Chapter 4: ( Meet My Boss )

35 18 4
                                    

Her Pov

"Nakahanda na ba ang lahat?!"

Mauwtoridad na sabi ni aling Benda na napatango kaming lahat bilang pagsang-ayon na handa na ang lahat sa pagdating ni sir David.

Grabe parang fiesta naman dito at halos mga abala ang mga tao sa loob pero tatlo lang naman silang magpipinsan na nandito tanging mga kasambahay lamang ang nakakapuno nang mansiyon nila.

"Hey!"

Napalingon ako nang may bumulong sa akin at alam kung boses iyon ni Bryle.

"Excited?"

Tanong nito na may nakakalokong ngiti. Tsk! Pasaway talaga.

"Huh?"

Nagtataka na tanong ko dito.

Anong klaseng espirito kaya ang sumapi sa mokong na ito na panay ngiti, at take note mukhang may binabalak pa siyang katarantaduhan.

"Hahaha... Nothing forget what I say."

"Okay, sana okay kalang."

Pagbibiro ko sabay tapik sa braso nito.

"Hahahaha...."

Naiinis naman ako sa mga tawa ni Bryle na nakahawak pa ito sa tiyan. Buweset! Kong makatawa parang wala nang bukas segi tawa lang Bryle iiyak ka din mamaya.

Napaisip naman ako kung ano ang nagawa kung katangahan o ano pa nagawa ko kaninang umaga. Pero wala eh, good girl talaga ako ngayon eh.

~

"I'm excited to see lovieyah!"

Masayang sabi ni baby Annie na tumatalon pa ito na ikinangiti ko naman.

Hanggang sa may narinig akong busina nang kotse kaya nabaling ang tingin ko sa mamahaling kotse. Napapalibutan kasi nang salamin ang sala nila kaya kitang kita sa labas. Yaman nga naman! Wala bang ordinaryo sa mga gamit nila yung tipong masasabi mong simple lang pero maganda at mukhang mamahalin pa!

Napatingin ako kay baby Annie na ngayon ay nakakapit sa damit ko.
Napahawak nalang ako sa may parte nang dibdib ko dahil sa bilis nang pagtibok nito.

Huwaaah! Kinakabahan talaga ako! Paano nalang kung malaman nito na peke ako. Edi nagkaalaman na! Huhuhuhu!

Napatingin ako sa lalaking papasok na nakapang opisina pa ito at nakasalamin.

Dahan dahan nitong tinanggal ang suot nitong salamin na bumulaga naman ang kulay kape nitong mga mata.
Napababa ang mga mata ko nang mahagip nito ang matatangos na ilong pababa sa mapupula nitong labi at sa huwaaa!!!

Tama na! Amputs! Ang kalandian ko umaariba buweset.

Ang init pakilakas nang aircon teh! Wala na finish na kaya uwian na dahil may nanalo sa puso nang lola niyo!
Chos lang!

"LOVIEYAH!!!"

AWW! AWW! AWW!

Nahinto ang pagpapantasya ko nang sumigaw si baby Annie at sinamahan pa nang tahol ni Cennit.

"Lovieyah meet ate Arianne my new beautiful ate!"

Beautiful talaga baby Annie? Puwede mo namang sabihin na new yaya mamaya komuntra pa yan sa kagandahan ko edi napahiya pa ako.

Hindi ako manhid alam kung masungit itong si David marunong kaya ako kumilatis nang tao.
Nang makalapit na si David sa harapan ko ay mukhang na freeze ang bunganga ko dahil hindi ko alam kung anong oras na. Alangan naman mag good morning ako eh mukhang hapon na at kung mag good afternoon naman ako eh mukhang alas nuwebe palang. Ang gulo!

Forget HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon