Chapter 12:Let's Bond

151 12 0
                                    

Nang matapos na kaming manuod ng movie na iyon ay may binigay siyang paperbag at isuot ko raw 'to kasi may lakad daw kami.

Tiningnan ko ang paperbag at napangiwi ako ng makita kong isang white t-shirt na may nakaprintang Minnie Mouse.

Nag- effort pa talaga siya para lang dito. Sinuot ko na ang shirt na iyon at pinares sa isang skirt na hanggang tuhod, syempre may cyclings ako sa ilalim ng skirt.

Lumabas na ako sa aking kwarto at naghintay sa kanya sa labas. Daig pa ang babae kung manamit ah.

Ang tagal-tagal naman niya. Nagbasa-basa na lang muna ako ng mga magazines at naramdaman ko naman na may papalapit kaya inangat ko ang tingin ko.

"Why are you wearing that kind of shit?" Habang tinuturo naman niya ang skirt na suot ko.

"Bakit? May problema ba sa suot ko?" At tiningnan ko naman ang kabuohan ko.

"It's too short" aniyang galit na sabi nito.

"Kung maka short ka! Hanggang tuhod 'to kaya hindi ito short at isa pa nag cyclings ako. Ano akala mo sa akin magpapabuso?" Galit galitan kong sabi.

"Fine.......Let's go." Padabog na hinila niya ang kamay ko kaya nanlalaking matang nagpadala ako sa kanya.

"Marunong akong maglakad."

At hinablot ko ang kamay ko at nagpatiunang maglakad. Nasa kotse na niya ako at hinintay na buksan niya iyon ngunit nagtaka ako ng lagpasan niya ako at naglakad papuntang gate.

"Ah...ah...ah......ARGHHH!" padabog ko rin siyang sinundan at sinigawan "Hoy! San ba tayo pupunta? Iiwan mo ba kotse mo dito?"

Pero nagpatuloy pa rin itong maglakad kaya nanahimik nalang ako at sumabay sa kanyang paglalakad.

Nanlaki ang mata ko ng hawakan niya ang kamay ko. Kaya tiningnan ko ito nang may ngiti sa aking labi.

"Oastin......Sa'n ba talaga tayo pupunta?"

"Somewhere..... 'Yong tayo lang dalawa."

"Saan naman 'yon?" Nagtaka talaga ako sa sinabi niyang iyon.

Naglakad ng naglakad lang kami. Huni ng ibon ang namutawi sa daang aming nilalakaran paminsan na may mga sasakyang dumaraan pero sa ilang minutong paglalakad namin ay wala parin akong ideya kung saan kami pupunta.

Lumipas ang mga ilang minuto pa ay natanaw ko ang isang malapit na ilog at lagaslas lang nang tubig ang mariring mo rito.

"Dito na ba tayo?" Tanong ko sakanya. Ngumiti ako sa kanya ng malawak at namamanghang mata ang makikita mo sa akin. "Ang ganda dito."

"You really like it, huh?"

Binitawan ko ang kamay niya at tumakbong tiningnan ang paligid. Nakaktuwa lang na ngayon lang ako nakakita nang ganito kagandang lugar.

Malinis na ilog ang makikita mo at hindi ka makakakita ng karumihan dito. Mga punong kay beberde ng dahon nila at mga bulaklak ng nakapalibot sa ilog na iyon.

No More ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon