.
.
BIRTHDAY PRESENCE.
.
MEDYO MALIWANAG na nang makarating ako sa Jiyu high. Pagkababa ko ng mountain bike, naglakad na ako papasok ng gate. Hindi na ako nakatulog pa kaya after ng heartbreaking convrrsation namin ni Warren.
.
.
This is it. Ito na ang huling tapak ko sa Jiyu high, sisiguraduhin ko na magagawa ko lahat ng ipinangako ko sa sarili ko. Lahat ng nais ng puso ko.
Dahil ito na ang huli, isinuot ko ang aking school uniform. Nanamnamin ko na ang pagiging estudyante ko sa huling pagkakataon. Huling pagkakataon na rin masisilayan ko ang mukha ng mga kapwa ko estudyante na naging malaking parte ng journey ko dito sa Jiyu high.
Sana magawa ni Manang Lily na pakiusapan ang parents ko na huwag magalit dahil hindi ako maagang makakauwi mamaya. For the last time, sana ay maging masaya ako bago ako pumunta sa lugar na alam kong magiging miserable ang magiging buhay ko.Nasabi ko kay Manang ang mga gagawin ko ngayong araw at naunawaan naman ako nito. Pakiramdam ko nga, tanging si Manang Lily lamang ang nakakaintindi sa'kin at kakampi ko sa bahay.
.
.
"Hello po." Nginitian ko si Manong guard na nakaduty roon.
.
.
"Magandang umaga Miss Go," pagbati nito sa akin. May inilabas ito mula sa likuran nito. Isang purple-blue na sobre. Iniabot nito sa'kin.
"Maligayang kaarawan sa'yo." Todo ang ngiti ni Manong guard.
.
.
Inabot ko ang sobre. Wow, pa'no kaya nito nalaman na birthday ko ngayon?
Ah, baka natandaan nito ang petsa ng birthday ko sa tuwing ipinapakita ko sa kanya ang i.d ko bago pumasok.
Baka nga.
Hmm. Mabuti pa si Manong guard, naalala ang birthday ko. Samantalang si Lala na bestfriend ko, hindi man lang nagpadala ng kahit greeting card o binati ako sa fb.
Hay, yayain ko na lang kaya sina Manang Lily at Manong guard para kumain kami sa labas?
Total, sila lang naman dalawa ang nakaalala na espesyal ang araw na 'to para sa'kin.
.
.
"Salamat po sa pagbati. Ahm, ano po ito?" Usisa ko habang sinisipat ang itsura ng envelope.
.
.
"Buksan mo nang malaman mo kung ano 'yan." Nakangiti parin si Manong.
.
.
Ha? Nakaka-puzzle naman ang paraan ng pagkakangiti ni Manong.
Parang may something.
Ganito rin kasi ang klase ng ngiti ni Manang Lily kanina.
Hmm. I smell something fishie talaga.
I have to find out what is it. Malakas ang radar ko sa mga ganito eh.
.
.
"Huwag ka ng mag-alala sa mga bodyguards mo, hindi ko na lang sila papapasukin. Para naman walang mang-aabala sa'yo diyan sa loob." Pabulong ni Manong.
.
.
Napangiti tuloy ako. "Naku, salamat po kung ganoon! Naaalibadbaran na nga po ako sa kanila, eh." Ganting bulong ko sabay tingin sa tatlong BG na nasa malapit at nakamasid sa amin.
#MgaAsungot
.
.
"Walang anuman 'yon. Regalo ko na lang sa'yo, 'to."
.
.
"Salamat po talaga!" Pagkasabi ay nagmamadali na akong tumuloy sa loob.
Nang lumingon ako, hindi nakaubra ang mga asungot kong bodyguards kay Manong guard. Hindi sila hinayaan na makapasok nito.
#ButiNgaSaInyo
.
.
Natatawa ako habang naglalakad palayo sa mga ito.
Whew.
Nakahinga ako ng maluwag.
Ang sarap sa pakiramdam na walang nakamasid sa bawat kilos ko.
Napakatahimik dito sa loob ng Jiyu high. Mangilan-ngilan pa lamang ang mga estudyante na nakakasalubong ko. Sabagay, maaga pa naman. Baka nga tulog mantika pa ang karamihan. Mamayang 6:30 magbubukas nang tuluyan ang gate. Thirty minutes pa.
.
.
Habang binabagtas ko ang kahabaan ng hallway, binuksan ko ang sobreng ibinigay ni Manong kanina.
