CHAPTER 18
.
.
TRAGIC
.
.
PAGKAGALING ko uli sa prisinto, ay minabuti kong dumaan na muna ng Jiyu high. Magpapaalam uli ako sa mga teachers ko, na hindi naman ako makakapasok ngayong araw. Kakausapin ko si Mr. Paez tungkol sa pagkawala ni Helena at baka sakaling matulungan nila ako.
.
.
Pagkagising ko kasi kanina, ay biglang binundol ng kung ano ang dibdib ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, nababalisa ako pero bakit?
.
."Mang Dodong, sa school po tayo." Utos ko sa driver namin. Mas pinili kong ipagdrive na lamang ako kaysa naman ang magbike pa. Baka sa sobra kong pag-iisip kung nasaan nga ba talaga si Helena, ay ako pa ang madisgrasya sa daan.
.
.
Habang tinatahak namin ang daan papunta ng school, naisipan kong buksan ang aking telepono. Kagabi kasi ay lowbatt ang cellphone ko at ngayon ko lang bubuksan. Baka nagtext na sa akin si Helena.
Sana.
.
.
Hinintay kong mag-open ang telepono ko at sunod-sunod nga na dumating ang mga mensahe.
.
.
Napatuwid ako sa aking kinauupuan nang makita ko na ang mga messages ay galing lahat kay Helena!
.
.
Agad kong binasa ang mga mensahe. Napangiti ako sa kaalamang nagpadala parin pala ito sa akin ng text kahit na magkagalit kami.
Puro paghingi ng tawad ang laman ng text nito.
Napaiyak ako sa tuwa!
Hindi rin pala ako kayang tiisin ng kakambal ko.
Ayon sa isang text nito, nasa school daw ito at pauwi na.
.
.
Tiningnan ko ang oras nang ipadala nito ang mga text messages sa'kin.
Shocks!
Kagabi pa nito sinend ang mga text, pero bakit hanggang ngayon ay hindi pa ito nakakauwi?
.
.
Bakit kasi hindi ko agad binuksan ang aking telepono pagkatapos kong magcharge. Sisi ko sa aking sarili.
.
.
Nasaan ka na ba sa mga oras na 'to, Helena?
.
.
Sinubukan kong tumawag sa bahay, baka sakaling nakauwi na ang kapatid ko. Baka nagkasalisihan lang kami.
"Hello, Manang, nakauwi na po ba ang kakambal ko?"
Pagkaraan ng ilang segundo. "Ganoon po ba, sige po, tawagan niyo po ako kapag nariyan na po si Helena."
.
.
Panay ang buntung-hininga ko upang tanggalin ang kabang bigla na namang sumalakay sa dibdib ko.
.
.
Huwag naman sana na magkatotoo ang naiisip ko, na kaya hindi ito nakauwi kagabi ay dahil may masama ng nangyari rito.
I try to call her several times, pero hindi naman nito sinasagot ang tawag ko. Naka-ilang dial ako pero, wala talagang response.
Mas tumitindi ang pag-aalala ko para kay Helena.
.
.
Sinabihan ko si Mang Dodong na bilisan ang pagmamaneho para makarating na agad kami sa eskwelahan.
..
PAGKAPARADA ay agad akong bumaba ng sasakyan.
"Pakihintay na lang po ako, Mang Dodong." Bilin ko pa sa driver namin matapos sumilip sa salaming bintana ng sasakyan..
.
Binilisan ko ang paglalakad upang makarating agad sa office ni Dean.
.
.
Nagtaka ako.
Ba't nasa labas pa ang mga school mate ko?
Wala ba'ng klase ngayon?
Ba't may mga taong labas rin ang nandito?
Ano kaya'ng meron?
.
.
Sa bungad pa lang ay may napansin ko na ang mobile ng pulis at isang ambulansya. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang uli akong kinabahan.
.
.
Ipinilig ko na lamang ang aking ulo upang alisin ang ano mang negatibong tumatakbo sa aking isipan.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at gaya kanina, napuno ulit ng pagtataka ang mukha ko nang mapansin ko ang mga kapwa ko estudyante na nakatingin sa'kin at nagbubulungan.
.
.
Hindi pa ba sila nasasanay sa bago kong itsura?
In-obserbahan ko pa ang mga ito.
Hindi ko ngayon makita ang mapanuring mga tingin, na kadalasan ay ipinupukol nila sa akin.
Iba ang nakikita ko sa kanilang mga mata.
Lungkot. Iyon ang tamang description.
Nakakapagtaka talaga.
Hindi ko na nagawa pa'ng magtanong sa mga ito, dahil narinig ko ang malakas na sigaw ni Lala.
Tumatakbo ito palapit sa'kin.
.
.
"Teka, bakit ka ba sumisigaw?" Sita ko nang makalapit ito.
.
.
Mahigpit naman nitong hinawakan ang mga balikat ko at tumingin sa'kin ng diretso.
"Beshie.." Nanginginig ang boses nito.
.
.
"Ano'ng nangyayari sa'yo? At teka, bakit pala may mga police at ambulance dyan sa labas?"
.
.
BINABASA MO ANG
A Geek At School Who Fell Inlove With A Gangster
Genç KurguShe is a nerd. Isang babaeng talino lang ang meron, ayon sa mga lalaking naiinis sa kanya. She is Hyacinth Go. A senior student sa Jiyu High. She is always IN sa list ng mga matatalinong estudyante, pero she is always OUT sa paningin ni King. Si War...