Chapter 19:I'm Now Sure

184 10 0
                                    

Nagising ako nang may ma amoy ako. Tumayo ako sa aking hinigaan at bumaba sa hagdan. Alam kong sa kusina nagmumula ang mabangong amoy na iyon.

Nakita ko si Allyshia na nagluluto ng pagkain.

"Good morning,Love." Napatingin naman ito sa akin at nanlaki ang kanyang mata at umiwas ng tingin. Kita kong namumula ang kanyang pisngi.

"G-good morning din,Oastin." Balisa naman siyang bumalik sa pagluluto.

Nagtaka ako sa ikinilos niyang iyon kaya hindi nagdalawang isip ko siyang nilapitan.

"May problema ba,Love?" Nakangiting tanong ko at hahawakan ko sana siya ngunit lumayo ito. "Hey? May problema ba?"

"Ano.... W-wala." At umiwas ulit siya ng tingin. "H-hindi ka pa kasi nagbibihis."

Tiningnan ko ang kabuohan ko at tama nga siya naka boxer shorts lang ako at tiningnan ko naman siya pero ganun pa rin.

Umakyat ako sa itaas at naligo tapos ay nagbihis na ako. Bumaba na ako at sakto ring tapos na siya sa pagluluto.

"Sorry." Tipid na sabi ko at umupo na. Hindi na ako naghintay na sandukan niya ako ng pagkain.

"H-hindi....Okay lang iyon. Hindi lang kasi ako sanay na makakita nang ganun." Namumula siya ng sinasabi niya iyon at utal utal ang pagkakasabi niya.

Wala ng umimik sa aming dalawa at kumain na kaming ng tahimik.

"Oastin....tumawag 'yong mga kaklase ko sa akin at bukas na raw ang Reunion ng ka batch namin." Alam kong nagpapa alam siya sa akin.

"What time and where is the place?" Ayoko siyang sumama pero alam kong gusto niya ring makapagbonding sila ng mga kaibigan niya.

"9:00 P.M sa isa resort daw na pagmamay ari ng kaibigan ko."diretsong sabi niya pero nakayuko siya.

"I will come with you tomorrow." Magpoprotesta na sana siya ngunit inunahan ko na siya. "No more buts, Allyshia. Kahita na batch niya lang ang pwede still I'm your husband and be proud dahil sinasamahan ka ng asawa mo diba?" Nakangising sabi ko.

Nanlaki naman ang mata niya at namula ang kanyang pisngi. Wala na siyang nagawa pa at tumango na lang din.

"Gusto mo bang maggala mo na tayo. Pwede rin nating tawagin natin itong date bilang mag asawa." Inangat niya ang kanyang tingin at di makapaniwalang tiningnan ako.

"Talaga, magdadate tayo?" Hindi talagang makapaniwalang sabi niya.

Tumango ako ng ilang beses para sabihing 'oo nga lalabas tayo'

"Sige!!magbibihis na muna ako" at dali dali siyang tumakbo papuntang kwarto niya.

Natatawa nalang ako dahil kahit papaano ay napapangiti ko siya kahit minsan ay nararamdaman ko pa ring takot siya sa akin.

Naghintay pa ako ng ilang minuto at nakababa na siya suot ang isang simpleng dress na kulay dilaw.

She smile when she sees me. Napangiti rin ako dahil nakakadala ang kanyang matamis na ngiti.

"Hindi ka na ba magpapalit?" Tanong nito sa akin.

"Ahmmm. Nope, I really plan this one. I want to spend my time with you sa araw na ito." Napangiti naman siya ng sobra dahil sa sinabi ko.

"Pinapakita mo ngang talaga na tinuturuan mo ang puso mo na mahalin ako."

"I may not really sure with my feelings for you, Love but I will promise that I will love you." Sabi ko sa kanya at namula naman siya.

No More ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon