CHAPTER 1

61 2 0
                                    

MY SCHOOL

.

.

.

.

JIYU HIGH. Ang primera klasika na eskwelahan kung saan ako nag-aaral. Exclusive lang ang school para sa mga mayayaman at nasa alta sosyodad na gaya ng pamilya namin. Ninety-nine percent ng mga estudyante sa Jiyu high ay may dugong banyaga. Either ang nanay o tatay namin ay isang dayuhan. My mom is a filipina and my father was came from Korea. Isa akong KoPino.

Marunong rin akong magsalita ng korean. Konti lang. Lahat halos ng mga estudyante sa Jiyu high ay marunong naman magsalita ng lengguwaheng banyaga.

Itinayo ang Jiyu high ng Japanese business tycoon na si Mandreck Tan na naging filipino citizen na ngayon at nakapag-asawa ng isang filipina, na nagmula rin sa isang buena familia. Si Alicia Samaniego. May anak sila, si Rex Tan. Schoolmate ko and I really don't like him.

Kinasusuklaman ko ang lalaking 'yon!

Why?

Malalaman niyo rin.

Jiyu high thought me how to mingle with other people, kasi hindi ako palakaibigan when I was in grade school.

Aloof kasi ako sa lahat.

By the way, ako nga pala si Hyacinth Go, I'm seventeen years old at nasa senior high na ako.

At sa maraming taon kong pag-aaral sa Jiyu high, iba't-ibang klase na ng estudyante ang aking nakita, nakilala at nakasalamuha. Observer kasi ako kaya kilala ko na ang kanilang mga pag-uugali.

Ang iba ay naging mga kaibigan ko, but, karamihan ay hindi. Naiinis sila sa'kin at alam ko 'yon. Ewan ko ba kung bakit, eh, hindi ko naman sila inaano. Porket matalino ako at sila ay hindi?

Walang araw na hindi nila ako pinapansin. Ang ibang girls, nagbubulungan pero dinig na dinig ko naman na ako ang topic nila. Ang iba naman, sinasadya pa na bungguin ako para malaglag lang ang mga dala kong libro.

Ang mga boys naman, lagi akong sinusutsutan. Ako naman, ewan kung bakit lumilingon pagkatapos ay pagtatawanan nila ako habang sinasabihan ng: "Good dog."

See, ang sama nila diba?

Ehem. Okey, ipapakilala ko ang bawat class na meron sa Jiyu high para malaman ninyo kung anong klase ng mga estudyante ang meron dito.

Heto na, uumpisahan ko na.

BITCHY AND PLAYBOY.
-Sila ang mga estudyanteng mahilig makipagflirt sa kahit na kaninong gwapo at maganda sa school. Sila ang palaging pinagmumulan ng gulo at cause of break-up ng mga lovers.

P.S - Hindi lahat sila ay may angking kagandahan at kagwapuhan. Sadyang marami lang sa kanila ang feller. (Feeling gwapo, feeling maganda)

PAFAMOUS.
-Sila naman ang mga babae na ang hilig ay rumampa sa hallway.
Fashion show ng bench ang peg.
Laging hawak ang make-up at hobby ang magselfie.
Kahit pa nga kinakain ay ipo-post pa sa instagram at facebook. Mga maaarte at eskandalosa rin sila.
At sila ang number one tiliqueen kapag may dumaraang hearthrob sa corridor. Mga gossipmongers. Mahilig magkalat ng mga fake news.

HEARTHROB.
-Sila ang mga lalaki na may angking kakisigan.

Tall, white and handsome.
Maputi at makinis ang mga balat. Para silang mga vampires sa mga movies pero singkit nga lang ang karamihan.

Head turner sila palagi pero, lahat halos sila ay pa-fall.

Iba-iba ang girlfriend kada linggo. They have scoop to taste their "flavor of the month".
Gwapo nga raw sila kaya may karapatan daw magloko.

A Geek At School Who Fell Inlove With A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon