Allyshia's P.O.V
Nasa park na kami ngayon habang magkahawak ang aming mga kamay at naglalakad-lakad.
Hindi ko maitago ang sobrang saya na nararamdaman ko ngayon dahil kasama ko ang pinakamamahal kong asawa pero panandalian lang naman ito kasi nga malapit na matapos ang agreement namin. Kaya biglang napawi ang ngiti sa aking labi.
"Bakit nawala 'yong ngiti mo?" Napatingin siya kay Oastin na nakatingin ng diretso sa daan.
'Tinititigan niya ba ako kanina pa?'
Umiling-iling ako at binitawan ang kamay niya para tumakbo sa nagtitinda ng ice cream. Tiningnan ko siya sa likod at ngumiti sabay turo sa ice cream.
"Hindi ka pa ba nabusog sa kinain mo kanina?" Kunot-noong tanong niya.
Umiling ulit ako. Hindi naman talaga ako nabusog sa mga kinain namin kanina. Nabigla naman siya sa pag-iling ko.
"Hindi ka pa nabusog? Kumain tayo ng burger, cotton candy, uminom ng softdrinks tapos kumain ka sa restaurant ng napakaraming seafood? Hindi ka kaya tumaba niyan?" Napasimangot naman ako.
"H'wag nalang." At nagsimula ng maglakad papaalis doon.
"Oo na! Bibili na nga... Pabili po, isa." Pagkatapos niyang bumili ay ibinigay niya sa akin. Tuwang-tuwa naman akong kinuha iyon sa kanya.
"Ikaw? Hindi kq ba bibili ng sa'yo?" Ngumiti siya sa akin at biglang yumuko at kinainan ang ice cream ko. Napakurap-kurap naman ako at napasimangot."Akin to e'!!! Bumili ka ng sa'yo!!" Sigaw ko sa kanya. Napangiti naman siya.
"Bakit? Bawal na ba tayong mag-share? Asawa mo ako at pera ko ang gamit sa pagbili niyan." Nang-aasar na sabi niya.
"Kahit na.....akin pa rin 'to!! Pasalamat ka mahal kita!" Nakasimangot kong kinakain ang ice cream.
"I love you too,Love." hinalikan niya ang pisngi ko at hinawakan na muli ang kamay ko. Kaya bumalik na ang mood ko.
Natapos kaming magpalakad-lakad sa parke at napagdesisyunan na ni Oastin na kumain na kami ng pananghalian sa isang restaurant. Hindi na roon sa kanina kasi raw natikman ko na pagkain doon kaya sa ibang restaurant kami kakain ngayon.
At ngayon nagd-drive na siya papunta sa kung saang restaurant ang tinutukoy niya. Sabi niya magugustuhan ko raw doon kasi 'secret' daw.
Huminto ang kotse at dumungaw naman ako para makita kung anong restaurant ito. Napangiti naman ako kasi tama siya, magugustuhab ko talaga dito. Isang Sea Food Restaurant ang kakainan namin ngayon.
Bumaba na ako sa kotse sa tulong ni Oastin dahil pinagbuksan niya ako ng pinto na ikinangiti ko ng sobra.
'Sea Me, Eat Me'
BINABASA MO ANG
No More Chances
Genel KurguAllyshia loves her husband more than her life. She would do everything just to let him love her. But because of their one month agreement. They're life changed and their feelings changed. Living with the decision to leave him Could there still be a...