Chapter 26: Welcome Home, Allyshia

288 13 6
                                    

Allyshia's POV

Nakarating ako sa bahay ng walang nangyaring disgrasya. Buti nga at buhay ako, puro luha ang mata ko habang nagmamaneho pauwi dito sa bahay.

"Angelica?" Nang makita ko si Elaine ay tumakbo agad ako papalapit sa kanya.

Niyakap niya ako ng mahigpit at ganoon din ang ginawa ko. I need Elaine's shoulders. Wala na akong paki kung mabasa man ang suot niyang damit, ang kailangan ko lang ngayon ay siya, isang balikat upang maiyakan ko at malabasan ko ng hinanakit ngayon.

"Can you tell me what happened? You never told me about your parents, Angelica." Umiling-iling ako tanda na ayokong pag-usapan ito ngayon. "Please, I'll listen... Shhhh... Stop crying, Angelica.." Hinagod niya ang likod ko na agad namang nagpatahan sa akin.

Nang matigil ako sa pag-iyak ay iginaya ako ni Elaine na umupo muna at uminom ng tubig.

"Thank you." At ibinaba ang baso ng tubig na aking iniinom. Napagpasyahan kong sabihin sa kanya ang tungkol sa mga magulang ko.

Ikinuwento ko lahat, walang kulang. Lahat inilathala ko sa kanya. "Damn! What kind of parents are they to treat you like that?" Napatayo si Elaine at hindi niya makontrol ang emosyon niya.

Well, to be honest, may problema si Elaine sa temper niya kaya ganito siya kung makareact.

"Elaine, calm down.... It's not good for you." Ipinikit niya ang mga mata niya at sunod-sunod na bumuntong hininga.

"Ok then what's your plan? Are you going home to the Philippines? Or just ignore your worthless parents and bitch sister?" Mataray nitong sabi.

"I haven't decided it... You know? I don't want my him to see Angelo.." Napa-iwas ako ng tingin.

"I understand your situation, Angelica. I'll just give you a hug, my way of comforting you." Napatawa na kaming dalawa.

Nagkakwentuhan kami ng kaunti about sa lovelife niya bago kami pumunta sa mga kwarto namin.

Lumapit ako sa kuna ni Angelo at hinalikan siya sa noo niya.

"Anong gagawin ko, Angelo?"

Kahit na tinatrato ako nila mommy at daddy na parang hindi totoong anak noon pero mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kanila. Totoong galit ako sa kanila at kinalimutan kong naging magulang ko sila ngunit nang malaman kong kailangan ng tulong ng kapatid ko, nang ahas kong kapatid ay mas lalo akong nagalit.

'Bakit palagi nalang si Angela!? Pwedeng ako naman?"

Pero iisang dugo ang pinanggagalingan namin. Alam kong malaki ang kasalanan ko at kasalanan niya pero kapatid ko siya.

"I've decided, babalik ako ng Pinas... Hindi para makita at makilala mo ang ama mo, Angelo pero para sa mga magulang at sa kapatid ko."

Naligo muna ako bago ako humiga at natulog sa kama.

Bukas na bukas ay babalik ako sa Pinas.

"Have you really decided?" Tumango-tango ako kay Elaine. Pang ilang tanong niya na ba ito.

"Elaine, you don't have to worry. He will not see nor recognize Angelo. Trust me, Elaine." Niyakap ko siya para i assure siya na hindi mangyayari iyon.

No More ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon