CHAPTER 4

27 1 0
                                    


.
HERE WE GO AGAIN

PAAKYAT na ako ng hagdan para um-attend sa class ko na nasa second floor ng Ali building nang mapansin ko na tila may sumusunod sa'kin.

Hindi naman sa praning ako, pero alam ko na kung sino ang taong sumusunod sa'kin kahit na hindi ako lumingon. Eh, diba, observer nga ako?

Ang bawat class ay may kanya-kanyang amoy.

At ang amoy ng taong sumusunod sa'kin, ay rough and nasty.

Hanggang kailan ba ako tatakasan ng kamalasan?

Ako lang ba ang nag-iisang estudyante dito sa Jiyu high na pwede nilang pagtripan?

Gosh, thousands of student are studying here! Kahit umiwas ako, hindi parin pala ako exempted sa panggugulo nila!

.

.

"HI. WOULD YOU MIND KUNG MAKISABAY AKO SA'YO?"
Tinig iyon ng isang lalaki. Sabi na nga ba at hindi ako nagkamali ng hinala.

Napahalukipkip na lamang ako at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Di-dedmahin ko na lang ito, total, nag-iisa lang naman ito eh. Na-vibes ko na wala ang mga kasamahan nito dahil tahimik sa paligid. Kung nagkataon na kasama nito si King, malamang ay kanina pa ako kumaripas ng takbo.

.

Nakaakyat na ako ng hagdan at lumiko na sa left side ng pasilyo kung saan ang room ko, pero sinundan parin ako nito at napi-feel ko na hindi ako nito titigilan hangga't hindi ko ito kinakausap. Istorbo!

"Hey Miss pangs."

Hindi ko parin ito kinibo.

"Hoy pangs, kausapin mo naman ako."

Oo na, pangit nga ako. Kailangan mo ba talagang ulitin?

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ito.
"Ano ba'ng kailangan mo sa'kin? Hindi tayo close para kausapin mo ako ng ganito." Pagsusungit ko na lang.

Uh-oh. I'm dead. Gangster nga pala ang kaharap ko.

Si Jake Sung. The maniac. Ang gangmate ni Warren.

"Whew. Chill ka lang. Ikaw si Hyacinth, right?" Anito.

At humarang pa talaga sa daraanan ko ang loko para hindi agad ako makaalis! Nakuu!!

"M-mali-late na ako sa klase ko. And b-besides, we're not friends so stop f-following me." Sagot ko kahit nauutal. Nagmartsa na ako paalis pero hinawakan ako nito sa kamay, na dahilan para bumalik ako sa dati kong kinatatayuan.

Naku, umagang-umaga kumukulo na agad ang dugo ko!

Humigpit ang hawak nito sa braso ko na dahilan para mapangiwi ako ng bahagya. Para ba'ng gusto nitong pigain ang braso ko sa sobrang higpit.

Langhiya, mukha ba'ng sinampay ang braso ko?!

"Hep. Diba kaibigan mo si Lala Chang," Sabi nito. "I like her. So, you better give me her number." Inilabas nito ang cellphone sabay abot sa'kin.

He likes Lala? Oh no, nagkamali ka ng babaeng nagugustuhan!

"Ahm, nagmamadali na kasi ako."

"Give me her number." Seryoso nitong sabi habang idinudutdot parin ang cellphone nito.

Maniac na nga, bossy pa! Hemp!

"No. I won't do that." Iyon lang at tinangka kong alisin ang kamay nito na nakahawak sa'kin pero nagkamali ako ng move, lalo lamang nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko.

A Geek At School Who Fell Inlove With A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon