Chapter 27: Sincere or Not Sincere?

312 11 0
                                    

WeAllyshia's POV

Sabado ngayon at ito ang araw nabibisitahin ko si Angela. Heto kami at naglalakad na papasok sa silid ni Angela.

Hindu ko isinama si Angelo dahil alam kong hindi magiging maganda ang mangyayari ngayon. Ang kasama ko lang ngayon ay sina Lalaine at Arnold or ang parents ko.

"Ito na ba ang kwarto niya?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang pintuan na nasa harap ko.

"Oo, sana pakinggan mo siya, anak."

"Pakibukas naman nang matapos na ito." Binuksan naman ito ng isang lalaking nakaputi ang damit.

Hindi ako nagpaligoy-ligoy pang pumasok at isinara ulit iyon.

Gusto kong kami lang dalawa ang mag-usap. Walang mang-aabala.

Inilibot ko ang tingin sa kwartong kulay puti ang lahat ngunit may nakadikit na mga papel. Papel na may mga guhit.

Lumapit ako roon at pinagmasdan ang nakaguhit. Isang larawan ng sanggol habang karga ng inang nakangiti dito.

Alam kong isang magaling na artist si Angela kaya ganito nalang kaganda ang kanyang mga gawa. Parang makatotohanan.

"Hello kapatid ko! Maganda ba ang aking anak?" Nagulat ako ng tumabi ito sa akin.

"A-angela" iyon lang ang nasabi ko. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at dito ko lang napagtantong pumayat siya ng sobra. Maraming peklat sa braso, binti at mukha niya.

"Nagulat ka ba? Sorry kung ganun. Don't stare too much, sister." Ngumiti ito at niyakap ang papel na may guhit na baby.

"Sinong may gawa niyan sa'yo, Angela?" Tiningnan niya ako ng masama. Hindi ko alam pero takot ang namutawi sa aking kalooban.

Bigla siyang tumawa na nagpatayo ng balahibo sa braso ko. Tama nga sila. Nababaliw na si Angela.

"Si Oastin... Gusto mo bang i kwento ko sa'yo lahat ng pinagdaanan ko?"

Hindi ko alam ang isasagot sa kanya. Pero gusto kong malaman lahat--lahat ng ginawa niya at ginawa ni Oastin sa kanya.

"Magsisimula ako sa araw na iniwan no siya. Makinig kang mabuti, Ate." At ngumisi siya sa akin na nagdulot ng pagtaas ng balahibo sa braso ko.

Angela's POV

'Pagkatapos nang araw kung saan tinalikuran ako ni Oastin at mas pinili ang ate ko.

Bakit ba napakadesperada ng babaeng iyon. Kung hindi sana niya pinagtulakan ang sarili niya na magpakasal kay Oastin na noon ay boyfriend ko pa. Wala sanang mangyayaring ganito.

Kahit kailan ay panira ang babaeng iyon.

Pero hindi ako magpapatalo. Ngayon pang magkakaroon na kami ng anak ni Oastin. Hindi ako susuko. Ayokong lumaki ang anak ko na walang kinikilalang ama.

No More ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon