Chapter 20

11 0 0
                                    


.
.
IGNORE
.
.
"NAKAHANDA na ba ang lahat?"
.
.
"Yes sir." Sabay-sabay naming sagot.
.
.
Isang buwan na ang lumipas simula nang maging parte ako ng gang ni Rex Tan.
Tama ito, malaya ko ngang nagagawa ang gusto ko, na walang naninita. Isang buwan ko na ring iniiwasan si Lala. Pati na rin ang gagong si Warren na alam kong naghahanap lang ng tiyempo para komprontahin ako.
.
.
Naninibago parin ako sa aking sarili hanggang ngayon. Hindi ko parin malubos maisip, that I can act and say those bad words infront of my schoolmates.
Natuto na akong magmura at kumilos na para bang isang gangster.
Ang lahat sa akin ay nagbago, maliban sa galit ko kay Warren Lee na hindi parin humuhupa hanggang ngayon.
Parang gusto ko na siyang patayin!
Oo, kaya kong pumatay para kay Helena.
.
.
Napahinga ako ng malalim.
Iniisip siguro ni Lala at Warren na kailangan ko pa ng space para maka-recover sa pagkamatay ni Helena kaya aloof ako sa mga ito.
Nagrerebelde raw ako, iyon ang alam ni Lala at hahayaan ko siyang isipin nito na ganoon nga. Ang sabi pa nga niya sa'kin, pipiliin ko raw ang ibalik ang dating ako, dahil naniniwala ito na kabutihan parin ang nasa puso ko.
.

.
Putsa!
Hindi mangyayari ang sinasabi ni Lala hangga't hindi ko nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kakambal ko! Kung alam lang nito ang buong katotohanan sa likod ng aking pagbabago, kung alam lang nito.
.
.
Naalala ko pa nga nang unang beses akong nakita ni Warren sa bago kong bihis, hindi siya makapaniwala kung ako nga ang nasa kanyang harapan. Ramdam ko ang kagustuhan niyang lapitan at kausapin ako ngunit inunahan ko na siya at sinabing ayoko muna na may makausap na kahit na sino.
At ang gago, naniwala naman. Naiintindihan raw niya ako.
Ang hindi nito alam, tamang-tama ang gagawin naming educational trip para magawa ko ang plano kong paghihiganti. Tatapusin ko na ang laban at sisiguraduhin ko na ako ang magwawagi.
Ito na ang hinihintay kong pagkakataon!
Ang matinding galit ko sa kanya ang nagbibigay sa'kin ng lakas para matupad ko ang ipinangako ko sa puntod ni Helena.
.
.
At simula nang magbago ako, nagsimula na rin akong makisalamuha sa mga miyembro ng gang. Lahat ng lakad ng mga ito, kasama ako. Nasubukan ko na ang manira ng mga upuan at mga bintana ng mga silid gamit ang baseball bat, na dati-rati ay kinatatakutan ko.
Ang magsulat sa pader na gamit ang spray paint, masaya palang gawin.
.
.
.
Nasampal ko pa nga si Charie dahil sa pangungulit nito tungkol sa amin ni Warren. Ang iba naman na nakakasalubong ko na wala namang ginagawa sa'kin, sinisigawan ko at minsan ay nasusuntok. Para kasing nakikita ko ang mala-demonyong itsura ni Warren Lee na nakangisi sa tuwing tinitingnan ko sa mukha ang lahat ng estudyante ng Jiyu high.
.
.
At ang nakakabigla sa lahat, ilang beses ko na ring naranasan ang pumasok sa principal's office at mapagalitan at maparusahan ni Sir Paez. Lahat ng parusa niya, ginawa ko. Ang maglinis ng kubeta at magwalis sa quadrangle ay ilan lamang sa mga punishment nito sa'kin. Pero nang hindi ko na talaga kinaya pa ang mga gusto nitong ipagawa, natuto na akong murahin at sigawan si Sir Paez na ikinabigla nito. Tinakot pa nga niya ako na magsusumbong raw ito sa mga magulang ko. At ang sabi ko, kung gusto nito ay ako na mismo ang magsasabi. Hindi naman ito umimik.Duwag rin pala ang matandang 'yon!
.
.
Hindi rin lingid sa aking kaalaman na ang halos lahat ng mga class sa Jiyu high ay ako ang pinag-uusapan.
Lahat sila biglang natakot sa'kin.
Ang dating kinakawawa at nilalait, kinatatakutan na nila ngayon. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klase ng pakiramdam.
Noong una ay nag-aalangan ako kung makakaya ko ba'ng maging masama katulad nina Rex, pero napatunayan ko na kaya ko pala maging kasingsama nila. Masarap pala sa pakiramdam ang maging malakas at walang kinatatakutan!
.
.
Ngayon, nakakasiguro na ako na kaya kong patayin si Warren.
At gagamitin ko ang pagmamahal niya sa'kin upang hindi niya ako saktan. I know, he still madly inlove with me. Ang babae na nagbago, dahil sa kanya. Ang babaeng magtatapos ng kanyang kabanata dito sa Jiyu high!

.

.

