Chapter 13: Beautiful Voice

149 10 3
                                    

Dedicated to:
SophiaUnkwown

Tahimik lang ako sa biyahe namin pa uwi sa bahay. Ito na siguro ang pinakamasayang araw na nangyari.

Tingnan niyo naman nagawa ko siyang sungitan at hindi siya nagalit sa ginawa kong iyon at sana magtuloy pa ito gustong e extend pa ang isang buwan na pagpapangap namin.

At sa pagkakabilang ko may 2 weeks and 5 days nalang kami para sa agreement na ito.

Nakarating kami sa bahay ng matiwasay at bumaba na ako sa kotse niya. Pumasok ako sa bahay at nag unat. Kakapagod din palang maggala pero masaya kasi kasama ko siya.

Umakyat ako sa kwarto para magbihis na rin.

"Where are you going?"

'Ay, tanga lang? Malamang magpapalit.'

"Sa kwarto. Napagod ako, matutulog nalang muna ako."at nagtuloy na ako sa pag-akyat sa hagdan.

Narating ko ang kwarto at nagpalit ng malaking t shirt at shorts. Trip ko ngayong mag ganito kaya walang kokontra.

Pabagsak kong inihiga ang katawan ko sa higaan at marahang pinikit ang mga mata.

3

4

5

6PM

Nang may narinig akong bumulong sa tenga ko. Mahina lang iyon pero rinig at pamilyar sa akin ang boses na iyon.

"I'm starting to love you, Allyshia." at ramdam kong may humalik sa labi ko.

Namulat ko bigla ang aking mata at napatayong hawak ang aking labi. Naramdaman kong uminit ang magkabilaang pisngi ko.

"Why did you kissed me?"tinuro ko pa siya gamit ang kaliwa kong kamay habang nakahawak pa rin sa bibig ang kanang kamay.

" Why? Is this your first kiss?"hindi makapaniwalang tanong nito.

At uminit pa ngang sobra ang aking mga pisngi. Napapahiyang ibinalik ko ang aking kamay sa baba at ngumusong nakatingin sa kanya.

Tumango naman ako bilang sagot at bigla itong ngumisi sa akin, kaya may parte sa akin na parang galit.

'Bakit? May nakakatawa ba kung first kiss ko iyon?'

"Wow? So i just got your precious first kiss? How lucky I am. Then, let me get the second kiss."

Akmang lalapit ng umatras ako "Huwag kang lalapit!!!!"

Ngunit palapit pa rin ito ng papalapit kaya atras din ako ng atras hangang sa wala na akong ma atrasan at na corner na niya ako sa headboard ng kama.

"I want to kiss that damn lips, Love."sabi nito sa husky na boses

Napapikit ako ng maramdaman kong nilalapit niya ang kanyang mukha sa akin.

" Please. Umalis ka sa ibabaw ko." Ngunit hindi pa rin ito umalis.

Idinilat ko ang isang mata ko para tingnan siya at sa kinagulat ko tatlong sentimetro nalang ang layo ng aming mga ilong.

Napalunok pa ako ng maglipbite ito sa harap ko. Ipinikit ko nalang ulit ang mga mata ko at tinikom ang bibig ko.

No More ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon