Chapter 23

13 0 0
                                    


.

.
COUPLE BRACELET
.
.
KINABUKASAN..
Matamlay akong bumaba upang sabayan sa breakfast ang parents ko. I have no choice, mapapagalitan lang naman ako kung hindi ko sila sasaluhan.
.
.
Pababa pa lang ako ng hagdan nang batiin na ako ni mommy.
"Good morning hija, halika na't sabayan mo na kami ng dad mo. Hindi ba't pupunta ka sa Jiyu high ngayon?" Ipinaghila na ako ng upuan ni mom bago siya bumalik sa kanyang kinauupuan.
.
.
"Opo." Naupo na ako sa tapat ni mommy. Sa kabisera naman nakaupo si dad at abala sa pagbabasa ng diaryo habang nagkakape.
.
.
Lumapit naman si Manang Lily at nagprisintang lagyan ng pagkain ang pinggan ko.
"Ako na ho." Kinuha ko kay Manang ang platong may lamang bacon at hotdog.
.
.
Matamlay lamang ho ako, wala akong sakit. Nais ko sanang idugtong but, I choice to zip my mouth.
.
.
"Your grandparents wants to talk to you, tawagan mo sila pagdating mo dito mamaya, okey?" Si mom.
.
.
"Okey mom, I will." Nagpatuloy ako sa pagkain.
Actually, wala talaga akong gana. Hindi ko nga sure kung mauubos ko ang isang piraso ng hotdog at bacon na nasa pinggan ko. Pakiramdam ko, wala ang kaluluwa ko sa katawan ko.
Naiwan pa yata sa kwarto.
#Lutang
.
.
Napansin ko ang kakaibang tingin ni daddy sa'kin.
.
.
"May gusto po ba kayong sabihin sa'kin?" Usisa ko. Hindi ba't observer nga ako, instinct ko ang nagdidikta sa akin para malaman kung may nakatingin man sa'kin o wala.
.
.
"Aren't you going to wear that bracelet of yours?" Ani dad habang humihigop ng coffee.
.
.
"Po?" Sinulyapan ko ang wrist ko. Hindi ko na nga pala isinuot ang porselas ko.
Pati ba naman iyon ay napansin nila?
Ngayon ko napatunayan kung kanino ako nagmana ng pagiging observant.
.
.
"Mabuti naman at hindi mo na isinusuot ang malas na bracelet na 'yon," singit ni mommy sa usapan. Kumuha ito ng isang slice ng loaf bread at naglagay ng spread. "if you would ask me, about the other one, well, itinapon ko na, total hindi naman iyon pag-aari ng kapatid mo, right?" Halata ang sarcasm sa boses ni mommy.
.
.
Tumigil ako sa pagnguya at biglang napatingin kay mom.
"I-itinapon ninyo?" Wala na akong pakialam kung tumaas man ang boses ko.
.
.
Oh gosh, hindi maaaring mawala ang bracelet na 'yon!
.
.
Tumigil si mommy sa ginagawa nito. "And why should I keep that crap?!" Tumaas na rin ang boses ni mom. "akala mo ba, hindi namin malalaman na couple bracelet iyon? Na sa'yo nga ang isa, diba?"
.
.
Uh-oh. I'm dead. Napalunok ako.
.
.
Ang tanga mo talaga, Hyacinth! Ba't di mo naisip na malalaman na nila ang tungkol sa bracelet ninyo ni Warren? Kastigo ng munting tinig sa aking isip.
.
.
Nagyuko na lamang ako ng ulo dahil sa hiya.
.
.
"Ibigay mo sa'min ang porselas mo," ani daddy. Seryoso parin ang mukha. "besides, hindi mo naman na kailangan 'yon, right?" Maawtoridad ang mga tingin nito sa'kin.
.
.
"B-but dad.." Protesta ko.
Pati ba naman iyon, kukunin nila sa'kin?
.
.
"Give me that bracelet!" He tap the table at muntikan nang matapon ang tasa ng kape sa tabi nito!
.
.
Nabitawan ko naman ang hawak kong kubyertos dahil sa pagkagulat.
Galit na naman si dad.
.
.
Hindi na nakatiis si Manang Lily kaya nakialam na ito sa usapan namin.
"Mawalang-galang na Alfred, hindi mo naman kailangan sumigaw. Alalahanin mo, nasa harapan kayo ng pagkain." Nilapitan ako ni Manang at pumwesto sa may likuran ko. She was trying to comfort me. Na para bang sinasabi ng mga haplos nito na wag na akong kumontra.
.
.
Kumalma naman si daddy. Mukhang tinamaan at nahimasmasan sa mga sinabi ni Manang Lily.
"Pasensiya na po sa inasal ko," hingi nito ng paumanhin. "pakikuha na lamang po kay Hyacinth ang bracelet at ibigay ninyo sa'kin." Nagpunas na ng bibig si dad, at tsaka tumayo.
Nawalan na ito ng gana sa pagkain.
.
.
"Sabay kaming aalis ngayon ng daddy mo," tumayo na rin si mommy. "Manang, kayo na po ang bahala kay Hyacinth. Make sure, she'll get home, early." Bilin pa ni mom.
.
.
"Makakaasa ka, Hermie. Ako na ang bahala sa anak mo."
.
.
Mabuti naman po kung ganoon." Pagkatapos humalik si mommy sa pisngi ko, nagmamadali na rin itong lumabas.
.
.
Naiwan kaming dalawa ni Manang.
"Saan po sila pupunta?" Matamlay kong tinutusok-tusok ang bacon sa plato ko.
.
.
"May importante raw silang tao na kakausapin. Hindi naman nabanggit sa'kin kung sino."
