Hi guys! I dedicated this Chapter to @VArkanghel for the wonderful book cover. :-D
.
.
ONE LAST CRY
PAGLIKO ko pa lang ay nadatnan ko na si Warren, nakasandal sa pader na malapit sa library.
Ano'ng ginagawa niya dito?
Teka, nagbabasa na rin ba siya ng libro?.
.
Himala!Dapat ay magkikita kami kahapon kaso, hindi ko naman siya mahagilap. At ang sabi ng source ko, um-absent daw. Kung wala lang kaming project, nunkang hanapin ko siya at kausapin. Nakakabwesit na kaya siya. Oo, nabu-bwesit na ako sa pag-uugali ng aking OGL.
At kung ano ang dahilan kung bakit hindi siya pumasok, hindi ko na tinanong pa.
Wala na akong pakialam.
Dahil unti-unti ko nang tinatanggap, na wala ng patutunguhan ang "feelings" ko for him.
Dito ko na tatapusin ang pakikipaglapit ko sa kanya..
.
Talaga ba?Kahit kinakabahan na naman ang pakiramdam ko, nagpatuloy parin ako sa paglalakad palapit sa kanya.
"Ahm, good morning." Bati ko.
.
Lah, walang sagot?
Suplado si Master Lee. Taka pa ba ako?Tumikhim ako at muli ay nagsalita. "Ah, h-hindi ka p-pumasok kahapon. K-kailangan na magawa na natin --
-- tayo na." Putol niya sa sasabihin ko. Matapos ay umalis na siya mula sa pagkakasandal sa pader.
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi ni Warren.
.
.
Huh??
'tayo na?'
.
.
Teka..
.
.
Ibig ba niyang sabihin ay...
"Pwede ba, itikom mo 'yang bibig mo?"
.
Para akong nagising sa pagkakaidlip nang marinig ko ang boses niya. Agad kong isinara ang bibig ko, na nakaawang nga!.
Hyacinth, akala ko ba, wa-care ka na? Ba't affected ka sa sinabi niya? Bulong ng munting tinig sa utak ko..
"Dalhin mo na 'yan." Sabi pa niya bago tumalikod at tuluyang pumasok ng library.
Nangunot ang noo ko.
Ano daw??
Sinundan ko siya hanggang sa loob.
"T-teka, hindi ko m-maunawaan ang sinasabi --
-- litse! Paano mo maiintindihan ang sinasabi ko, kung puro kahalayan ang nasa isip mo?!" Baling niya sa'kin.
Napaatras naman ako dahil sa takot. Grabe siya, nakasigaw agad.
"Hindi ba't tama ako? Na iniisip mo, ang ibig sabihin ng sinabi ko kanina na 'tayo na' ay girlfriend na kita? Putsa naman! Iniisip mo talaga na papatulan kita?," Ngumisi siya at nanlilisik ang mga mata habang nakatingin sa'kin. "Imbecile!!" Sigaw na naman niya.
Nakatitig lamang ako sa mukha niya. Hindi ko magawa ang magsalita.
.
Ang sakit..
Grabe, hindi ko na kinakaya 'to!
BINABASA MO ANG
A Geek At School Who Fell Inlove With A Gangster
Novela JuvenilShe is a nerd. Isang babaeng talino lang ang meron, ayon sa mga lalaking naiinis sa kanya. She is Hyacinth Go. A senior student sa Jiyu High. She is always IN sa list ng mga matatalinong estudyante, pero she is always OUT sa paningin ni King. Si War...