CHAPTER 7

26 0 0
                                    

TALK OF THE TOWN

ILANG minuto ang lumipas, narating na namin ang Jiyu high. Ipinarada ni Warren ang kanyang sasakyan sa espasyo na exclusive lang para sa kotse ng hari. That's the rule he made when he became a king of Kedamono gang. A policy that no one could break.

"We're here." Anunsyo niya. Pinatay na niya ang makina at hinugot ang susi sa keyhole. Ready na siyang lumabas.

Ako naman, nanatili lamang na nakaupo at walang balak na umalis sa kinauupuan ko. Kung kanina habang nasa daan kami ay hindi ako mapakali, ngayon ay lalo akong naging balisa at lalong sinalakay ng kaba. Kung bakit ba kasi pumayag-payag pa ako na makisabay sa kanya. My mistake.

Nakita ko nang tingnan niya ako ng may pagtataka. Agad kong hinigpitan ang hawak sa seatbelt na nakakabit sa'kin.

Hindi ako lalabas!

Naka-on parin ang aircon pero pinagpapawisan ako, lalo na ang mga kamay ko.

"Ano'ng nangyayari sa'yo?" Puna ni Warren.

"Ahm, m-mauna ka na." Naging tabingi ang ngiti ko nang lumingon ako sa kanyang gawi. Kung bakit kasi, hindi man lang niya maramdaman na kanina pa ako hindi mapakali. Na labag sa karapatang-pantao ko ang pagpayag ko na makasabay siya sa pagpasok.

Insensitive!

"Is there something wrong?"

Hay salamat, nakaramdam rin.

"Eh kasi.." Panay ang buntung-hininga ko habang nakatingin sa labas ng tinted na salamin. Mabuti na lang at hindi kami kita, dahil kung nagkataon, kanina pa kami pinagpiyestahan ng mga schoolmate namin na nasa paligid lang at tumatambay. Ako ang pag-uusapan ng lahat at ayoko ng ganoong atensyon.

Sinabi ko kay Warren ang dahilan kung bakit ayokong lumabas.

He smirk. "Iyan lang ba ang pinoproblema mo?"

Ha? Ano raw? Ni 'lang' lang niya ang sinabi ko? As if, walang kwenta ang dahilan ko. Grabe siya.

"Don't mind them." Iyon lang at lumabas na siya ng sasakyan. Umikot siya sa kabilang side at binuksan ang pinto ng kotse. Nais na akong pababain ng hari.

Nagsalubong ang mga kilay niya, nang hindi parin ako kumilos para umalis mula sa kinauupuan ko.

"Ang tagal." Sabi niya ulit. Halata ang pagkainip sa kanyang boses. Kinakatok-katok pa ng kamay niya ang bubong ng sasakyan habang hinihintay ang pagbaba ko.

Isang napakalalim na buntung-hininga ang pinakawalan ko, bago kinalas ang seatbelt at tuluyang lumabas.

Uh-oh. I'm DEAD.

#KinakabahanNgSobra
.

.

Pagpasok pa lang namin sa gate, ay pinagtitinginan na kami ng lahat. Lalo na ako.

Sana nananaginip lang ako.

Napahinto ang ibang estudyante mula sa paglalakad, upang tingnan kami. (Ako lang yata) Natanaw ko naman ang kumpol ng mga estudyanteng babae, na nasa second floor ng Science building na nasa gawing kaliwa. Lahat sila ay napahinto mula sa pagtatawanan, nang makita ako na kasabay ni Master Lee.

Their eyes are staring at me. Ang iba ay nagtaas pa nga ng kilay. Kitang-kita ang pagkadisgusto ng mga ito sa nakikita. Kung nakakasugat lang ang titig ng mga ito sa'kin, malamang ay kanina pa ako bumulagta, nangingisay at punong-puno na ng dugo.

Napansin rin pala ni Warren na kanina pa kami pinagtitinginan. Tinapik na lamang niya ako sa balikat para sabihin, huwag ko na lang pansinin ang mga ito.

A Geek At School Who Fell Inlove With A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon