CHAPTER 6

16 0 0
                                    

HIDDEN BUT DISCOVERED

(Someday by Nina)

Chorus:

~ Someday, someone's gonna
love me..

The way, I wanted you to
need me..

Someday, someone's
gonna take your place..

Oohh..

Someday, I'll forget about
you..

You'll see, I won't even miss
you..

Someday..

Someday..

.

.

Heto na naman ako.

Nag-iisa.

Nasasaktan.

Nag-iemote.

At naiiyak na naman.

Bakit kasi ang galing ni Nina? (Sisihin ko ba naman ang singer?)

"Hay, hanggang kailan kaya ako aasa sa'yo, Warren Lee?," Tanong ko sa aking sarili. "kung kaya ko lang na magkagusto sa iba, ginawa ko na. But, I'm still here. Inlove parin ako sa'yo at sa tingin ko, hindi na iyon magbabago pa." Malungkot kong sambit.

Hay, para na akong tanga sa patuloy na pakikipag-usap sa sarili ko. (Oo na, tanga na nga ako. Angal ka pa?)

Para na akong may tupak, dahil gabi-gabi na akong umiiyak because of Warren. At kagabi, magkahalong sipon at baradong ilong ang baon ko sa pagtulog, dahil sa mga sinabi niya sa library na sumugat uli sa puso kong hindi pa gaanong naghihilom.

Sobra-sobra na kasi akong nasasaktan sa lahat ng mga sinabi at ginawa niya!

Pakiramdam ko tuloy, wala akong karapatan na mabuhay dito sa mundo.

Tanga.

Bobo.

Stupid.

Idiot.

Embecile.

Pangit.

Ano pa kaya ang itatawag niya sa akin?

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, madalas niyang ipinaparamdam sa'kin na wala akong kwentang tao! I admit, unti-unti nang gumuguho ang self-confidence ko dahil sa lahat ng kasamaan na ibinabato niya sa'kin. Ayoko sanang maapektuhan ang studies ko, pero, nawawalan na ako ng focus sa pag-aaral dahil iniinda ko parin ang sakit dito sa puso ko.

Kung kaya lang lagyan ng bandage at kung maaari lang na tahiin ang pusong 'to, ginawa ko na para hindi ko na nararamdaman ang ganitong pakiramdam!

Walang kwenta. That's exactly what I feel. Pained never leaves me. At hindi ko malubos maisip na darating ang panahon na mararamdaman ko ang ganitong klase ng sakit!

Sakit, na ang lalaking minamahal ko ang may gawa.

Maling-mali yata na tinangka ko pang makipaglapit kay Warren. Mas mabuti pa siguro na iwasan ko na lamang siya, gaya ng ginawa ko noon sa loob ng maraming taon.

Tahimik naman ang buhay ko at masaya naman ako, noong hindi pa ako lumalapit kay Warren. Magulo at naging maingay lang ang buhay ko, magmula nang tangkain kong makipaglapit sa kanya.

Ang gulo-gulo na!

Lumipas na naman pala ang isang araw, kahit hindi siya tumupad sa kasunduan namin na magkasama kami sa outdoor activity, iiwasan ko parin talaga siya. Tutuparin ko ang sinabi ko na hinding-hindi na ako magpapakita pa sa kanya kahit na ano'ng mangyari!

A Geek At School Who Fell Inlove With A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon