Third Person
Dumating ang umaga at nakahiga pa rin sina Allyshia at Oastin. Minulat ni Allyshia ang kanyang mata at dahan dahang pumihit paharap kay Oastin.
"Morning.....Love" nakangiting bati ni Oastin sa kanya. Gulat namang nakatingin si Allyshia sa kanya at lumaon ay sumagot.
"Magandang umaga rin L-Love" nahihiyang saad niya.
Hindi niya pa rin kasi lubos maisip na pinapayagan na siyang tawaging Love at himalang ngumingiti ito sa kanya.
Napabalikwas ng bangon si Allyshia at tiningnan ang orasan na nasa isang lamesa katabi ang kanyang kama.
7:20 in the morning. Nanlalaking mata niyang tiningnan si Oastin.
"Kanina ka pa ba gising?" Tumango naman ito. "Bakit hindi mo ako ginising? Anong oras na oh? May pasok ka pa..."
Tumayo ito at aakmang aalis ng hawakan nito ang kanyang braso.
"Ayaw kong pumasok ngayon Love."
"Ano? Hoy Oastin!!!! Marami kanang absents baka ma bankrupt ka kung ganyan ang ginagawa mo." Duro ni Allyshia sa kanya at inalis ang kamay niya na nakakapit sa braso ni Allyshia. "Kumilos ka!!!!"sigaw pa nito kaya padabog na umalis siya sa kwarto ng babae.
Bumaba si Aabsentia at nagluto ng makakain nilang dalawa. Lumipas ang ilang minuto at natapos ang pagluluto nito.
Inakyat ng babae ang hagdan at binuksan ang pinto. Nakita nitong inaayos niya ang necktie niya.
Lumapit siya rito at natatawang tiningnan ito.
" Love can you come with me.......at my office? Just this day."
Napatigil si Allyshiasa pagtawa at tinitigan ang mata niya. Hindi mo na makikita ang pagkatuwa rito at makikita mong seryoso ito sa sinabing iyon.
"Sigurado ka? Baka maisturbo lang kita ro'n?"
"No, you're not a disturbance for me."
Namula naman ang babae sa sinabi nito sa kanyaat yumuko nalang para hindi ipahalatang naiilang at nahihiya siya.
"Ahhm.....sige! Maliligo at magbibihis lang ako. Kumain ka na ro'n, pupunta na lang ako ok?" At nagmadali itong lumabas sa kwarto ng lalaki.
Lumabas na si Oastin sa kanyang kwarto at bumaba papuntang kusina. Tiningnan niya ang niluto ng kanyang mapagmahal na asawa at napangiti naman ito.
Sa lahat ng nakapagluto sa kanya ay ang kanyang asawa lang ang nakakuha ng panlasa niya.
Kaya sobrang swerte niya sa babaeng ito pero di man lang niya makita ang halaga ng babaeng kanyang napangasawa.
Umupo siya sa upuan at hinintay na makababa si Allyshia. Makaraan ang ilang minuto at nakababa na si Allyshia.
Namangha si Oastin sa suot nitong white dress na hanggang tuhod niya. Nakngiti naman itong lumapit sa kanya at tsaka umupo sa harap niya.
"Bakit hindi ka pa kumakain?" Kunot noong tanong nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
No More Chances
Narrativa generaleAllyshia loves her husband more than her life. She would do everything just to let him love her. But because of their one month agreement. They're life changed and their feelings changed. Living with the decision to leave him Could there still be a...