Chapter 13: ( Indefinite Feelings )

9 1 0
                                    


Joane Pov

Kanina pa ako daldal nang daldal pero hindi manlang ako pinapansin ni
partner at sa kawalan pa ito nakatingin.

"Arianne ano ba!''

Sabay palakpak ko sa harapan nang mukha   ni Arianne na ikinagulat nito.

"Ano? O...oo gets ko!"

Napangiwi nalang ako sa isinagot nito.

"Wow! Talaga gets mo Arianne? Huwag ako lokohin mo!"

Inis kong sabi pansin kong kahapon pa ito wala sa sarili.

"Pansin ko lang Arianne huh.. makati ba iyang labi mo at kahapon mo pa iyan kinakagat-kagat? Mamaya dumugo pa iyan dahil sa kabaliwan mo!"

"Ano kasi... ano.. si ano kasi... inano ako ni ano... tapos yung an..."

"Tama na! Ayoko nang makinig sayo puro ano lang ang naiintindihan ko sayo! Maiwan na nga kita diyan! Bahala kang umintindi sa mga kakaano mo!"

Arianne Pov

Mabilis kong pinigilan si ate Joane nang magwa-walk out na ito.

Nahihiya kasi ako na ipagtapat dito ang nangyari kahapon lokong David na iyon pagsisihan niya talaga ang ginawa niya sa akin kahapon.

"Oh? Bakit mo ako pinigilan? Nasa katinuan kana ba? Dahil wala akong oras makipag-usap ngayon sa baliw..."

Nakapamewang na sabi nito na napakamot nalang ako sa leeg.

"Nababaliw na ba talaga ako?"

"Wow! Hindi halata?! Hindi mo alam?"

Napanguso nalang ako at  nagtitigan nalang kami ni ate Joane.

"Ano? Magtititigan nalang ba tayo?!"

"Ano kasi.... pakiramdam ko ahm... parang may-iba kay David. Parang nagkita kita na kami noong una pero hindi ko lang maalala kung saan."

Pagpapaliwanang ko nakita ko naman ang pagseryoso sa mga mukha nito.

"Weh? Wala naman akong napapasing iba kay sir David. Baka ikaw lang ang nakakapansin nu'n dahil inlove kana sa kaniya! Ayiee... aminin mo!"

Napataas kilay nalang ako sa narinig ko kung kailan ako nagseseryoso  ang kausap ko naman ngayon ang nababaliw. Hays! Buhay parang life...

"Hays! Ang layo nang sagot mo as in! Hindi ako inlove noh! May napapansin lang talaga akong iba na bago sa kaniya."

"Parang wala naman ipinagbago si sir David. Ikaw! Nga itong may ipinagbago eh."

Sabi nito na ipinagtaka ko naman. Ako? Nagbago ba't parang wala naman.

Pagkatapos naming mag-usap ay naglakad na ako papunta sa kuwarto ni David para maglinis.

Pagpasok ko ay nagulat ako nang tumambad sa akin ang hubad na katawan ni David na tanging tuwalya lang  ang nagsisilbing pang-ibaba nito na  bagong ligo.

Agad ko rin iniwas ang tingin ko tsaka ako nagbubulagbulagan na parang hindi ko ito nakita. Hindi ko naman alam na nandito pala siya dahil miyerkules ngayon.

"Hey!"

Tawag nito pero hindi ko parin ito pinapansin sa halip busy ako sa kahahanap nang ewan  hindi ko alam. Basta ang akin lang ay hindi ko ito pansinin.

Forget HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon