.
.
GRIEF.
.
EXCITED siyang pumunta ng hospital. Dadalawin niya sina Warren at Hyacinth..
.
"Gising na kaya sila?" Tanong niya sa sarili habang tinatahak ang hallway papunta sa kwarto ng mga ito.
Nang isugod niya kaninang mag-aala-sais ng umaga ang walang malay na si Warren, tuluyan na rin nagcollapse sa sasakyan si Hyacinth habang nasa daan pa sila.
Sobra siyang natataranta nang mga panahong 'yon. Sumagi sa kanyang isipan, na kung may masamang mangyayari sa matalik niyang kaibigan at sa babaeng bumihag sa kanyang puso, mawawala siya sa katinuan. Ikamamatay niya kung sakali.
Nang maisugod niya ang mga ito, ilang oras pa siyang naghintay hanggang sa dumating na ang mga magulang ni Warren. Tinawagan niya ang mga ito para ipaalam ang nangyari.
Nagpaalam siya na uuwi na muna at dadaan sa Jiyu high upang i-excuse ang mga ito.
Hindi na lang niya binigyan pa ng atensiyon ang kakaibang napansin niya, nang makita ang mga parents ni Warren.
Parang may kakaiba sa mga ito at hindi niya matukoy kung ano iyon. Basta, may something.
Parang awkwardness.
..
Bago siya bumalik sa hospital ay tinawagan niya sina Jake at Jonas. Si Jake, dumalaw na raw ito kanina pero walang binanggit ang loko kung gising na ba si Warren o si Hyacinth. Hindi na niya kasi ito matawagan pa. Ang huling text nito sa kanya ay, busy raw ito ngayon sa panliligaw sa bestfriend ni Hyacinth, si Lala Chang. Ang judo master ng senior. Goodluck na lang sa kaibigan niya kung mapapaamo nito ang mabangis na babaeng 'yon.
.
.
Bago siya umalis kanina sa kanilang bahay, ipinaghanda niya ng pagkain ang dalawa. Ang lettuce wrap, isang uri ng korean meat. Madali lang gawin at masustansya pa. Sigurado siya na magugustuhan ng dalawa ang pagkaing dala niya. Lalakas agad ang mga ito..
.
Ngayon ay nasa tapat na siya ng room ni Warren, kumatok siya at pinihit ang senadura para pumasok.
.
.
"Warren..?" Nagtaka siya dahil walang Warren ang nadatnan niya na nakahiga sa kamang naroon..
.
Where is he? Aniya sa isip.
..
Tuluyan na siyang pumasok para tingnan ito sa banyo ngunit wala rin ito roon. Minabuti niyang lumabas na lang. Pupuntahan naman niya ang kwarto ni Hyacinth, baka kasi gising na si Warren kanina at naisipang puntahan ito..
.
Dalawang kwarto ang kanyang nadaanan bago nakarating sa room kung saan naroon si Hyacinth. Kumatok siya nang ilang beses bago pumasok. Nawala ang ngiting nakapaskil sa kanyang mukha, sa nadatnang eksena sa kwarto..
.
Magkatabi ang mga ito sa kama at payapang natutulog..
.
Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa mesang naroon at maingat na inilapag ang paper bag na dala..
.
Kumain na pala sila. Saloob-loob niya.
Napansin niya ang mga pinagkainan na naiwan at hindi pa na-ililigpit..
.
Hindi niya itatatwa, nasasaktan siya sa kanyang nakikita ngayon, ngunit alam naman niya na wala siyang karapatan para magselos. Wala siya sa lugar para ipakita ang kanyang nararamdaman. Dahil hindi siya dapat nakakaramdam ng ganito. Hindi siya dapat naiinggit o naninibugho sa matalik na kaibigan. Hindi dapat.
Dahil hindi tama..
.
Huminga siya ng malalim bago naglakad patungo sa pinto. Lalabas na lamang siya bago pa tuluyang madurog ang puso niya na puno na ng sugat.
BINABASA MO ANG
A Geek At School Who Fell Inlove With A Gangster
Dla nastolatkówShe is a nerd. Isang babaeng talino lang ang meron, ayon sa mga lalaking naiinis sa kanya. She is Hyacinth Go. A senior student sa Jiyu High. She is always IN sa list ng mga matatalinong estudyante, pero she is always OUT sa paningin ni King. Si War...