.
.
"Ganoon po ba," uminom na ako ng juice. Wala na talaga akong gana."aalis na rin po ako." Tumayo na ako upang pumanhik sa kwarto ko at makapagbihis na rin.
.
.
Nakakalungkot na pupunta na nga ako ng America, nawala pa ang bracelet na tanging maiiwang ala-ala ni Warren sa'kin.
Hindi ko na nga magawa pa ang magpaalam sa kanya, tapos ganito pa?
Ang saklap naman.
#FeelingDown
.
.
"Sandali anak," pinigilan ako ni Manang sa tangka kong pag-alis. May dinukot ito sa bulsa ng suot nito. "hindi ba't kaarawan mo ngayon?" ngumiti ito. "sana'y magustuhan mo ang aking munting regalo." Iniabot sa'kin ni Manang ang munting kahon na kulay puti.
.
.
Ah, birthday ko na nga pala?
.
.
Napangiti ako ng mapakla.
Kaarawan ko na pala, sa dami ng mga nangyayari ay nakalimutan ko na. Sana nga, pati ang sakit na nararamdaman ng puso ko ay makalimutan ko na rin.
.
.
I sigh. Pakiramdam ko, wala naman espesyal sa araw na ito. Ni mga magulang ko nga, hindi naalala na birthday ko pala ngayon.
Lalo akong nakaramdam ng lungkot. Kung buhay pa sana si Helena, last week pa lang ay naghahanda na ito para sa debut namin. She wanted a perfect one. Nabanggit nga niya sa'kin noong nabubuhay pa siya, gusto raw niya na modern princess with glamour ang tema ng birthday namin. Super excited siya kahit matagal pa naman.
And now, she's gone. Hindi na namin magagawa ang lahat ng plans namin for our debut. Siguro kung nandito lang si Helena, kahapon pa siya nagpi-fit ng mga gowns. Punong-puno na rin siguro ng mga branded stilettos ang buong sala sa dami ng pinamili nito. At syempre, hindi mawawala ang mga make-up na sandamakmak. Naririnig ko na rin siguro ang mga bakla (stylish namin) na hindi magkamayaw sa pag-aasikaso sa lahat, magmula sa venue at maging sa mga isusuot namin.
This birthday party would be very beautiful and special..
Kung sana ay nandito pa siya.
.
.
I shook my head, try to ignore those faded memories with my twin. Ayoko na maging malungkot ako ngayon, alam kong hindi rin gusto ni Helena na nakikita akong ganito.
.
.
Cheer up, Hyacinth. Payo ko sa aking sarili.
Dapat ay maging masaya ako kahit wala na si Helena.
.
.
Maalala ko nga pala, may iniaabot pala si Manang Lily. "Ano po ito?" Kinuha ko ang munting kahon at ito'y binuksan ko.
Tumambad sa'kin ang isang pamilyar na bracelet..
Nangilid ang mga luha ko habang nakatingin kay Manang Lily.
.
.
Nginitian ako ni Manang. "Nakita ko iyang bracelet nang itapon ng mommy mo kahapon sa garbage bag doon sa may likod, alam kong importante 'yan sa'yo, kaya kinuha ko pagka-alis niya."
.
.
"Manang!" Sinugod ko siya ng yakap. "hindi nyo alam kung gaano ako kasaya ngayon. Marami pong salamat talaga!" Naluha na ako habang yakap-yakap si Manang.
.
.
Hindi pala tuluyang mawawala ang ala-ala ni Warren.
Ito ang best birthday gift ko, ever!
.
.
"Naku, tahan na. Kaarawan mo ngayon, masaya ka dapat." Kumalas na si Manang sa yakapan namin at pinahid ang mga luha ko.
.
.
"Thank you for everything you've done for me, Manang. Salamat dahil nandiyan parin kayo para sa'kin, despite of everything happens." Madamdamin kong saad.
.
.
"Wala 'yon, naniniwala kasi ako na hindi kayang gawin ni Warren ang patayin ang kakambal mo," hinawakan ni Manang ang mga kamay ko. "naniniwala parin ako na lalabas rin ang katotohanan. Maliliwanagan rin ang mga magulang mo." Paliwanag pa nito.
.
.
Salamat naman at may kakampi ako. Saloob-loob ko.
.
.
"Opo Manang, sana maliwanagan na tayong lahat. Malay nyo, baka hindi na ako itapon nina mommy at daddy sa America kapag lumabas na ang totoo." Idinaan ko sa tawa ang lungkot na nararamdaman ko.
.
.
"O siya, ngumiti ka na. Dalian mo'ng magbihis, hinihintay ka na ng Jiyu high." Malawak at tila may ibig sabihin ang ngiti ni Manang.
.
.
"May dapat po ba akong malaman, ha, Manang?" Observer ako kaya, ramdam ko may ibang ibig sabihin ng ngiti nito.
.
.
Natawa ito. "Naku, wala naman. Nangiti lang ako, may ibig sabihin na agad? Hala, umakyat ka na at maghanda sa pag-alis." Pagtataboy nito sa'kin.
.
.
"Sige po, magbibihis na," tumalikod na ako para umakyat nang may maalala uli ako. "Ahm, Manang.." Lumapit uli ako at bumulong.
.
.
"Aba'y, sige. Ihahanda na namin ni Josie."

A Geek At School Who Fell Inlove With A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon