.
.
.
PARTY
.
.MARAHANG katok sa pinto ang dahilan upang tumigil ako sa ginagawa ko. Nasa harapan ako ng salamin at nag-aayos ng buhok ko, dahil ngayong gabi na ang birthday party ng kambal na si Troy at Trisha Joong. Alas-sais pa lang ay nagri-ready na ako para sa party na mag-i-start ng 8pm. Masquerade ang theme ng party.
Binitawan ko ang hair brush at tinungo ang pinto.
"Lala?" Niluwagan ko ang pinto at tuloy-tuloy naman itong pumasok.
"Ano'ng ginagawa mo dito?" Dagdag ko. Infairness, bumagay ang ayos nito, inipit ang magkabilang gilid pero may kaunting hibla ang mga naiwan sa harap. Wavy kaya bumagay rito ang light lang na make-up. Naka-purple dress ito na halter ang yari. May mga mumunting beads sa harap at umabot iyon hanggang tuhod. At naka-high heels ang bruha! Aba, pinaghandaan talaga.
"Wow, you look good tonight. Pinaghandaan mo talaga si Jake, huh?" Pang-aasar ko.
"Tse! Ofcourse not! Hemp," humalukipkip pa ito. "sabay na tayong pumunta ng party, 'yong car ko na lang ang gamitin natin." Pag-iiba nito ng usapan.
"Okey." Maikli kong sagot.
Natigilan ito sabay kunot ang noo. "Teka, ba't hindi ka parin nakakapagbihis?" Namaywang ito sa harap ko. Just like my mom when she got mad at me.
Naglakad ako papunta sa harap ng salamin at ipinagpatuloy ang naudlot na pag-aayos. Kumuha ako ng pantali at tinalian ang lampas balikat kong buhok.
"Maaga pa naman eh." Sagot ko. Nabigla ako nang kunin nito mula sa kamay ko ang suklay."Hey, ipapaalala ko lang ha, party po ang pupuntahan natin at hindi kasal. Ano ka, ninang?" Inangat nito ang ilang hibla ng buhok ko sa harapan at pinaglaruan iyon.
"Hep, huwag mo nga sirain ang buhok ko, at tsaka ano ba'ng masama sa ayos ko?" Usisa ko habang inaalis ang mga kamay nito. Grabe, kahit kailan talaga, pintasera ito. Hindi pa nga nito nakikita ang output.
Nakita ko sa salamin nang umikot ang mga mata nito. "Tinatanong mo kung ano ang masama? Geez! Para ka kayang manang," prangkang sagot nito.
"ako na ang mag-aayos sa'yo. Baka pagdating natin sa party, aakalain ng mga ibang bisita na ikaw ang ninang ng kambal." Napabungisngis ito."Hindi na, ako na lang." Sawata ko.
"No more buts, don't worry bes, pagagandahin lalo kita. And I'm sure, Warren can't take his eyes on you all night." Kumindat pa ito habang sinusuklay ang buhok ko.
Napabuga na lang ako ng hininga. Ang daming alam.Wala na akong sinabi.
"Picture tayo later." Excited na sabi pa ng bruha.
.
.
.
MAGKASABAY kami ni Lala na naglakad papasok sa loob ng mansyon ng mga Joong. Isinuot na namin ang aming mga maskara. Lalo tuloy akong kinakabahan dahil na rin sa malakas na tugtugin na pumapailanlang sa buong paligid."Ang daming tao." Bulong ko kay bes. Para tuloy gusto ko nang magback out. Hindi pa naman kasi ako sanay makipagsocialized sa maraming tao. But for the sake of the twin, sige, kakapalan ko na ang mukha ko. Kakayanin ko. Siguro naman, walang nangangain dito, noh? Hehe.
"Mahilig ka ba sa gecko?"
Napakunot ako sa klase ng tanong nito. "Huh? Hindi. Why?" Wala akong hilig sa mga wild animals.
.
.
"Lakas kasi ng kapit mo bes, baka matanggal na ang braso ko niyan." Sabay tawa nito.
.
.
Agad ko namang inalis ang kamay ko sa braso nito.
"Ops, pasensiya na. Kinakabahan lang talaga kasi ako." Nahihiyang sagot ko.
.
.
"Ano ka ba, don't panic okey?," Tinapik-tapik nito ang balikat ko. "kumapit ka na lang kay Warren mamaya, for sure hindi ka na kakabahan." Napabungisngis pa ito.
.
.
Kahit nasa dim light kami, hindi ko parin maiwasan ang hindi pamulahan ng mukha mabanggit lang ang pangalan ni King. Feeling ko, nagkulay kamatis na ang mukha ko.
.
.
"Hemp, dami mo pang sinasabi. Tara na nga." Yaya ko upang pagtakpan ang kilig na umuusbong sa puso ko. Ang dami talaga nitong alam. Sarap pasakan ng basahan ang bunganga.
#BiroLang
.
.
"Hey, look who's here!" Excited much ang tono nito.
.
.
Ha? Sino?
.
.
Sinundan ko ang tinitingnan nito. At nakita ko ang isang bulto ng lalaki na papalapit sa amin.
.
.
Nanggaling ito sa loob ng mansion at ngayon ay tinatahak na nito ang daan papunta sa aming direksyon.
BINABASA MO ANG
A Geek At School Who Fell Inlove With A Gangster
Teen FictionShe is a nerd. Isang babaeng talino lang ang meron, ayon sa mga lalaking naiinis sa kanya. She is Hyacinth Go. A senior student sa Jiyu High. She is always IN sa list ng mga matatalinong estudyante, pero she is always OUT sa paningin ni King. Si War...