KUNG minamalas ka nga naman. Mapahilamos ako sa aking mukha.
Para ba'ng sinasadya na magkatabi pa kami ng upuan ni Warren. Iyon lang kasi ang bakante. Nakita ko na nakaupo na siya at nakatingin sa'kin.
As usual, wala akong emosyon na ipinakita nang magtama ang mga mata namin. Nakapamulsa ang mga kamay ko sa aking fitted black jeans habang nananatiling nakatayo sa unahang bahagi, tabi ng driver set.
Naramdam ko rin ang pangingilag ng ibang estudyanteng naroon nang makapasok ako ng bus.
.
.
"Tigilan niyo na nga ang kakatingin sa'kin ng ganyan, kung ayaw niyong pag-uuntugin ko kayo!" Baling ko sa grupo ng mga babaeng nasa unahan na upuan ng bus at ako ang pinag-uusapan.
.
.
"Dah, hindi ka namin pinag-uusapan noh!" Sagot pa ng isa matapos akong irapan.
.
.
Nilapitan ko ang mga ito.
"Gaga kang babae ka, hindi ako bingi! Nasa labas pa lang ako ay dinig na dinig ko na ang mga bunganga mo, ako ang pinag-uusapan ninyo ng mga kaibigan mong tsismosa ring katulad mo. Ano, magdadahilan ka pa? Gusto mong ingudngud ko 'yang mga nguso niyo para tumahimik?!" Mabagsik kong sabi at hinawakan sa braso ang dalawa sa mga ito.
.
.
"F-fine. M-mananahimik na kami." Anang isa at isa-isa na nagyuko na lamang ang mga ito ng ulo. Mukhang natakot sa mga sinabi ko.
Dapat lang.
.
.
Marahas kong binitawan ang mga braso ng dalawa at nagpatuloy na ako papunta sa upuan ko. Hindi ko pansin ang nanunuring tingin ni Warren sa'kin hanggang sa makaupo ako. For sure, nakita niya at narinig ang mga ginawa ko. Ngayon, alam kong magkakalakas-loob na siya na kausapin ako dahil nga magkatabi kami ng upuan.
.
.
"Tama ba ang nakita at narinig ko kanina?" Panimula niya.
.
.
Sabi na nga ba, eh.
Narinig ko ang tanong niyang 'yon, pero nagbingi-bingihan lang ako. I just close my eyes and try to ignore him.
.
.
Wala akong balak makipag-usap sa'yo, ungas! Piping sigaw ng isip ko.
.
.
Hindi pa nga halos nagtatagal sa pagkakapikit ang mga mata ko, nang marinig ko uli ang kanyang boses.
"Hindi ba't nag-usap na tayo na ako na ang bahala sa kaso ni Helena? Kaya bakit mo pa ginagawa 'to?" Tanong niya.
.
.
Ah, ang alam na pala niya na pinasok ko ang pagiging isang gangster para malaman ang pumatay sa kapatid ko.
Wow, ang talino pala niya pagdating sa ganitong bagay!
Sino'ng niloko niya?! Hindi na niya ulit mapapaikot ang ulo ko.
.
.
ANG SABIHIN MO, KAYA AYAW MO AKONG MAKIALAM AY DAHIL AYAW MONG MALAMAN KO, NA IKAW ANG PUMATAY SA KAKAMBAL KO! Gusto ko sanang sabihin pero mas pinili kong 'wag na lang sumagot at manatiling nakapikit. Mas may maganda akong plano at masisira iyon kapag pinatulan ko pa siya.
.
.
Hindi ko inasahan na hahawakan niya ako sa braso, kaya napapitlag ako.
"Hindi mo ba talaga ako kakausapin?"
.
.
Napilitan akong magmulat ng mga mata. "Ano ba'ng gusto mong marinig sa'kin?" Hindi ko naitago ang aking pagkainis.
.
.
"Madami, Hyacinth. Ang dami kong gustong malaman mula sa'yo. Kaya nga kailangan na natin mag-usap para maliwanagan ako sa lahat ng mga nangyayari." Nagkaroon ng lamlam ang kanyang mga mata nang tumingin siya sa'kin. Na parang nahihirapan.
Magaling pala siyang umarte. Kumikilos siya na para ba'ng inosente siya.
.
.
"Tapos ka na?" Walang emosyong saad ko.
.
.
"Bakit ka ba ganyan? May usapan na tayo --
.
.
-- wala akong natatandaan na sinabi ko sa'yo na hindi ako mangingialam sa nangyari sa kakambal ko. Kaya kung ano man ang ginagawa ko ngayon, huwag mo na akong pakialaman! Hindi kita magulang para sabihin sa'kin ang dapat kong gawin!" Binawi ko ang braso mula sa pagkakahawak niya at tumayo. Mas gugustuhin ko pa'ng tumayo sa buong biyahe, kaysa ang makatabi siya.
Muli, ay nakita ko ang labis na pagtataka at pagkamangha sa kanyang mukha na gaya na lang ng itsura ni Lala nang huli kaming magkausap.
.

A Geek At School Who Fell Inlove With A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon