Chapter 8: Forgetting Pain

199 12 1
                                    

Gumising ako ng maaga. Gusto kong magsaya kahit ngayong araw lang. Gusto kong kalimutan ang sakit na dinulot ng aking asawa sa akin.

Naligo ako at nagbihis ng maayos na damit.

Tatawagan ko nalang mamaya si Justine, gusto ko siya yung kasama ko sa paggagala ko ngayon. Siya lang naman nakakapagpasaya sa akin.

Bumaba na ako, para ipagluto si Oastin ngunit pagdating ko sa kusina nakita ko siyang nagluluto habang walang suot na damit maliban sa boxer shorts nito at magulong buhok.

Naramdaman siguro niya yunh presensya ko kaya lumingon ito sa akin.

"Good morning" sabi nito at bumalik na sa pagluluto.

"Hindi mo na dapat ginawa ito. Ako na riyan, may pasok ka pa kaya mas mabuting maligo kana at magbihis baka malate ka pa." At inagaw ko ang kutsilyong hawak niya at saka pinasadahan siya ng tingin at ngumiti ako sa kanya.

Nakatingin rin ito sa akin kaya nailang akong ibinalik ang paningin ko sa hinihiwa niya.

"Ano ba dapat lulutuin mo?"tanong ko sa kanya.

" I don't know what's the name but it's kinda vegetables."

"Tawag dito Pinakbet." At tinuloy ko na ang paghiwa ng gulay.

Naramdaman ko namang umalis na siya. Nang matapos na ako kakahiwa sa gulay ay inumpisahan ko na itong lutuin at naluto na rin sa wakas. Tinimplahan ko rin ito ng kapi.

Napagpasyahan kong tawagan na muna si Justine.

"Hello"

"Pwede mo ba akong samahan maggala ngayon?" Tanong ko

"I'm sorry, Allyshia. I have work today. Maybe next time."

"Ok lang" at ibinaba ko na ang tawag.

"Who was that?"

Napatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses nito sa likod ko.

"Si Justine, magpapasama lang ako."

"Then, what did he told you?"

"Di niya raw ako masasamahan"

"Bakit siya ang isasama mo kung nandito ako?"

"May trabaho ka."

"Then i'm going to tell my secretary to cancel all the appointments I have."

"Wag na...Mas mabuting nasa trabaho ka nalang."

Naoatingin ako ng kunin niya ang smaetphone sa bulsa niya at tinawagan ang sekretaya nito.

"Miss. Vangeline, cancel all my appointments.....Right Now! ....Yes!don't ask nonsense question..... Just do what I say!."

"Di mo na dapat ginawa yun. Mas importante ang mga partners mo kaysa sa akin. Ao, you don't have to come."

No More ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon