Chapter 31: I Still Love You

69 2 1
                                    

Allyshia's POV

Hindi ko alam kung bakit ako tumutugon sa halik niya.

I can't control my body. Parang pinagkakaisahan ako ng katawan at puso ko. Ang utak ko nalang ang sumasang-ayon sa akin.

Ilang segundo lang ng bumitaw siya sa halik ay agad ko siyang sinampal. Napahawak siya sa kanyang kaliwang pisngi pero nakangisi pa rin.

Naiinis ako habang nakatingin sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko.

Nakita kong nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Puno ng pag-aalala ang nasa mga mata niya ngayon.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mukha ko. Pinalis niya ang luha sa aking mga mata. Ngayon ko lang naramdaman na umiiyak na pala ako.

"I'm sorry."

Umiling ako at lumayo ng kaunti sa kanya. Hindi na siya nagtangkang lumapit pa pero alam kung nasa likod ko lang siya.

"Umalis ka nalang. Pakiusap."

Naghintay ako ng ilang minutong pinapakiramdaman ang pag-alis niya pero wala akong marinig na yapak.

Humarap ako. Nakatayo parin siya at nakatitig sa akin.

"Pakiusap Oastin."

"Allyshia, maybe I made mistakes for the past years. I hurt you and caused you so much pain but I want to make things right."

Ayokong makinig sa mga salita niya dahil baka mahulog na naman ako. Pagod na ako. Naging desperada ako sa pagmamahal pero ngayong dumating si Oastin sa buhay ko, wala na akong hinihiling pang iba.

Naglakad ako papunta sa pinto at binuksan iyon. Hinihintay kong sumunod siya sa akin para palabasin na siya. sumunod naman na ito pero hindi siya lumabas. nakatayo lang siya sa harap ko.

"Gusto kong maging malinaw sa ating dalawa ang lahat Allyshia."

Ano pa bang hindi malinaw sa kanya? Ayoko nang balikan pa ang lahat. Tapos na kami. Kung nag-aalala siya para kay Angelo dahil hindi kumpleto ang pamilya niya, hindi na niya kailangan pang maramdaman iyon. Naiintindihan ni Angelo iyon at maiintindahan niya ang mga desisyon ko.

"Malinaw na sa akin kung anong meron tayo Oastin, baka ikaw ang malabo?"

Napangisi siya sa sinabi ko. Naiinis ako sa kanya at sa sarili ko.

"You are still my wife."Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Kaya ba nandito siya dahil pinanghahawakan niya parin iyon. "You didn't give me anything when you left me."

"Hindi ako nagbigay ng mga papeles dahil gusto kong kahit sa papel man lang may ama si Angelo. Para kay Angelo lang at hindi para sa akin o sa atin. Kaya pakiusap umalis ka na muna."

Tumingin muna siya sa akin bago naglakad paalis sa bahay. Nang masigurong wala na siya ay tumingin ako sa labas upang tingnan kung wala na siya.

Wala na siya. 

Napaupo ako sa sofa at umiyak ng tahimik upang hindi marinig ni Angelo. Ilang minuto din akong ganoon bago ko inayos ang aking sarili at pumunta sa kwarto ni Angelo. Napangiti ako habang nakatingin sa kanya. Ang himbing ng tulog. Umupo ako na nagpagising sa kanya.

Tumingin siya sa akin at kinusot ang mata. Ngumiti siya at umayos ng upo.

"Umuwi na po ba si daddy?"Tumango ako at inayos ang buhok niya. "Kailan po siya bibisita?"

Umiling ako. Sana nga hindi na siya bumalik dito. Mas maguguluhan lang ako.

Days passed and no sign of Oastin. Palaging hinahanap ni Angelo sa akin ang daddy niya. Minsan nga nalulungkot siya at hindi ako pinapansin.

No More ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon