gwapo-gwapo mo parin. Ang swerte ko kasi asawa kita. Pero ang malas mo dahil napangasawa mo ako'

Napangiti naman ako ng mapait dahil sa sinabi kong iyon.

"What are you looking at?"

Napakurap-kurap naman ako dahil sa tanong na iyon. Nagoya niya pala na nakatitig ako.

"Ahh. Ano.... Sorry di ko sinasadya." Napapayuko ko pang sabi." Kumain kana. Pasensya na kung ito lang yung niluto ko. Sa susunod dadamihan ko na" pilit kong ngiti sa kanya

"Kahit 'wag na. Di ka naman masarap magluto." At dahil sa sinabi niyang iyon ay nawala ang pilit na ngiting iyon na nakapaskil sa labi ko.

"Ganun ba? Ok di na ako magluluto ng marami." At hindi na nga ito kumibo hanggang sa matapos siyang kumain.

Tumayo ito kaya agad ko naman siyang sinundan ng pasakay na siya sa kanyang mamahaling kotse ay nag paalam na ako

"Bye Love, Be safe."  Hanggang sa mawala na ito sa aking paningin. Pumasok na ako sa bahay at kumain. Sandwich nalang ang kinain ko. Ayaw ko ng magluto. Tinatamad ako.

Isa na namang araw ng walang ginagawa. Napagpasyahan kong magdilig nalang muna ng halaman sa labas.

"Ang ganda ganda niyo talaga. Hindi katulad ko na wala ng kain at namamayat kaya hindi mahal ng taong mahal ko. Kaya siguro ayaw niya ako kasi pangit ako?"

No More ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon