.
..
BEHIND THE BARS
.
.
HINDI na maampat ang luha sa mga mata ni Diana habang hinahaplos ang mukha ng anak na si Warren.
"Warren anak, ano ba talaga ang nangyayari? Hindi ko maintindihan kung bakit ka ipinakulong ng mga Go." Awang-awa ito sa kalagayan ng anak.
.
.
Nang dumating ang mga pulis kanina sa kanilang mansiyon dala ang arrest warrant, kadarating lamang niya mula sa kanilang fieldtrip.
Nagulat man, minabuti niyang sumama na lang ng matiwasay sa mga ito.
Nagsisisigaw naman ang kanyang ina upang pigilan ang mga pulis na isakay siya sa mobile.
Sinabihan lamang niya ito huwag itong mag-alala. Nangako naman ang ina niya na susunod agad, kasama na ang kanilang family lawyer.
.
.
"Ma, please huwag na po kayong umiyak. Mas mahihirapan ako dito sa loob, kung nakikita ko kayong nagkakaganyan." Pinahid niya ang mga luha sa pisngi ng inang minamahal. Pinilit niyang ngitian ang ina, sa kabila ng bigat na kanyang nararamdaman sa loob ng selda. Ayaw niya na makita nito na mahina siya. Dahil sigurado na mag-aalala ito ng sobra kung kaya't tinatatagan niya ang kanyang loob. Hindi ito ang panahon para panghinaan siya. Hindi kailanman.
.
.
"I can't help myself, anak. Ina ako, and it's really hard for me to see you like this. Hindi ko hahayaan na manatili ka dito sa kulungan. We will find ways to get you out of here, okey?" Patuloy ito sa paghaplos sa pisngi ng anak.
.
.
"Don't think too much, mom. Maayos rin ang lahat, mapapatunayan ko sa mga magulang ni Hyacinth na wala akong kasalanan sa nangyari kay Helena."
.
.
Napabuntung-hininga si Diana. "Hindi ko akalain na mapaparatangan ka ng mga itinuring namin na kaibigan ng daddy mo," biglang nagbago ng timpla ang ginang. Bumagsik ang mukha nito. "I just can't imagine, sa lahat ng tao ay sila pa ang gumawa ng ganito sa ating pamilya."
.
.
"Mom, huwag ninyo silang sisihin sa nangyari. Nabulag lamang sila ng maling impormasyon ng kung sinong walanghiya na gusto akong idiin." Nakuyom niya ang mga kamao.
..
"Malinaw na false accusation ang ginawa nila sa'yo, anak! Hindi ko hahayaan na managot ka sa kasalanang hindi mo ginawa," pinahid nito ang mga luha at pinakakalma ang sarili. "I will talk to them. I would fight for your freedom. Walang ina ang gugustuhin na makita ang anak niya na naghihirap dahil sa maling paratang." Pagkasabi ay nagmamadali na itong umalis.
.
.
Ilang beses niyang tinawag ang pangalan ng ina upang pigilan sa binabalak nito, ngunit parang bingi na hindi man lang ito lumingon.
Napapabuntung-hininga na lamang siya. Dalangin na sana ay maging maayos na ang lahat. Upang makabalik na siya sa piling ng babaeng minamahal.
..
.
____________________
____________________
.PAGKABABA pa lang namin ng sasakyan ay sinermunan na ako ni mommy.
..
"My god Hyacinth, hindi ako makapaniwala na ipagtatanggol mo ang lalaking pumatay sa kapatid mo!" Anito habang pumapasok sila sa main door.
Nang makarating kami sa sala, hindi ko na nagawa pa'ng maupo dahil sa tensyon sa pagitan namin ng parents ko. Nakayuko lamang ako.
Gusto kong magpaliwanag sa kanila, pero paano ko gagawin 'yon?
Maski ako ay hati parin sa sitwasyon, kung paniniwalaan ko ba talaga si Warren na nagsasabi na wala siyang kasalanan, o ang matibay na ebidensiya na nagdidiin sa kanya sa pagkamatay ni Helena.
.
.
Ah, nahihirapan na akong pakitunguhan ang nararamdaman ko!
Nag-angat ako ng mukha upang tingnan sina mommy at daddy.
"Dad, mom.." Nakikiusap kong pahayag.
..
"From now on, stay away from that guy!" Si dad na nakaturo pa ang daliri sa'kin.
.
.
Napakagat-labi ako. Ngayon lang ako napagalitan ng ganito ng mga magulang ko.
.
."But dad," protesta ko pa.
"No more buts, Hyacinth! Go to your room now!"
Nahintakutan ako sa pagsigaw ni daddy. Kitang-kita ko ang galit sa kanyang mga mata. At natatakot na ako sa kung ano man ang maaaring gawin ng mga mata ng ama ko.
Huwag sanang dumating sa punto na makakapanakit siya o siya mismo ang masasaktan, physically.
.
.
Napabuntung-hininga ako.
Wala akong nagawa kundi sumunod sa utos ni dad.
.
.
"Honey, tawagan mo na ang lawyer natin." Si mom. Nakita ko siya na naupo sa sofa habang hawak ang sentido. Wala itong balak na saklolohan ako. Both my parents are exhausted and full of anger at this moment. And I can't deal with it.
BINABASA MO ANG
A Geek At School Who Fell Inlove With A Gangster
Teen FictionShe is a nerd. Isang babaeng talino lang ang meron, ayon sa mga lalaking naiinis sa kanya. She is Hyacinth Go. A senior student sa Jiyu High. She is always IN sa list ng mga matatalinong estudyante, pero she is always OUT sa paningin ni King. Si War...