At ganito ang nakasulat.
.
.
Please proceed to room 07.
.
.
Ha?
Bakit dun?
Iyon kasi ang room kung saan ko laging natatanaw si Warren kapag nakaupo siya sa bench at tumatambay noong nagsimula na akong maging stalker niya.
.
.
"Kanino kaya 'to galing?" Nako-curious na talaga ako. Nagpalinga-linga ako, pero wala naman akong nakita sa paligid na pwede kong pagtanungan.
Nasaan na ang mga tao rito na naglalakad lang kanina?
.
.
Hindi kaya, multo ang mga school mates na nakasalubong ko?
Hala!
.
.
Hay naku, 'di naman ako takot sa mumo eh, kung meron man?
Kahit puno ng pagtataka, pinili ko parin puntahan ang room na nakasulat sa mahiwagang sobreng hawak ko. Nakakacurious kasi.
.
.
Pagkaraan ng ilang sandali, nasa tapat na ako ng room 07.
Nakabukas ang pinto kaya pumasok na ako sa loob.
.
.
"Hello? May tao ba dito?" Naka-switch naman ang mga light bulb kaya hindi madilim sa buong silid.
Wala ngang multo dito.
Bahagya pa nga akong nagulat nang nagsipaglabasan ang mga classmate ko na nagtatago pala sa ilalim ng mesa. Sampu yata sila.
Lah, pumasok sila ng maaga para maghide and seek?
.
.
"Maye?! Teka, ano'ng ginagawa n'yo diyan?" Gusto kong matawa sa mga ito. Biruin mo, balak pa yata akong takutin.
.
.
"Nandito na si Hyacinth, tara na."Ani Maye sa iba pa naming kaklase.
.
.
Napakunot-noo ako.
"Huh? Ano ba'ng -- " hindi ko na naituloy ang iba ko pa'ng sasabihin dahil hinila na nila ako papunta sa c.r ng room.
.
.
"T-teka, ano ba'ng gagawin n'yo sa'kin?" Usisa ko pa habang kinakaladkad nila ako. Ang aga naman para manggood time. At ako pa talaga ang napili nila?
.
.
"Chill ka lang, sumusunod lang kami sa utos," sagot pa ni Maye."girls, ilabas nyo na ang mga gagamitin natin."
.
.
"Okey!" Chorus ng iba.
.
.
"Maye, ano ba talaga'ng nangyayari? Ba't tayo nandito sa banyo? Is there something wrong? May pinagtataguan ba tayo?" Sunod-sunod kong tanong. Nakakakaba na kaya sila. Wala kasi akong idea kung ano ang gagawin nila sa'kin.
.
.
"Take off your clothes na." Utos ni Maye sa'kin. Serious face ang lola.
.
.
"What?!" Laglag ang panga ko sa sinabi nito.
.
.
Ba't ko kailangan maghubad?
Sa harapan pa nila mismo?!
Pektusan ko kaya ang mga 'to?
.
.
"Why should I do that? Explain mo nga sa'kin bago pa ako mapikon sa inyo." Tiningnan ko sila isa-isa.
.
.
"Ang dami mong tanong, dali na." Naiinip na sabi pa ni Maye. Atat ang lola natin.
.
.
"Ayoko. Lalabas na lang ako." Kung ano man ang trip ng mga ito, sorry, may importante pa akong gagawin.
.
.
"Ops, dito ka lang," hinawakan agad ako ni Maye sa braso para hindi ako makalabas. "Girls, dali pagtulungan natin hubaran si Hyacinth." Utos niya sa lima pang kaklase namin. Ang lima ay naiwan sa labas at kung ano ang ginagawa nila ay hindi ko alam.
.
.
Nagpanic na ako. Ano daw??
Huhubaran nila ako??
.
.
"Teka, hindi na magandang biro 'to," may kaunting galit na namahay bigla sa puso ko. Pumwesto sa harapan ko si Maye at ito ang magtatanggal ng mga butones ng uniform ko. Samantalang ang iba, hawak ako ng mahigpit sa magkabila kong mga kamay.
BINABASA MO ANG
A Geek At School Who Fell Inlove With A Gangster
Teen FictionShe is a nerd. Isang babaeng talino lang ang meron, ayon sa mga lalaking naiinis sa kanya. She is Hyacinth Go. A senior student sa Jiyu High. She is always IN sa list ng mga matatalinong estudyante, pero she is always OUT sa paningin ni King. Si War...