Wala parin kaming imik, pagkatapos mahanap ni Baby Angel ang daddy niya.
"About the one month agreement, I'm serious about that." Napatingin ako dito ng sabihin niya iyon.
"Di ko naman sinabing hindi ka seryoso tungkol dun." Binigyan ko naman siya ng tipid na ngiti.
"So? Is this the start of it?" Pagtatanong niya sa akin
"Ikaw bahala kung kailan mo gustong magsimula." Sagot ko at ibinalik ang tingin sa mga batang naglalaro."Alam mo ba? Sobrang saya ko kasi tinupad mo ang one month na 'to."
Biglang humangin kaya ang ibang hibla ng buhok ko ay natatakpan ang mukha ko.
Anayos ko muna ang buhok na tinatakpan ang mukha ko at inilagay ang ibang natitirang hibla sa gilid ng tenga ko.
Tiningnan ko naman ito at nakita kong nakatitig ito sa akin.
Tumayo ako at inayos ang suot ko. Inabot ko ang kamay sa kanya at nagpakita ng malawak na ngiti.
"Uwi na tayo? Para makapaglunch."
Tinitigan niya lang yung kamay ko kaya ginalaw ko ang kamay ko tanda na kunin niya.
Ngunit tumayo lang ito kaya napapahiyang binaba ko nalang iyon.
Naglakad na kami pabalik sa kotse niya at sumakay na ako. Nagmaneho siya ng ilang minuto at naka uwi na kami.
Pumasok na ako. Hindi ko na siya hinintay pa.
Ngunit sa pagpasok ko ay nandoon pala si Angela.
"Hey there, Allyshia. Where's Oastin?"
"Nasa labas." Tipid na sagot ko sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad papuntang kusina.
Nag umpisa na akong magluto. Nakangiti pa ako. Sabi kasi ng iba kapag walang pagmamahal sa pagluluto papangit ang lasa kaya ngingiting nagpatuloy ako sa ginagawa.
Nang matapos na ako sa pagluluto ay hinanap ko si Oastin at nandoon siya sa sala.
"Oastin, kakain na."
Tumayo naman ito at naglakad papuntang kusina. Sumunod naman ako sa kanya.
"You can join me. Eat and enjoy the food you prepared for me."
Umupo ako sa upuan at kumuha rin ng pinggan at nagsimulang sumandok.
Nagsimula na akong sumubo at gayundin siya.
"Si Angela? Asan?"
"I let her go home." At nagpatuloy sa pagkain niya.
"Bakit mo naman siya pina uwi?"nagtatakang tanong ko.
"It's your day Allyshia and I know you don't want to ruin your day just because of me."
Di nalang ako sumagot at nagpatuloy nalang sa pagkain ko.
Parang may humaplos sa puso kong yun pero huwag masyadong mag assume.
BINABASA MO ANG
No More Chances
Tiểu Thuyết ChungAllyshia loves her husband more than her life. She would do everything just to let him love her. But because of their one month agreement. They're life changed and their feelings changed. Living with the decision to leave him Could there still be a...