Natapos na kaming kumain at nanghuhugas na ako ng pinggan.
"Hey!" Tawag nito sa akin. Tinapos ko ang isang pinggan at tiningnan siya." Allyshia, you can sleep at my bedroom."
Napatigil ako ng sabihin niya iyon. Pero ngumiti ako sa kanya
"Huwag na." Nagpakita ako ng ngiting nagpapahiwatig na 'ok lang'
"Why? Bakit ayaw mo?"
"Ayaw ko lang maalala yung mga masasakit na ginagawa niyo ng mga babae mo." Ngumiti pa ako ng todo sa kanya.
Napayuko siya sapagkat naaapektuhan siya sa sinabu kong iyon.
"Then, i will sleep at your bedroom.......with you." Desididong sabi nito at tinapangan pa ang tingin.
"Huwag na, mas mabuting naroroon ka sa'yong kwarto."
"I'm not going to do anything bad to you."ramdam kong gusto niya talagang matulog kasama ko.
"Ikaw ang bahala." At umuna nang pumunta sa taas.
Pumasok ako sa CR at nagsipilyo. Nag half bath na rin ako. Isipin mo naman. Ito ang unang makakatabi ko si Oastin sa higaan. Kaya masaya ako.
Nahiga na ako sa kama. Hindi ko na siya hihintayin.
Naramdaman ko naman ang ingay ng isang pagbukas ng pinto. Nagtutulog-tulugan ako para di na ako mailang pa.
Umupo ito sa kama at narinig ko naman ang buntong hininga niya.
"What did you do to me Allyshia? Bakit ganun yung naramdaman ko nang makita kong kasama mo si Conde."
Napatigil ako sa pakikiramdam at inisip ang mga salitang iyon.
'Anong ibig sabihin mo Oastin? Mahal mo na ba ako?"
"Sana hindi na lumala ang nararamdaman ko sa'yo Allyshia. Sana matapos na agad ang isang buwang pagpapangap."
Naramdaman ko ang kanyang labi sa aking noo.
Naramdaman ko naman ang paghiga nito at lumipas ang oras ay hindi pa rin ako makatulog.
Gusto kong bumangon pero di ko magawa para bang pinipigilan ng katawan at utak ko na huwag.
Baka ay gising pa siya at maramdaman niya ako kaya pinilit kong makatulog ngunit wala paring talab.
Iniisip ko parin ang sinabi nito sa akin.
Tulog na siguro ito. Dahan-dahan akong bumangon sa higaan at umupo sa gilid. Tinitigan ko ang mukha nito at tsaka lumapit.
Inisa-isa kong tiningnan ang bawat parte ng kanyang mukha. Sa kanyang makakapal na kilay na sadyang nakakaakit sa mga kababaihan, ang kanyang kay tangos na ilong na alam kong mas matangos pa sa akin.
BINABASA MO ANG
No More Chances
General FictionAllyshia loves her husband more than her life. She would do everything just to let him love her. But because of their one month agreement. They're life changed and their feelings changed. Living with the decision to leave him Could there still be a...